Chapter 22 - Flashback (The Pretender)

3 1 0
                                    

Pagkapasok namin ni Jasper sa loob ay diretso na kami sa may cashier para umorder.

"Anong sayo Rosas? Ah mali. Ako na lang pala ang mag oorder, hanap ka na lang ng mauupuan natin." pagtataboy niya sa akin.

Naglakad ako palayo para maghanap ng mauupuan namin at doon sa may bandang sulok ng balkonahe ang napili ko. Okay na rito, walang makakakita kong sakaling ngangawa ako. Habang nakatingin sa mga sasakyang dumaraan ay naisipan kong buksan ang aking cellphone. Sunod sunod na missed call ang dumating at mga mensahe na galing kay mommy at Zedd. Imbes na basahin ang mga ito ay mas pinili kong i silent ito at ibinalik sa aking bulsa.

Tanaw na tanaw ko si Jasper habang hinahanap ako sa loob. Pumasok ako at kinawayan siya sabay lapit ng makita ko kung gaano kadami ang inorder niya.

"Halla, ilan ang dragon sa tiyan mo? Mauubos ba natin 'to?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ko ang isang tray na hawak niya.

"Trust me, mauubos natin ito."pabungisngis na sagot niya at naglakad na patungo sa upuang napili ko.

Pagkaupo namin ay isa isa kong tiningnan ang inorder neto. Isang bundle ng chickenjoy na may anim na piraso,  apat na kanin, dalawang spaghetti, dalawang cheeseburger, pies to go at dalawang coke float. Naglaway ako sa nakikita kong pagkain na nasa aking harapan.

"Tara kain na. Ihahatid na kita mamaya. Saan kita ihahatid?" may pag aalangang tanong niya.

"Puwedeng kumain na muna tayo? Kanina pa ako naglalaway sa pagkain." masayang wika ko.

Napailing na lamang siya at nagsimulang magbukas ng kanin at inilagay sa plato ko. Kumuha na rin ako ng fried chicken at pinili ang wing part. Abala ako sa pagkain ko ng tumunog ang cellphone ni Jasper. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unregistered number calling… .

Napatingin siya sa akin at sinagot ang tawag.

"Hello? – Yes, this is him speaking. –Ah yung mommy po ni Zedd? –Yes po tita. –She's with me po. –Ah opo, ihahatid ko po siya diyan pagkatapos niyang kumain. –Yes po tita. Sige po." sunod sunod na wika niya sa kausap niya at pinatay ang tawag. Tinignan niya ako na para bang pinipili niya ang mga salitang dapat niyang bitawan.

"Kain ka lang, enjoy your food Rosas." kalmadong wika niya na siyang nagpangiti sa akin.

Tama mga si Jasper, naubos namin lahat yung inorder niya. He's really good when it comes to comfort foods. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kaming sasakyan at nagbiyahe na patungong opisina ni mommy.

"Anong balak mo?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Hindi ko pa alam pero ayaw ko pang bumitaw Jasper. Mahal ko si Zedd." tanging sagot ko na lamang ng maramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Papalabas na sana ako ng maisipan kong magpasalamat sa kanya sa lahat ng pagsagip niya sa akin.

"Jasper, salamat ha? Hindi ko alam kung anong tingin mo sakin. Naaawa ka na rin ba?"

"Bakit ako maaawa sayo? Mahal mo siya e. Normal lang na ipaglaban ang kung anong nararamdaman mo sa kanya." malumanay na sagot niya.

"Bakit mo ako tinutulungan? Alam mo naman siguro kung gaano ako kawasak ngayon." saad ko at lumingon sa kanya na kanina pa nakatitig sa akin.

"Minsan, hindi mo na kailangan pang humingi ng saklolo para sa mga taong handa kang sagipin kapag nakikita kang nahihirapan na. Maybe, I'm one of them? It sucks that I saw that loneliness behind your smiles. I can not do something about it pero kahit sa small details man lang ay makatulong ako. Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman mo ngayon pero sana ay hindi mo maisipang gumawa ng ikakaregret mo at the end of the day. Take it slowly Rosas." kalmado ngunit madiin na sagot niya sa akin.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon