Chapter 6 - Flashback (The Angel Has Come)

12 1 7
                                        

THIS past few weeks, EVERYTHING IS FINE. YEP!
Tama kayo ng pagkabasa. When baby Jasmine Tulips came in our life, lahat ata ng problema at issues namin sa buhay ay nawala. Iba talaga ang nagagawa ng isang sanggol sabi nga nila. Kaya netong ayusin lahat ng problema. Isang ngiti o hagikgik lang neto ay nawawala lahat ng pagod. Isang iyak lang neto ay natataranta na lahat. Kahit gaano ka pa kapagod o kapuyat kapag nakikita mo lang siya, feeling mo, everything is fine, everything is okay.

Gaya na lang ngayon. Sunday. Walang pasok sa school or work. Nandito si mommy and Zedd. Bumalik na si nanay sa probinsiya. Hindi siya puwedeng magtagal dito dahil isang guro si nanay.

Nandito ako ngayon sa taas nakatanaw sa mag-ina habang nilalaro nila si baby JT. Pagkagising ko kanina ay wala na si baby JT sa tabi ko. Akala ko nga nalaglag na siya sa kama. Dahil sa taranta ay dali dali akong bumangon at naghanap. Nalibot ko na lahat ng sulok sa kwarto ko kaso wala siya. Dahil sa nerbiyos ay lumabas ako, sisigaw na sana ako ng may marinig akong hagikgik at tawa. Dali dali akong lumapit sa railings at doon ko nakita ang hinahanap ko kasama si mommy at Zedd. Jusmiyo! Akala ko kung ano na ang nangyari.

"Hey! Love gising ka na pala. Bakit ganyan ang hitsura mo? Come here! Mag agahan na tayo habang inaalagaan ni mommy si baby" sabi ni Zedd.

Hindi na ako nag abalang nagpalit ng damit. Pagkarating ko sa kusina ay diretso muna ako sa sink para maghilamos.

"Bakit ganyan ang hitsura mo love, para kang nanakawan"

"Tigil tigilan mo ako Zedd ha. Ikaw ba naman ang magising na wala sa tabi mo ang anak mo. Malamang magkakandarapa ako sa paghahanap."

"Ow. Kaya ba ganyan ang itsura mo? Akala mo nakuha si baby? Come on Rosas! Dapat masanay kang may iba ring nag aalaga kay baby."

"Oo na sige na."

Hihilahin ko na sana yung upuan kaso may ibang gumawa.

"Upo ka na love" sabi neto sabay ngisi.

"Tapos niyo na ba yung thesis niyo?"

"YES. Actually tapos na namin ito idefend at nakapasa kaming lahat. Gragraduate na ang asawa mo" sabi nito habang naglalagay ng fried rice, egg at bacon sa plato ko.

Asawa mo? Wow. Ang sarap pala marinig ito galing sa kanya.

"That's good to hear. Congratulations Zedd. Alam kong kaya mo yan! Kailan ang graduation niyo?"

"Wala pang ekasaktong date pero sabi nila next month na."

"So ano nang balak mo pagkagraduate mo?"

"Mom told me, kukunin niya ako sa company. "

Wala ng bago dun. Nag iisang anak lang si Zedd kaya malamang siya ang susunod na maghahandle doon.

"Pero ayokong kunin yung inaalok niyang posisyon. Gusto ko kapag pumasok na ako doon, mag uumpisa ako sa pinakababa. Gusto kong paghirapan kung paano ko makuha yung posisyon na yun. Hindi dahil sa anak ako ng nagmamay ari ay mag uumpisa na ako sa itaas agad agad."

Ito ang gusto ko sa kanya. Kahit anak mayaman siya, kapag may gusto siya, gusto niya pinaghihirapan niya muna ito bago makuha. Heto ang Zedd na minahal ko. And for the first time, medyo humanga ako kay mommy dahil sa pagpapalaki niya kay Zedd.

"Oh. Nakatunganga ka na niyan. Gusto mo bang subuan kita?"

At dahil sa sinabi niya ay may naalala ako. Ang lalaking yun. Ang lalaking nag abot sa akin ng panyo. Ang lalaking sumalo sa akin nung naduwal ako sa Cafe. Ni hindi pa ako nakapag thank you sa kanya at hindi ko pa nasasauli yung panyo niya. Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko naramdamang nandito na si Zedd sa harap ko at may hawak gawak na kutsarang may laman na pagkain.

"Say ahh Rosas, here's the airplane. Di mo pa sabihing gusto mong magpasubo,hindi yung tutunganga ka sa harap ko." Sabi neto at nagpipigil ng tawa.

Inirapan ko siya at sinalubong ang airplane, ay mali, ang kutsarang papalapit sa akin. Pero nang tatangkain ko ng isubo ito ay binawi niya ito at isinubo.

"Yum yum. Nangawit na ako Rosas. Ang tagal mong isubo. " sambit pa neto at humalakhak.

Tang ina. Hindi ko po talaga alam kong paano ako nakakatagal sa lalaking to. Pero kahit ganito pa siya. Isa lang ang sigurado ako. I love him. Always. Always and Forever.

R O S A SMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon