Chapter 11 - Flashback (The Scholarship)

14 1 0
                                    


Life must go on. Kailangan mong sumabay sa buhay para mabuhay. Kailangan mong sumabay sa agos neto kung hindi ay mapag iiawanan ka. Nagpatuloy ang buhay para sa amin ni Zedd. Nadischarge siya sa hospital at ngayon ay tuluyan ng gumaling kagaya ko. Gaya ng pagkawala ni baby JT, ay ang pagkawala ng komunikasyon namin. Bumalik sa dati ang lahat. Ang dating trato sa akin ni Mrs. MENDEZ at ang pagpapahirap niya sa akin ay naulit na naman. Ang dating agwat sa pagitan namin ni Zedd ay bumalik. Lahat ng kinimkim kong galit ay nadagdagan pa lalo.

Nasa iisang bubong lang kami pero hindi niya ako pinapansin. Unti unti, nakakalimutan na niya ata ako. Bilang isang asawa (soon) ay ginagawa ko pa rin ang responsibilidad ko. Nanatili ako sa tabi niya at hindi ko siya iniwan. I stayed kahit parang malabo. Naiintindihan ko siya. Maybe he's in the process of moving on kaya ganyan pa siya.

One day, habang nagbrobrowse ako sa facebook ay isang page ang nakakuha ng atensiyon ko. Scholarship ? Hmmmmn. I visited their page at nag apply. Nang maka sign in ako ay may mga sinagutan ako, parang exam kumbaga. Noong natapos ko na itong sagutan ay nay nag pop out na sasabihan na lang daw ako kapag nakapasa ako. Balik Eskwela Program? Not bad.

Habang lumilipas ang araw ay siyang panunumbalik ni Zedd sa kanyang sarili. Unti-unti na siyang sumisigla at kinakausap na niya ako. Balik sa nakilala kong Zedd. Ang sweet at maalagain..

Habang kumakain kami ng breakfast ngayon, sabay sabay kaming tatlo, si mommy, Zedd at ako ay biglang pumasok si Manang Dolor at lumapit sa akin.

"May sulat ka iha" sabi nito kaya napatigil ako sa pagkain. Tiningnan ko siya ng nakakunot noo at inabot ang sulat.

"Thank you manang". Sagot ko sa kanya at lumabas na ito.

Habang tinitingnan ko kung kanino galing ang sulat ay lumingon muna ako kay Zedd at Mommy na parehong may nagtatakang mukha.

"Kanino galing iyan Love?"

"Ahmmmm. ATTY. Lawrence Rodriguez?" sagot ko sa kanila ng may pagtataka rin.

"You mean... Atty. Rodriguez? The Founder of Balik Eskwela Program?" Tanong sa akin ni mommy na may pagkagulat.

"P-po? Founder ng Balik Eskwela Program?" Tanong ko rin na bakas ang gulat at excitement sa boses ko.

"Bakit ka may sulat galing sa kanya, love? Unless, nag apply ka sa Scholarship niya." Sabi ni Zedd na nagtataka pa rin.

"Y-yes. Nag apply nga ako at balak ko sanang bumalik sa pag aaral. Itutuloy ko ang kurso ko. Okay lang ba sa'yo?" May kabang tanong ko sa kanya.

"W-what? O-oo naman. Okay lang sa akin yun. Maganda nga yun eh, maitutuloy mo ang naudlot mong pangarap. T-teka lang, kung balak mong mag aral ulit, bakit ka pa nag apply ng scholarship? Eh, puwede namang---" hindi pa man niya natatapos ang sinasabi niya ay sumabat na ako.

"Zedd, kung mag aaral man ako, gusto ko yung paghihirapan ko. Tulad na lang ng pag apply ng scholarship. Alam kong sasabihin mo iyan sa akin. Pero love, hindi mo pa ako tunay na asawa, no offense meant love, ang akin lang, hayaan mo muna akong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi yung nakadepende lang ako sa iyo palagi, sa inyo ni mommy. Sana maintindihan mo ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nang lumingon ako kay mommy ay kita ko ang gulat at paghanga sa mga mata niya, nginitian niya ako, yung ngiting sincere talaga.

Tumayo si Zedd at niyakap ako pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.

"Oh eh ano pang hinihintay mo? Buksan mo na ang sulat para malaman natin kung anong sinasabi" excited na sabi ni Zedd habang yakap yakap pa rin ako.

Binuksan ko ang sulat at binasa ito. Kumalas ako sa yakap ni Zedd at tumayo habang nanlalaki ang mga mata ko. Takang taka ang hitsura ni mommy at Zedd na napalitan agad ng sigaw at tuwa.

"Nakapasa ako love! Nakapasa ako mommy!" Tumatalon kong sabi dahil sa tuwa. Wala akong pakialam kung kumakain ako basta ibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Lumapit sa akin si Zedd at niyakap ako ulit.

"I know it! Makakapasa ka! Magaling kaya ang Rosas ko!" Malambing na sabi sa akin ni Zedd at hinagkan ako sa labi.

"Congratulations Rosas ! I'm happy for you." Malumanay na sabi ni mommy at umalis na sa hapag kainan.

Napatingin kami ni Zedd sa isa't-isa at sabay kaming tumawa dahil sa inakto ng mommy niya. Naku! Nagwalk out si mommy, nainggit ata sa pahalik ni Zedd. Hehe . Ipinagpatuloy namin ni Zedd ang kinakain namin habang nag uusap.

Hindi man maganda ang pinagdaanan namin nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkawala ni Baby JT, napuno man ng lungkot ang aming mga puso, pero hindi doon magtatapos ang lahat. Tama nga sila, pag may lungkot, may saya. Kapag may iyak, may ngiti. At heto ang lagi nating tandaan, "When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile."

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon