Chapter 15 - Flashback ( The instinct)

2 1 0
                                    


Ilang araw pa ang nagdaan at mas lalo akong nangungulila kay Zedd. Magkasama nga kami sa iisang bahay pero ang layo namin sa isa't-isa. Nagkikita, sabay kumakain, nagkaka usap at nagsasabihan ng iloveyous pero hanggang doon na lang 'yun. Na para bang nakikisabay na lang kami sa agos ng buhay. Na para bang ginagawa na lang namin ito dahil kailangan. Pero ayokong kumawala. Ayokong mawala siya. Ayoko. Hindi ko kaya.

Ramdam ko ang lungkot habang kumakain mag isa ng dinner. Kanina pa ako nakauwi galing sa eskwelahan at kanina pa ako naghihintay na makauwi siya dahil sabi niya ay sabay kaming magdidinner ngayon. Everything is starting to go out of nowhere. Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay unti unting pumapatak. Nalalasahan ko na rin ang alat na nagmumula rito at humahalo na ito sa kinakain ko. Bawat pagnguya ko ay mas lalong dumidiin ang hawak ko sa kutsara at tinidor na hawak ko. May mali. Oo may mali pero hindi ko mawari kung ano ito. Hinayaan kong tumulo ang luha ko hanggang sa matapos akong kumain.

I tried to call his number but it was out of reached again. Pang ilan na bang subok 'to? Sampo? Kinse? Bente? Hindi ko mabilang. Tumingin ako sa orasan na nasa sala, 10:00 na ng gabi. Dali dali kong kinuha ang pitaka ko na nasa bag ko at pinulot ang cellphone ko sa lamesa. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa labasan at naghintay ng taxi kung meron mang dadaan. Nang hindi ako makahintay ay nag umpisa na akong maglakad, ngayon ko lang napagtanto na nakatsinelas lang pala ako gamit ang tsinelas sa loob ng bahay. Napatawa na lang ako kahit iba ang nararamdaman ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan ulit siyang tawagan habang naglalakad ako pero kagaya kanina ay out of reached pa rin ito. Unti unti nang umusbong ang inis at galit sa puso ko habang nag iisip ng kung ano ano. Hindi. Busy lang iyon sa work niya o baka naman nalowbat lang kaya ganoon. Hindi naman siguro siya gagawa ng kagaguhan. Hindi niya magagawa 'yun. Sana.

Sa kakalakad ko ay hindi ko namalayan na nakarating na ako sa opisina. Nang makita ako ng guard ay kaagad itong ngumiti sa akin at binati ako.

"Good evening ma'am. Gabing gabi na a. Ipinatawag po ba kayo ni ma'am Dorothy?" nakangiting bati neto sakin.

"Good evening manong. Ay hindi po. Si Zedd manong, nandito pa?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Nako, kanina pa pong hapon umalis si sir Zedd ma'am. Akala ko nga umuwi na po e. Nagmamadali po kasi siya." kinakabahang sagot sa akin ni kuya.

Umusbong ang kabang pilit kong pinipigilan kanina pa. Ngumiti ako kay kuya para maitago ang nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag.

"Ganun ba manong? Eh si mommy po?" tanong ko pa rin ng nakangiti.

"Nasa office niya po ma'am, aakyat po ba kayo? Gusto niyo itawag ko?" tanong niya sakin.

"Sige po manong." sagot ko sa kanya at dali dali naman siyang tumungo para itawag sa opisina ni mommy.

Pagbalik ni manong ay pinapasok niya na ako at sinabing diretso na lang daw ako sa opisina ni mommy.

Habang naglalakad ako ay sumasabay ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ng malapit na ako sa opisina ni mommy ay dali dali kong pinunas ang luha ko at inayos ang sarili ko.

"What are you doing here?" tanong niya kaagad sa akin habang tinitingnan niya ako.

"What's with your get up? Lumayas ka ba sa bahay?" tanong niyang muli sa akin at napayuko na lamang ako.

Itinigil niya ang ginagawa niya at naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa sofa na nasa opisina niya na hula ko ay ginagamit niya sa pagtulog.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya ako. Nahihiya akong umiyak. Nahihiya akong makita niya kung gaano ako kawasak ngayon pero napahagulgol na lamang ako ng maramdamam ko ang yakap na nagmumula kay mommy. For staying with her within few years, ngayon ko lang naramdaman ang yakap na yun. Ang yakap na nagsasabing 'nandirito lang ako'.

"M-ma, I think, Zedd is c-cheating with m-me." bulong ko sa kanya habang humahagulgol pa rin.

Mas lalo akong niyakap ni mommy at hinaplos ang likod ko. Ilang sandali pa ay narinig ko na isang lullaby.

Who would have think na ang isang Dorothy Mendez ay marunong palang kumanta at may soft side din pala? Ilang sandali pa ang lumipas ay nakatulog na ako dahil sa pagod.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay umaga na. Ramdam ko ang hapdi sa aking mga mata at napatingin na ako sa lamesa kung saan nakayuko si mommy na natutulog. Kumuha ako ng towel na nasa bag niya at inilagay ito sa likod niya para hindi malamigan.

"Thanks for the comfort and being with me last night mom. I'm sorry for the disturbance." bulong ko sa kanya at tumalikod na para umalis.

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga employees na papasok pa lamang. Mas lalo kong binilasan ang paglalakad dahil late na ako sa klase ko. Kumpara sa nararamdaman ko kahapon at kagabi, mas gumaan na ang nararamdaman ko sa ngayon.

Hindi naman masama na magsabi sa iba ng nararamdaman lalo na kung punong puno ka na.

Nang makauwi ako sa bahay ay doon ko napansin na umuwi si Zedd. He's still sleeping and mukhang pagod na pagod kaya hindi ko na na ginising.. Iwinaksi ko ang galit na nasa isip ko at kaagad na naligo at nagpalit. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang labi bago tumalikod. Umalis ako sa bahay na parang walang nangyari.

I was running in the hallway when I saw someone running after me. Tumigil ako sa pagtakbo para alamin kung sino ang humahabol. It was Mr. Assistant.

"H-hoy l-late ka r-rin?" hingal na hingal niyang sambit.

"Oo eh." natatawang sabi ko at tumakbo na ulit para sumabay sa kanya.

Tawang tawa kami ng makarating sa room namin dahil wala pala kaming instructor na pumasok. Napa upo kami pareho sa lapag habang tumatawa at pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin na ngayon ay sumasabay na sa tawa naming dalawa.

"Tangina, para kayong hinahabol ng sampong aso sa bilis niyong tumakbo. Mga gago, hindi ba kayo nagbabasa sa gc?" tumatawang sambit ni Jess sa amin.

"Naka duty ako last night kaya hindi ako nakapagbasa." hinihingal pa rin na sagot ni Jax.

"A-ahm, nakatulog ako ng maaga kagabi." pagsisinungaling ko sabay alis ng titig ko kay Jax.

"Para kayong mga gago. HAHAHAHA. Tara sa canteen, libre ko kayo ng tubig." pag aya sa amin ni Jess.

"Si Ash? Hindi pumasok?" tanong ko kay Jess habang unti-unting tumayo mula sa pakakasalampak sa lapag.

"Wala pa. O baka hindi papasok. Hindi ka sumama sa amin kahapon. Edi sana nakita mo rin yung lalaki." sabi nito sa akin habang inaakay ako neto palabas sa room.

"H-hoy! Isama niyo ako!" sigaw ni Jax sa amin at humahabol.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon