Nang malaman ni Zedd na balik eskwela na ako ay lalo siyang naging malambing sa akin. Laging nakabuntot sa akin na siyang dahilan ng pagtataka ko. Gaya na lang ngayon, nanunuod kami ng Korean Drama, "W" ang titulo. I'm not a fan of K-Drama pero ng mapanuod ko ang ilang eksena ng palabas na ito ay nagkainteres ako, nakuha neto ang atensiyon ko kaya lagi kong sinusubaybayan ito.Naka upo ako ngayon sa sofa habang nanunuod ng may biglang tumabi sa akin at umakbay.
"Z-zedd. I thought sasama ka kay mommy sa opisina?" tanong ko sa kanya ng hindi tinatanggal ang aking paningin sa telebisyon.
"Love naman, malapit na ang pasukan. Malamang magiging busy ka na sa school at magiging busy na rin ako sa work. Kaya habang wala ka pang pasok, naki usap muna ako kay mama na susulitin ko muna na nandito tayo sa bahay na magkasama." sabi nito at hindi ko pa rin siya nililingon.
"Love, tingnan mo naman ako." sunod na sabi neto pero hindi ko pa rin siya nilingon. Sinusundot sundot pa neto ang tagiliran ko pero hindi ko talaga siya pinapansin.
Hayan na magkakahalikan na sila. Ayieeeeee. Ilang agwat na lang magkakadikit na ang kanilang la------.
Tsup. Tsup. Hindi ko na nakita kung naghalikan ba yung pinapanuod ko dahil bigla na lang may nanghalik sa akin.
"Zedd! Ano ba naman, hindi ko tuloy nakita kung naghalikan ba sila!" parang batang maktol ko sa kanya.
Napalaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at napahalakhak ng malakas.
"Fudge! Love naman, nagagalit ka na dahil doon? Eh puwede namang ako na lang ang humalik sa'yo." sabi nito ng may nang aakit na boses.
"TARA love, gawa tayo ng maraming babies." sunod na sabi neto ng may pakindat kindat pa at nang aakit na boses. Literal na nanlaki ang aking mga mata. Dahil sa kilig at inis ay nahampas ko siya ng remote na kanina ko pa pala hawak.
"A-aray love! Ano ba. Hoy. Tama na. Love. Pag di mo ako titigilan, hihilahin talaga kita sa kuwarto at gagawa ng baby." nang uuyam na sabi niya kaya napatigil ako sa paghampas.
"See? Edi tumigil ka rin sa paghampas sa akin. Kanina mo pa kasi ako hindi nililingon at pinapansin. Kulang na lang suntukin ko yang lalaking pinapanuod mo, pasalamat ka at nasa tv lang siya." parang batang amin neto sa akin. Nagseselos pala ang loko.
"Z-zedd naman, palabas lang naman yun ah. Nagseselos ka na agad." sabi ko sa kanya ng may nang iinis na boses.
"Ehh. Kahit na. Eh kasi hindi muko pinapansin. Nasa kanya ang atensiyon mo." parang batang pilit pa rin neto.
"Asus. Tigil tigilan muko sa pag iinarte mo Zedd. Gusto mo lang magpahalik eh."
"Halata ba love? Akala ko mapipilit kita eeh. Sayang naman yung pag akting ko."
"More practice pa Zeddy." pagkasabi ko nun ay sabay kaming nagtawanan.
"Ikaw talaga love, kaya kita mahal eh. Malapit na pala ang pasukan, tara bili tayo ng mga gagamitin mo?" sabi niya na siyang nagpagulat sa akin.
"Heee. Gusto mo lang akong i date eh." pang aasar ko sa kanya na siyang dahilan kaya napatawa siya.
"Nako, date pa nga. Ano na? Tara na?" aya neto sa akin at tumayo na habang hila hila niya ang aking kamay.
"T-teka, lalabas tayo ng ganito ang ating suot?" sabi ko sa kanya.
"Anong mali sa ating suot love ? Maganda ka kahit anong ayos mo Love, okay na 'to. Halika na." sabi niya kaya namula ang aking mga pisngi at nagpatianod sa kanyang paghila.
We went to the nearest mall. Una kaming pumunta sa Arcade. Lahat ng nadaraanan namin ay tumitingin sa amin. Pero hindi namin sila pinansin.
"Love, basketball tayo. Dali. Mauna ka na roon, kuha lang ako ng tokens." parang batang nananabik na sabi neto.
Nauna na nga ako sa roon at ilang minuto pa ng paghihintay ay dumating rin siya.
Habang naglalaro kami ng basketball ay panay pa rin ang tingin sa amin ng mga tao. Halos manlaki ang mga mata nila kapag nakikita si Zedd. Pffft.
"Love, ganun na ba ako kagaling sa basketball at pinagtitinginan nila ako?" inosenteng tanong niya sa akin.
"H-ha? Ah. Pffft. Ah. Hehe?"
"Love, ba't parang natatae ka na ewan? Nagpipigil ka ba ng tawa?"
"E-eh kasi."
"Rosas, love, ano ba? Nagagalingan ka rim ba sa akin kaya na speechless ka na? Hindi mo naman agad sinabi eh. Love talaga" walang kamuwang muwang niyang sabi.
"Pfffffft. Zeddy, sabi ko naman kasi saiyo magpalit muna tayo ng damit eh." sabi ko sa kanya kaya tiningnan niya ang kasuotan ko.
"Love, sinabi ko naman sa'yo na walang mali sa suot mo. You look beautiful kahit anong susuotin mo. Kahit duster pa yan o kahit ano." sabi niya na siyang nagpapula sa pisngi ko.
"Zedd, alam kong walang mali sa suot ko. P-pero, yung sayo?"
Dahil sa sinabi ko napatingin siya sa sarili niya at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinila palabas ng arcade. Kitang kita ko ang pagkakapula ng tainga niya at ng mukha niya. Sino ba namang hindi mamumula? Pffft. HAHAHAHAHA. Naka suot siya ng pantulog kagaya ko pero ang pinagkaiba namin ay ang designs. Naka t-shirt siya at pajama na may peppa peg na design. HAHAHAHA. SUOT suot niya yung niregalo ko sa kanya noong 2nd Anniversary namin, kaya siya pinagtitinginan.
Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya. Pumunta ako sa harapan niya at tumayo. Tumingin ako sa mukha niya na hanggang ngayon ay namumula pa rin. Dahan dahan kong inilapit ang aking mga kamay sa pisngi niya para tingnan niya ako.
"Zeddy, look at me." sabi ko sa kanya pero sa ibang direksiyon pa rin siya nakatingin.
"Love, Zeddy, look at me, please? Bakit ka namumula? Dahil ba sa suot mo? Zeddy, kahit ano pang suot mo, para sa akin, ikaw ang pinaka gwapo. Kahit ano pang designs ng pajama mo, you are still handsome for me. I love you Zeddy." pagkasabi ko sa kanya non ay tumingala ako at hinalikan siya sa harap ng napakaraming tao.
This is the BEST DATE EVER!
I LOVE YOU MY ZEDD.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...