Chapter 23 - Flashback (The Unknown Feelings)

3 1 1
                                    


Days and weeks has passed. I acted like I didn't know everything. Pagkatapos naming umuwi ni mommy ng gabing yun ay diretso ako sa dati kong kwarto at doon natulog. Pagkagising ko kinabukasan ay umakto akong parang walang nangyari. I acted like a normal wife infront of them. Mas lalo kong pinag igihan ang mga gawain at responsibilidad ko. Mas lalo kong inintindi at niyakap ang pagkatao ni Zedd kahit pa ang sakit sakit na sa akin. 

I'm still being nice to Ashley and mommy. Hindi ko pinakita sa kanila na may alam na ako as well as to Zedd. 

Tinitigan ko ang namumutla kong mukha sa salamin ng banyo. Ang eyebags kong mas lalong lumalaki dahil sa ilang weeks na– na wala akong matinong tulog. Lumipat ako ng higaan at ginamit na muli ang dati kong kuwarto. Marahil ay nagtataka si Zedd and mommy pero hindi ko alam kung paano ko sila nakumbinsi na doon na nga ako. Siguro dahil sa sinabi kong mas gusto kong mapag isa at hindi rin lang naman kami laging magkasabay natutulog. Zedd tried to refuse at first pero ipinilit ko ang gusto ko. May mga pagkakataon na sinusubukan niyang ipasok sa usapan ang paghingi ng tawad pero iwinawala ko ito. Pilit kong tinatagan ang loob ko at pinagsabay ang pag aaral, pagbebake at ang pagbawi kay Zedd na hanggang ngayon ay kinakaya pa rin. 

Halata na sa mga mata ko ang pagod at puyat. Muli kong tinitigan ang sarili ko at kinilala ito. Parang hindi na ako to. Parang hindi na nga yata ako to. Sino ka? Hanggang kailan ka magiging ganyan? Hanggang kailan ka lalaban? Hangga't mahal ko pa. Pangungumbinsing sagot sa sarili ko at sinubukang ngumiti ngunit isa isang naglabasan ang mga luhang matagal ko ng hindi nakita. Nakakapagod. Nakakaubos. Parang hindi ko na kakayanin pa. Sobrang bigat na. Paanong umabot kami sa puntong ganeto? 

Umiyak ako hanggang sa naramdaman kong ayos na ako. Nagsimula na akong mag ayos at tinakpan ang eyebags ko sa pamamagitan ng make up. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at hinayaang nakalugay ito. Tiningnan ko ulit ang sarili ko at hindi halata na kagagaling lang sa pag iyak. Inilabas ko ang mga ngiting ilang araw ko ng sinusuot at pagkatapos ay lumabas na ng banyo. 

Lumapit ako patungo sa aking bag at kinuha ang aking school id para isuot ito. Naglakad na ako palabas at papunta sa sasakyan ni Zedd. Magpapahatid ako kahit labag sa damdamin niya. Pagkarating ko sa sasakyan ay naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Ashley. Matamis, amoy baby.Inilabas ko ang aking pabango at nag spray rito. 

"Bakit? Mabaho ba?" takang tanong niya. 

"Oo, amoy plastik." nakangiting sagot ko sa kanya. 

"Ikaw talaga oo." natatawang sabi niya at niyakap ako. "Malapit ka ng grumaduate, anong plano mo?" tanong niya ulit. 

Niyakap ko siya pabalik ngunit bakit ganoon? Hindi ko na maramdaman ang saya at ang pakiramdam na sapat ako sa mga bisig niya. 

"Gusto kong kumawala sa hawlang kulungan ko. Gusto kong huminga." pabirong sabi ko at kitang kita ko ang pagbabago ng ekpresyon niya. Mula sa nakangiti ay naging seryoso ito. Lumandas ang lungkot sa kanyang mga mata at napabitaw sa pagkakayakap sa akin. 

"Aalis ka ba?" mahina ngunit rinig na rinig ko. 

"Di mo sure. HAHAHAHA. Tara na, baka malate pa ako. Pakihatid mo na lamang ako sa cafe na malapit sa paaralan. May pupuntahan lang ako doon." masayang saad ko at inilabas ko ang aking cellphone para imessage si Jasper na ilibre niya ulit ako ng kape. Netong mga nagdaang araw ay pilit kong iniwasan si Jasper, hindi dahil sa alam kong may alam siya. Kundi sa kadahilanang kapag kasama ko siya ay nagiging kalmado ang lahat. Natatakot ako dahil ganetong ganeto rin ang naramdaman ko noong nagsisimula pa kami ni Zedd. 

Wala pang isang minuto ng magreply ito at napahalakhak ako sa sinabi niya. 

From: Jasper

To: Me

Message:

Kape lang talaga ang namimiss mo, hindi ako? Ang sakit sakit mo sa heart tagos hanggang apdo. :<<

Gagong 'to HAHAHHAA. Kailan pa naging sadboy? 

