Chapter 17 - Flashback (Unexpected Words From Him)

5 0 0
                                        

Maaga akong umuwi after ng klase ko sa araw na 'yun. 

Ang mga katagang binitawan ni Jax ang nagpagulo sa isipan ko. Why would he say that? Did he know something? 

Sa kagustuhan kong bumawi kay Zedd ay nagluto ako ng dinner namin kahit walang kasiguraduhan kung uuwi ba siya ng maaga ngayon o baka umaga na. Ang kamay kong may benda ay unti unti nakaramdam ng sakit at kirot. 

Pagpatak ng alas otso ng gabi ay wala pa rin siya kaya nagpasya akong maglagay na lang ng pagkain sa tupperware at baka sa opisina na lang niya kami kakain. 

Habang hawak hawak ko ang paper bag na naglalaman ng kakainin namin ay sinalubong ako ni manong guard ng isang malaking ngiti at pagbati. 

"Good evening ma'am. Nasa taas po si sir Zedd ngayon." masayang sabi niya sa akin. 

"Good eve din po manong. Salamat po." tugon ko pabalik sa kanya. 

Naglakad na ako patungong elevator ng makita kong papabas si Zedd at nagmamadali habang ang isang kamay neto ay nakahawak ng cellphone na nasa tainga niya. Hindi niya ako napansin dahil sa bilis ng paglakad neto at hindi niya rin pinansin si manong na may sinasabi sa kanya. Basta basta na lang siyang naglakad palayo. 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at naglakad ako pasunod sa kanya at pumara ng taxi para sundan siya. 

Hospital? May sakit ba siya? Sino ang nasa hospital? Anong ginagawa niya sa hospital sa ganetong oras? Tanong ko sa isip ko at lumabas na sa taxi habang bitbit ko pa rin ang paper bag na siyang dahilan ng muling pagkirot ng kamay dahil napapahigpit ang hawak ko. 

Nakalabas na si Zedd sa sasakyan niya at naglagay ng sumbrero bago naglakad papasok sa hospital ng palinga linga. I was about to follow him ng may kumalabit sa akin. Inis kong tiningnan ang kumalabit sa akin ng makita kong si Jax iyon. Anong ginagawa ng mokong na 'to dito? 

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko dito. 

"Ako dapat nagtatanong niyan, anong ginagawa mo dito? May mali ba sa sugat mo kanina?" tanong niya sa akin habang sinusuri ang kamay kong nakabenda. 

Nang marinig ko ang tanong ay kaagad kong naalala na sinusundan ko nga pala si Zedd. Kaya dali dali akong pumasok ng hospital habang nakasunod naman sa akin si Jax. Ngunit hindi ko alam kung saan ako patutungo. Ang daming tao. Hindi ko na makita si Zedd. 

"Teka nga, bakit ka ba nandito? May hinahanap ka ba?" tanong ni Jax sa akin sabay hablot sa paper bag na nasa isang  kamay ko na ngayon dahil mukhang nagdudurugo na naman ang kamay kong may sugat. 

Sasagot na sana ako ng may mahagip ako. It was Zedd. Sigurado ako doon. Suot pa neto ang sumbrerong kakasuot lang kanina habang naglalakad patungo sa exit ng nagmamadali ulit. Maglalakad na sana ako pasunod sa kanya ng bigla na lamang makaramdam ako ng hilo at nagdilim ang paningin ko. Ngunit bago ako nilukob ng kadiliman ay narinig ko pa ang isinigaw ni Jax sa akin. 

"Tangina naman Rosas, akala ko ba kamay mo lang ang may sugat. Bakit ka nagkakaganyan?" nag aalalang saad niya kaya napangiti na lamang ako bago mawalan ng malay. 

Nagising ako ng may magaan na pakiramdam. Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang nag aalalang mukha ni Jax ang bumungad sa akin. Napasimangot ako. No Zedd? 

"Gandang bungad naman niyan, nakasimangot kaagad?" mahinang tanong niya. 

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya ng maalala kong sinusundan ko nga pala si Zedd. 

"Alas dyes na ng umaga, mahaba habang tulog at mahaba habang pahinga para sa isang taong kagaya mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. 

"Anong nangyari?" tanong ko pabalik sa kanya. 

"Hinimatay ka. Over fatigue and dahil na rin sa kakapuyat mo. Balak mo na bang mamatay?" seryoso niyang sabi sa akin. 

"H-hindi. Napuyat lang ako dahil sa school and pagbebake." mahinang saad ko. 

"Kagabi pa tunog ng tunog ang phone mo pero hindi ko pinakialaman. Ayokong nangingialam sa gamit ng iba." 

"Pero nasa hospital ako, sana sinagot mo." naguguluhan kong sambit. 

"Bakit ko sasagutin? Eh nandito naman ako para alagaan ka? Safe ka naman sakin." pabirong sabi niya. 

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa sinabi niyang iyon. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito. 

"Si Jax parang gago. Baka yung asawa ko ang tumawag." sabi ko. 

"Hindi. It was his mom. Don't worry, sinagot ko naman and I informed her about you. Nandito na yun mamaya. Nakisuyo lang siya na kung puwede ay ako muna ang magbabantay sayo dahil nasa business meeting siya kagabi. Hindi rin niya makontak ang asawa mo dahil out of reached daw." mahabang paliwanag niya. 

"Anong klaseng asawa ang meron ka?" pahabol niyang tanong. 

Dahil sa tanong na iyon ay napatingin ako sa kanya. 

"Mahal ko siya. Please huwag mo naman siyang husgahan dahil lang sa ibang bagay na pinagkukulangan niya." sagot ko sa kanya ng nakatingin pa rin sa kanya. 

Sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha niya at tumitig siya lalo sa akin sabay bitaw sa mga salitang hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya. 

"Ang suwerte naman niya at napadpad siya sa taong di maiisipang maghanap ng iba sa tuwing nagkukulang siya. Eh ikaw ba? Napadpad ka kaya sa taong hindi maiisipang maghanap ng iba sa tuwing nagkukulang ka? I doubt it Rosas. " madiin niyang tanong bago tumalikod sa akin at lumabas na sa kuwarto. 

Napatigil ako sa paghinga dahil sa katanungan niyang iyon. He got me with that. I sighed. 

"Ang lalim naman niyan." biglang rinig kong sabi ni mommy. Ni hindi ko man lang namalayan na meron na pala siya at nakapasok na. 

"Mommy… . .." tanging sambit ko na lamang. 

"Okay ka na ba? Sorry at ngayon lang. Kakauwi ko lang galing Hawaii e. May business meeting ako doon ng matanggap ko ang tawag ni manong Edgar. Nag alala ako kaya tumawag ako." mahabang lintanya niya. Si manong Edgar, yung guard. 

"I'm okay mom. Huwag mo na lang pong sabihin kay Zedd na nandito ako." paki usap ko. 

"Ikaw talaga, nasa hospital ka na lahat lahat e ang asawa mo pa rin ang iniisip mo." natatawang sambit nito. 

"Ma naman e, please?" pagmamakaawa ko. 

"Fine.. Sige na. Magpagaling ka." nakangiting sagot niya sa akin. 

Sana hindi na magbago ang pakikitungo sa akin ng mommy niya. I love how good she is right now. Please huwag naman na sanang lalong bumigat ang nararamdaman ko. Just for today or else I might break down and I can't handle it anymore. 

R O S A SMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon