Nauna nang umuwi si mommy dahil may meeting pa raw siya. Gusto na niya sanang iuwi si JT kaso ayaw ni Zedd. So nandito kami ngayon sa VIP room para malayo sa ingay at usok si baby JT. Siya nagsasaya doon kasama ang barkada niya at mga classmate niyang girls. If I'm not mistaken, kasama rin doon yung babaeng nakita ko sa Cafe noon. Tinitingnan niya ako kanina habang ipinapakilala ako ni Zedd sa kanila. Alam ko ang mga tingin na iyon. Nanghuhusga. Siguro tingin nila ay ang bata bata ko pa para maging isang ina. Hindi nakatakas sa kanila ang hawak kong si baby JT kanina. Lahat gulat sa nakita at nalaman. Lahat hindi nakaimik pagkatapos nun.Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na ako sa VIP room para balikan si baby JT dahil uuwi na si mommy. Pumasok si Zedd na medyo tipsy na.
"Hey, huwag kang uminom ng marami. Ikaw pa naman ang magdadrive mamaya pauwi."
"Don't worry about me. Okay? Kaya ko 'to. Kukunin ko pala yung phone ko. Naiwan ko ata dito kanina" sabi nito habang kinakalkal ang bag ko.
"ZEDD, uwi na kaya tayo."
"Rosas, huwag ka ngang KJ diyan. Hindi pa nga nag uumpisa ang tunay na party eh " sabi nito na parang naiinis na.
"P-pero si baby JT. Paano kung malasing ka?" Tanong ko sa kanya ng may pag aalala.
"Hindi ako malalasing. Pwede ba. Umiiral na naman ang pagka KJ mo eh. " sabi nito at lumabas na pabalik sa kanyang mga kaibigan.
Ako pa ang KJ? Edi sana hindi na lang niya kami isinama-sama dito. Edi sana, sumabay na lang ako kay mommy kanina."Mukhang badtrip ang asawa mo ah ?" Sabi ng lalaking bigla na lang pumasok.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay nilaro laro ko ang daliri ni JT at tumawa naman ito.
"Hmmmm. So hindi mo ba ako papansinin? Ms. Icecream?" Dahil sa sinabi neto ay lumingon ako sa kanya. Inaalala ang pagmumukha neto. Ah. Tama! Siya yung lalaking assistant ni Dra.. Siya yung lalaking nagbigay sa akin ng panyo. Siya yung lalaking sumalo sa akin sa Cafe.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Ahmmm. Niyaya ako ng pinsan ko eh. Naging driver ako ng wala sa oras"
"Oh. Babae ba ang pinsan mo at nagpasama pa siya talaga sayo?".
"A-huh. Pinasamahan siya sa akin ng mama niya."
"Kung ganun, anong ginagawa mo dito. Dapat nandoon ka sa labas at binabantayan siya."
"Ayaw ko dun. Masiyadong maingay. Tsaka malaki na yun. Alam na niya ang ginagawa niya."
Hindi ko na siya inimik. Pero naalala kong di pa pala ako nagthankyou sa kanya.
"T-thank you nga pala ha."
"Asus. You're welcome. Malaki na siya aa. Ang gandang bata niyan paglaki siguro. Mana sa nanay."
"Sus. Hindi naman ako bola sa pagkaka alam ko. Pero bakit binobola mo ako?"
Dahil sa sinabi ko ay napatawa siya. Literal na tawa. Ang babaw naman ng kaligayahan neto.
"Hindi ko alam na marunong kang mag joke. Sa hitsura mo kasi, parang napakaseryoso mong babae."
Dahil sa sinabi niya ay napatawa ako. Sasagot pa lang sana ako ng bigla na lang may sumuntok sa lalaking kausap ko. Sh*t si Zedd.
Hindi pa man ako nakakatayo ng bigla na lang may humigit sa akin palabas sa kwarto. Buti na lang hawak hawak ng isa kong kamay si baby JT. Ramdam ko ang galit ni Zedd dahil sa sobrang higpit na hawak niya sa pulsuhan ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga tao sa loob ng Bar na tila ba naguguluhan sila.
Nang magawa na naming lumabas sa Bar ay dumiretso na kami sa Parking Lot.
"N-nasasaktan ako. Ano ba! " sigaw ko sa kanya.
"Umalis lang ako saglit, may nilalandi ka na!" Malakas na sigaw neto sa akin na siyang dahilan ng pag iyak ni baby JT.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Nagmamaang-maangan ka pa? Kung hindi ako dumating doon baka may ginagawa na kayong milagro." Dahil sa sinabi niya ay sinampal ko siya kahit namamaga ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak niya sa akin kanina.
"Get.Inside.The.Car.Now!" Cold niyang sambit.
"Ayoko. Magtataxi na lang kami ni baby." Sagot ko sa kanya.
"Pumasok ka na kung ayaw mong kaladkarin kita papasok."
Dahil sa sinabi niya ay pumasok na ako sa loob habang yakap yakap ko si baby JT.
Kapapasok pa lang namin sa loob ng sasakyan ng bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
Pinaandar na ni Zedd ang sasakyan ng bigla na lamang siyang magsalita.
"Ilang minuto lang ako nawala pero may kalandian ka ng iba. Tssk. Iba ka rin ano." Sabi neto habang nakalingon sa akin. Bakas mo pa rin ang inis at galit sa boses neto.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Zedd. Eyes on the road please. " nanghihina kong sagot sa kanya.
"So ano palang ibig sabihin ng nakita ko kanina ha? Rosas may katawanan kang ibang lalaki sa kuwartong iyon!" Pasigaw na sabi neto at wala pa rin sa daan ang pokus neto kundi nasa akin."I said, eyes on the road Zedd!" Mahinahon kong sabi sa kanya. Nagulat na lang ako ng gumewang bigla yung sasakyan kaya niyakap ko si Baby JT.
"Fvck! Lalaki mo ba iyon ha? Tang ina Rosas naman! Sinasab------"
Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ng biglang gumewang gewang ang sinasakyan namin at dire.diretso itong bumangga sa puno na nasa gilid ng daan. Nasambit ko na ata lahat ng pangalan ng Santo ng maramdaman kong bumangga na kami sa puno at niyakap ko ng mahigpit si baby JT. Nang makita kong puro dugo na ang kamay ko ay nanlabo na ang paningin ko. Ang anak ko. Ang anak ko! Zedd, anong ginawa mo? Pagkatapos kong itanong yun sa aking sarili ay nawalan na ako ng ulirat.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Подростковая литератураRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...