Nagtipa ako ng irereply ko. 

From: Me 

To: Jasper 

Message: 

Tigil tigilan mo ako Jasper ha. Nakakatanggal ng angas ang pagiging sadboy. Di ka na nagmumukhang maangas niyan HAHAHAHA

Makalipas ang sampong segundo ay may reply na ulit ito na siyang dahilan ng paghagalpak ko ulit ng tawa. 

From: Jasper

To: Me

Message: 

Mas masarap ba ang kape kapag ako ang kasama mo?

Napadiretso ako ng upo dahil sa reply niyang iyon at doon napansin na hindi naman pala umaandar ang sasakyan ni Zedd. Nakatingin lamang siya sa akin na gulat na gulat. Halata sa mukha niya ang pagka irita pero mas nanaig ang gulat. Nang mahimasmasan siya ay pinaandar na niya ang sasakyan. Buong biyahe ay walang nagsalita sa amin. Ramdam ko ang pagkapahiya at pamumula ng mukha ko. Ano kayang iniisip niya? 

Nang makita kong malapit na kami ay dali dali kong ibinalik sa bag ko ang cellphone ko at naghanda na sa pagbaba. Nakita ko si Jasper na naghihintay sa labas ng cafe habang nakikipag usap sa isang crew. 

"Excited? Sino bang pupuntahan mo at mukhang ang saya mo naman yata?" madiin na tanong niya at halata sa boses niya ang pagkaseryoso. 

"Wala. Diyan na lang ako sa tabi. Pakigilid na lang." sagot ko at bumaba na ng napagilid na niya yung sasakyan. 

"T-teka….Rose!" tawag pa niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon at basta dire diretso na lamang akong pumasok sa cafe. 

"Hoy, hinihintay kita sa labas, bakit mo naman ako dinaanan na lang doon?" sumusunod na wika ni Jasper at dumiretso na sa cashier para umorder ng kape. 

Paupo na sana ako sa isang upuan ng may humigit sa kamay ko. Paglingon ko ay ang mukha ni Zedd ang nakita ko. Iritable at seryoso. Mula sa pagkakahigit niya sa akin ay ang paglapat ng labi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. 

"Gusto ko lang humingi ng goodbye kiss, bakit mo ako tinakbuhan Rosas?" paanas na tanong niya na nakatitig pa rin sa mukha ko ng malapitan. 

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko at biglang natauhan ng may narinig akong natataranta na staff. Dumako ang tingin ko kay Jasper na pinupunasan ang kamay niyang natapunan yata ng kape at halata dito ang pamumula at panginginig dahil sa init ng kape.  

"Huwag mo akong iwan, Rosas. Please?" rinig kong sambit muli ni Zedd na siyang pagbalik ng tingin ko sa kanya. Palipat lipat ang tingin ko kay Zedd at Jasper, hindi alam ang uunahin ngunit bigla na lamang lumabas si Jasper ng hindi man lang ako nililingon. 

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Zedd. W-what's happening? Tanong na umiikot sa isipan ko. Para akong nawala sa sarili ko. Para akong lumulutang. Bumalik ako sa huwisyo ng ayain ako ni Zedd na ihatid na  sa school dahil malelate na ako. 

Pagdating namin sa may gate ay siyang paglabas ni Ashley sa sasakyan niya at nakangiting lumapit sa amin. I froze. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong gawin. Ang maskarang aking binuo ay unti unti na yatang mabubura. 

Tumingin siya sa kamay ni Zedd na nakapalibot sa bewang ko at kita ko ang sakit doon ngunit mas pinalaki pa niya ang ngiti niya at binati ako. 

"Gooood Morning Bestfriend! Good morning Zedd." may malaking ngiting wika niya. 

"Mas maganda pa ako sa umaga." sagot ko sa kanya at naglakad palayo sa kanilang dalawa ng hindi na lumilingon pa. 

I am mad. Sobrang galit at hindi ko na kayang kontrolin pa. Hindi ko alam pero ngayong nakita ko silang magkasama at umaaktong parang walang ugnayan ay parang nabasag at nasira ang maskarang pilit kong binuo. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Zedd pero hindi ko na ito pinansin pa at dumiretso sa classroom para hanapin si Jasper ngunit wala siya roon. Walang Jasper. Wala ang taong handa akong sagipin ng walang halong pilit. Wala ang taong takbuhan ko sa oras na ramdam kong nag iisa ako. Wala ang taong handa akong yakapin at kayang iparamdam na okay lang ang lahat. Dahil kay Jasper, sa kanya ko lang naranasan ang mapakinggan at maintindihan sa panahong ako mismo ay hindi na maintindihan ang sarili ko. Dahil sa kaniya– ramdam ko ang pagiging kalmado ko at ang pakiramdam na ako ay sapat na. 

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon