Weeks and months has passed. Zedd and I was both busy. Halos hindi na rin kami nagkikita sa bahay kahit iisa lang ang inuuwian namin. And for mommy, she's weird lately. Hindi ko na siya nakikitang umiiyak kapag tumitingin siya sa picture frame na yun. Na curious tuloy ako lalo kung ano bang laman nun. Hindi ko rin siya nakikita sa bahay at sabi ng mga kasambahay ay madalang ito umuwi dito at nagi stay daw ito sa office.
Busy na rin ako sa pagbabalik aral at paggawa ng cookies dahil dumadami pa ang customers namin. As for that guy, ni hindi ko alam ang pangalan ng lalaking yun pero palagi ko siyang nakikita sa paaralan dahil classmate rin pala namin siya. And as for Ashley, ang gaga lalo pang naging clingy and madalas ay laging missing in action. Kaya ang ending, si Mr. Assistant ang lagi kong nakakasabay.
"Hey, ano bang iniisip mo at parang ang lalim naman niyan? Hanep ka. Baka malunod ka niyan ha." Bumubungisngis netong sambit sabay kuha sa french fries na nasa harapan namin.
"Kung anong pangalan mo. Come on, ang tagal na nating magkakilala pero hanggang ngayon, ni hindi mo pa sinabi ang pangalan mo" walang preno kung sabi.
"W-what? Nasabi ko na kaya ang pangalan ko last na nag introduce ako sa klase. Hindi ka lang nakikinig." nakangising sabi neto.
"Ay nasabi mo na ba? Parang hindi naman. Ang sinabi mo lang, 'Hi, just call me Jax', yun lang ang sinabi mo."
"Edi ayun ang pangalan ko, ano ka ba? HAHAHAHA"
"Gago talaga 'to, anong full name mo? Yung totoo?" curious kong tanong.
"Basta just call me Jax. Okay na ako doon." tatawa tawang sagot niya.
"Okay, Jax then. Anyway, nakita mo ba si Ashy? Ang bruhang yun laging nawawala." nayayamot kong sambit.
"Hanapan ba ako ng nawawalang bestfriend? Teka, may pupuntahan pala ako. Sama ka?" aya niya sa akin.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Ay 'wag ka na pala sumama. Baka masuntok na naman ako ng asawa mo." natatawang sambit ulit neto at umalis na nga sabay hakot ng pinagkainan namin.
Aba! Loko 'tong lalaking ito a. Saan ba siya pupunta?
Naiwan pa niya 'tong hoodie niya ng hindi man lang niya napansin.Dahil naiwan akong mag-isa ay naisipan kong lumabas na sa canteen at tumungo sa library dala dala ang hoodie ni Jax. Parang gusto ko munang umidlip dahil kahit sa madaling araw ay gising pa rin ako na nagbebake. Halos wala na akong tulog this past few days. Pagkarating ko sa library ay dumiretso na ako sa sulok para umupo at yumuko sabay takip ng hoodie ni Jax sa buong mukha ko.
Nakaidlip na ako ng may marinig akong parang umuungol. Tangina naman pati ba naman sa library gumagawa sila ng milagro? Hindi ko na lamang ito pinansin at sinubukang matulog ulit ngunit hindi na ako makatulog dahil palakas ng palakas ang ungol na naririnig ko. Dahil sa inis ay lumabas na lamang ako at bumalik sa room.
Pagkarating ko doon ay lumapit sa akin si Jess, isa sa mga classmate ko at nagsisilbing kaibigan na hindi nga lang ganoon kalapit dahil pinagbabawalan sila ni Ashley na lumapit sa akin.
"Rose! Di ba bestfriend mo yung si Voldemort? Jowa niya ba yung laging sumusundo sa kanya? Aba mukhang pogi at ang yummy nun ha." tuloy-tuloy na tanong neto.
"Ha? Boyfriend?"
"Oo gaga! Hindi mo alam? Ilang buwan na kaya siyang hatid sundo nung lalaki. Tapos minsan sa library pa sila nagkikita ayun sa mga sources ko." sambit ulit neto.
"May boyfriend na pala siya? Hindi naman niya nasasabi sa akin." sabi ko sa kanya.
"Balak nga naming alamin kung sino yung lalaki kasi laging naka cap yun tas tainted pa ang sasakyan."
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...