Tang ina. Tang ina talaga.
Napamura na lang ako habang naka upo pa rin sa sofa.
Hindi ako palamura pero ng dahil sa sinabi ng mom ni Zedd ay napamura ako.
Heto na naman ako tinatapak tapakan. Heto na naman ako, inaalisan ng tinik sa aking pagkatao na siyang dapat ay karapatan ko. How dare her to say that? T-that woman!Tumulo ang mga luha ko pero hinayaan ko lang ito. Tumungo ako sa kusina at itinapon ang mga lutong pagkain na dapat ay kakainin namin ng sabay. Na dapat ay handa namin para sa araw na ito. Na dapat ay ako ang pinuntahan niya hindi ang iba. Ramdam ko na naman ang pag iisa. Ramdam ko ang lungkot. Ramdam ko ang pangungulila ko kay Zedd. Ilang araw na ba noong last kaming nag usap? Ahhh. Buwan na ata. Pero heto ang isusukli niya sa akin ngayon? Ang sabi niya babawi siya ngayong araw. Ang sabi niya hihintayin ko siya. Ang sabi niya sabay kaming mag didinner. Ang sabi niya ay may surpresa sa akin ngayon. Ah oo nga meron. Pinili niya ang babaeng yun kaysa sa akin. Mas pinili niya ang iba kaysa sa akin. Tang ina. Fifth Anniversary namin ngayon eh. Kaso mas pinili niyang magdiwang kasama ang iba kaysa akin. Damn it!
Pagkatapos kong iayos ang dapat iayos ay nagtimpla ako ng gatas at tumungo na sa sala habang dala dala ito. Pagtapak ko sa unang baitang ng hagdan ay siyang pagbubukas ng pintuan at pumasok ang isang pigura.
Oh. Sa lalim ata ng iniisip ko, hindi ko siya namalayang dumating.
Pagkasara ng pintuan ay siyang pagharap niya sa akin at nagulat.
"Sh*t. Akala ko kung ano na. Anong ginagawa mo dito at gising ka pa?"
"May nagpahintay kasi sa akin. Sabi niya sabay kaming magdidinner kaso hindi dumating"
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. His shookt face turns to confuse face. May naalala.
"Oh sh*t. Sh*t. I'm sorry. Nakalimutan ko. "
Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya patungo sa akin.
"Nakalimutan ? Next time, alalahanin mo lahat ng pangako mo bago ka gumawa ng aksyon. I think busog ka na. Nakipag dinner ka pala kina mom. Dapat naalala mo rin ang salitang dinner bago ka pumayag. "
Kita ko ang pagod niyang mga mata na parang nagtataka..
"Mom told me na nagdinner kayo kasabay si Marga. Mukhang nag enjoy ka kasi malawak ang ngiti mo pagkapasok mo sa pintuan. Next time, paki erase yang lipstick na kumalat diyan sa taas ng labi mo." Sunod kong sabi sa kanya at tumalikod na. Sh*t naiiyak na naman ako. Bwisit na luha ito.
"And one more thing, don't make promises na hindi mo kayang tuparin. Mukhang ikaw lang ang nag enjoy sa araw na ito Zedd. Ikaw lang ang nagdiwang ng ating Anniversary pero hindi ako ang kasama mong babae kundi iba. Pathetic me."
Pagkatapos kong sabihin yun ay tuloy tuloy na akong umakyat sa hagdan at tumungo sa kwarto ko.
Yeah. Kwarto ko. Simula nong nag stay ako rito, magkahiwalay ang aming kwarto. Utos ng mommy niya. Akala ko wala ng ibang mas sasakit sa pinaggagawa ng mom niya sa akin. Pero for the first time, Zedd hurt me. Habang tumatagal, lumalabo ang lahat. Nagkakalayo kami kahit nasa iisang bahay lang kami. Lahat parang lumilipad patungo sa ere. HUMAGULGOL ako. Lahat ng gusto kong ilabas na sama ng loob ay inilabas ko sa pamamagitan ng pag iyak hanggang sa nakatulog na ako ng gatas lang ang laman ng aking tiyan.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...