Buong byahe ay sumabay lang kami ni Jax sa mga kantang tumutugtog. Ni hindi ko alam kung papaanong naka alis kami sa bahay na yun kung saan ako iniwan ni Zedd.
Napatigil ako sa pagkanta ng isang pamilyar na tugtog ang aking narinig. Love is Gone.
Dali daling pinatay ni Jax ang stereo. Isang katanungan ang nabuo sa aking isipan.
"Why are you here, Jax?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Kasi inaya kitang magkape?" pilosopong sagot niya.
Napatingin ako sa labas ng sasakyan at isa isang pinagmasdan ang nadadaraanan namin. Pagabi na pala, tiningnan ko ang suot kong jumper at isang plain na white top na tinernuhan ko ng puting sapatos. Ramdam ko ang lamig na unti unting nagpapakalma sa sistema ko.
"Malapit na tayo. Nilalamig ka ba?" tanong niya.
"Paano mo nalaman ang number ko?" pag iiwas ko sa tanong niya.
"Sa Cafe. Matagal ko ng nakikita ang number mo. Kanina lang ako sumubok." maagap na sagot niya sa akin.
Huminto ang sasakyan sa gilid. Tingin ko ay narito na kami. Bumaba na ako at inilibot ang tingin ko. Nasa isang kainan kami at mukhang dagsahan ito ng mga tao.
Hinintay ko si Jax na lumapit sa akin. May iniabot siya sa aking isang hoodie. Tinanggap ko iyon at isinuot, nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pabango niya. Inaya na niya akong lumapit sa kainan.
"Aba, ikaw pala yan Jasper. Ngayon lang ulit kita nakita. Ang laki mo ng bata ka." magiliw na sambit ng isang may edad na babae.
Jasper? Is that his real name?
"Ah opo, dalawang pares nga po manang tapos pakilabas naman yung dati kong inoorder na kape mo, dalawa rin po." sabi niya rito at naghanap ng mauupuan.
"Madalas ka ba dito, Jasper?" tanong ko sa kanya ng pabiro. Nakita ko ang pagtigil niya sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Isa pa nga." tanong nito na nagpagulo sa akin.
"Tawagin mo ako sa pangalan ko." pagpapaliwanag niya.
"Alin? Jax or Jasper?" ngingiti ngiting tanong ko.
"Ang panghuli."
"Jasper." muling wika ko
Hindi ko alam kung ako lang ba o nakita ko ang kakaibang ngiti sa labi niya. Namumula ang tainga niya at mukhang parang batang nabigyan ng kendi.
Ganadong kumakain na kami ni Jax ng biglang umulan.
"Naku at umulan pa nga." sabi niya habang sumisimsim ng kape. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin.
"Oo, ang sarap. Nainitan na rin ang tiyan ko. Last na kain ko pa ay kaninang umaga." sagot ko sa kanya at isinubo ang panghuli.
"Gusto mo pa ba?"
"Ah hindi na. Baka sasakit ang tiyan ko kapag naparami sa kain." sagot ko.
"Take out tayo?" muling tanong niya at tumayo na para sabihin doon sa babae kanina na magtatake out siya. Ni hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Napailing na lamang ako at sumisimsim ng kape. Nalasahan ko ang pait ngunit lumalaban na tamis dito. Saktong lasa para sa akin. Gusto ko ang lasa.
Napatingin ako sa labas at pinagmasdan ang ulan. Kung kanina ay sobrang lungkot ko, ngayon ay kalmado na ako. Hindi ko lubos akalain na may isang taong sasagip sa akin ngayon. Hindi ko naisip na magiging kalmado ako ngayon. Malapit na akong mawalan ng bait kanina. Malapit na akong maubos. Malapit na akong mapagod. Habang nakatingin sa lalong dumidilim na paligid ay ang unti unti kong paglingon kay Jax na nakangiting papalapit sa akin habang may hawak hawak na paper bag. Hindi ako manhid, pero alam ko kung anong nararamdaman niya sa akin. Sa ilang beses na sinagip niya ako, napatunanyan kong hindi lamang coincidence ang lahat.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin.
"A-ayoko. Ayokong umuwi." sagot ko.
"R-rosas…"
"Please? Kahit ngayon lang. Ayoko na munang umuwi. Puwede ba?" pakiusap ko.
"Fine. Tara? May pupuntahan tayo." pag aya niya.
"Saan?" kalmadong saad ko.
"Sa lugar kung saan ka puwedeng makahinga." sagot niya sa akin at pumasok na sa sasakyan. Sumunod na rin ako sa kanya at dinalian ang pagpasok.
Huminto kami sa isang mataas na bundok kung saan kitang kita mo ang buong tagaytay. Kitang kita ko ang mga ilaw ng siyudad at damang dama ko ang kapayapaan kung nasaan man kami. Sa kabila ng lamig na bumabalot sa lugar ay siyang tahimik neto. Buti at hindi umulan sa parteng ito.
Lumabas si Jax sa sasakyan at tumungo sa likod nito. May kinuha siya dito at inilapag sa damuhan kung saan puwede kang mahiga dahil sa lawak neto.
"Dito ka." tapik niya sa inilapag niya at bumalik sa sasakyan.
Umupo ako sa blanket. Hindi ko alam kung anong oras na. Ayokong tingnan ito. Ayokong buksan ang cellphone ko. Natatakot ako.
Paglapit ni Jax ay dala dala niya ang tinake out niya kanina at may dala itong kumot na iniabot sa akin. Umupo rin siya at tinanggal ang sapatos niya.
"Gusto mo bang tanggalin ko rin yung sapatos mo?" tanong niya sa akin.
Tumanggo na lamang ako at inilibot ang tingin ko sa siyudad. Inalis niya ang pagkakabuhol ng tali ng sapatos ko at dahan dahan niya itong inalis sa aking paa.
"What would you do if nalaman mo na may iba ng mahal ang taong mahal mo?" wala sa sariling kong tanong sa kanya.
Napalingon siya sa akin. Ramdam ko ang pag aalangan niyang sumagot.
"I found out last night that he loves the girl. Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto ko siyang sumbatan at tanungin kung saan siya mas lamang. Pero natakot ako e. Natakot ako na sabihin niya sa akin kung anong edge ng babaeng yun kumpara sa akin." paiyak kong kuwento.
"Alam mo yung masakit? Handa akong kalimutan lahat lahat. Kasi alam ko naman na mahahanap niya yung daan pauwi sa akin e. Umaasa ako. I begged him to stay. Ang unfair ko ba? Ang unfair ko ba na ayokong mawala siya? Ayokong mawala siya dahil feeling ko mawawalan na ako ng bait pagkatapos mawala sa amin ni Jasmine." iyak ko at kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.
"Jasmine? Yung baby?" tanong niya na hindi makapaniwala.
"That night. When he hit you. That was the last time na nayakap ko ang baby namin pagkatapos naming maaksidente dahil pinairal niya ang selos niya. Ang dami kong rason para magalit sa kanya at kahumian siya pero bakit ganoon Jasper? Bakit sa kabila ng lahat ng yun, hindi ko man lang magawang bumitaw?" pagrarant ko sa kanya habang tuloy tuloy na dumadaloy ang aking luha.
"Kanina, akala ko okay na e. After kong mag begged sa kanya na mag stay siya akin. Akala ko, inaya niya ako sa Batangas para bumawi. Alam mo bang sobrang excited ko kanina? Kaso tangina lang. Nandoon na kami e. Kaso may tumawag. Nauna na akong pumasok sa bahay kasi kampante ako na ako ang pipiliin niya. But I was wrong. Alam mo ba kung anong naisip ko kanina kaya pina alis ko siya? Na hindi mo mapipigilan ang taong inlove. Na kahit itali mo pa siya, walang patutunguhan iyon. Kita ko sa mata niya kanina ang hirap. Ramdam ko ang pamemeke niya. Ramdam ko ang sakit. Malapit na akong maubos. Anong gagawin ko? Napapagod na ako. I'm trying my best to fix everything, but I think my best is not enough." nanghihinang lintanya ko.
Lumapit si Jax sa akin at niyakap niya ako. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. I was about to sleep when I heard him whisper something.
"Hindi mo naman kailangang manatili sa isang relasyon kung alam mong wala ng patutunguhan pa. Sa tingin ko, handa ka namang mag letgo. Takot ka lang. Takot kang sumubok. Try it Rosas, for you to be able to breath." bulong niya sa akin bago pa man ako lamunin ng antok.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...