Chapter 21 - Flashback (The Betrayal)

7 1 1
                                    

Huni ng mga ibon ang nagpagising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay mukha ni Jasper ang bumungad sa akin. Ang natutulog niyang mukha, napakaamo. Umusbong ang kakaibang pakiramdam na pilit kong isinasantabi kapag kasama ko siya. Ang abnormal na ritmo ng aking puso. Nang gumalaw siya ay kaagad akong bumangon. Nasa tagaytay nga pala kami. 

"Kagigising mo? Good morning!" bungad niya sa akin. 

"G-good morning!" bati ko pabalik sa kanya. Aayain ko na sana siyang umalis ng tumunog ang aking tiyan. Rinig ko ang halakhak ni Jasper na ngayon ko lang narinig. O sadyang ngayon ko lang binigyan pansin? 

"Tara, kain tayo. Nandoon sa sasakyan yung tinake out ko kagabi. Ibinalik ko doon noong nakatulog ka na kasi baka langgamin dito e." sabi niya habang patayo na at patungo sa sasakyan bitbit ang sapatos namin. 

"Sige. Tomguts na ako." sagot ko naman at pinulot ang blanket para tupihin ito, sumunod na naglakad papunta sa sasakyan. 

"Hindi nga lang mainit yung tapa at kape. HAHAHA. Okay lang ba sayo? O bili na lang tayo ng panibago?" natatawang sambit nito. 

"Okay na sakin yan. May pasok tayo ngayon pero absent tayo pareho." sabi ko ng maalalang may pasok nga pala kami. 

"Ngayon lang naman." sabay abot sa isang tupperware na may laman na kanin at tapa. 

"Tapa? Akala ko parang yung kagabi lang din ang inorder mo?" takang tanong ko. 

"Ayaw mo ba ng tapa? Masarap yan kahit hindi mainit. Try mo." pangaaya niya sa akin. 

Sumubo nga ako at lasang lasa ko ang sarap nito. Magaling si Jax sa mga pagkain na para bang sanay sanay na ito. 

"Masarap nga. Mukhang maalam ka sa mga pagkain dito sa Tagaytay, madalas ka dito?" tanong ko sa kanya. 

"Oo. Dito ang takbuhan ko kapag gusto kong magpahinga." sabi niya at sumubo pa ulit. 

"Magpahinga? Saan? Napapagod ba ang isang Jasper?" curious na tanong ko. 

"Oo naman. Tao rin naman ako Rosas. Napapagod." kalmadong sagot niya. 

Kita ko ang saya sa mga mata niya habang nakatingin sa malayo. Na para bang sinasariwa niya at dinadama niya ang kapayapaan ng lugar na ito. 

"Hindi halata sa katulad mo ang salitang pahinga. Para kang walang problema sa buhay mo. Kapag nakikita kita o nakakasalamuha, parang ang dali lang para sayo ang mabuhay." komento ko sa kanya. 

"Kapag pinakita ko ba ang tunay kong nararamdaman magiging maayos na ba ang lahat? Hindi naman di ba? What I'm trying to say is, hindi naman kailangang i expose ang tunay mong emosyon palagi as long as you can handle everything in your own way. Akala mo lang na wala akong problema kasi hindi halata sa mukha ko pero marami rin. Magaling lang akong magtago siguro. That's why I'm escaping Manila life to get here." mahaba habang wika niya. 

"Bakit kailangan mo ang pahinga Jasper except sa reason na pagod ka na?" tanong ko sa kanya. 

"To breath. To live. To let go. Maraming dahilan para kailangan ang salitang pahinga. Tingin mo? Alin doon ang rason na kailangan mo?" tanong niya pabalik. 

"I– I want to breath." pabulong na sabi ko. 

"Then breath Rosas. Hindi naman kailangang lumaban ng lumaban lang, kailangan mo ring huminga para makapagpahinga." saad niya na siyang nagpagaan sa pakiramdam ko. 

"Jasper…" 

"Hmmmmn? Ano yun?" tanong niya sa akin sabay lingon. 

"Salamat." tanging nasambit ko na lamang dahil parang may kabayong nagkakarerahan sa puso ko sa bilis ng pintig nito. 

"Your always welcome. Ubusin mo na yan at gagayak na tayo. Sana kahit papano ay gumaan ang pakiramdam mo. Take it slow Rosas." 

"Uuwi na tayo?" Tanong ko. 

"Bakit? Ayaw mo pa bang umuwi? Baka nag aalala na sila tita at ang asawa mo." sagot niya. 

Hindi ko alam kung may sira ba yung tainga ko sadyang hininaan niya ang salitang asawa. 

"Sige. Uwi na tayo Jasper." tanging nasabi ko na lamang.

Tumanggo siya at iniligpit muna ang pinagkainan namin bago nagmaneho paalis. Babalik na naman kami sa Manila. Parang hindi pa ako handa. Parang hindi ko kaya. Inilagay ko ang hood sa ulo ko at iniayos ang sarili ko. 

Buong byahe ay hinayaan niyang matulog ako. Hininaan niya ang stereo at sinaktuhan ang temperatura ng aircon. 

Nang magising ako ay nasa parking lot kami. Ipinalibot ko ang paningin ko at nakumpirma kong nasa eskwelahan nga kami. Nakahoodie pa rin kami at ng lumingon ako sa gawi niya ay nakita kong nakatulog din ito. Pinagmasdan ko siya. Mula sa mahahaba niyang pilik mata, ang napaka amo niyang mukha, matangos na ilong at mapupulang labi. Gwapo si Jasper kaso may pagka prangka. Sino mang babae ay puwedeng mahulog sa pag uugaling meron siya. Walking green flag? Oh no. He's a red flag with an enough respect. 

Napalingon ako sa labas ng makitang nag uuwian na ang mga estudyante. Lalabas na sana ako ng mapansin kong nakapaa paa lang ako. Kung ganoon, nakapaa paa rin si Jasper na nagdrive? Tanong ko sa aking sarili at tiningnan ito para makumpirma. Tama nga ako. Lumingon ako sa backseat para tingnan kung nandoon ang sapatos namin ng may mahagip ang aking paningin. 

It was Ashley. She's walking to a tainted car na may mukhang masayang masaya at halata ang excitement sa mga mata neto. I was about to pick our shoes when I saw a familiar figure coming out from that car. Nanigas ako sa puwesto ko. Bakit? Bakit hindi ko man lang nahulaan. Nakita ko ang pamilyar na pigura na naglakad palapit sa bestfriend ko at niyakap ito. Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon ng makita kong hinalikan ng lalaki ang lips ni Ashley. Ni kumurap ay nakalimutan ko na yatang gawin hanggang sa may humarang sa tinitingnan ko. Isang palad.

"Huwag mo ng tingnan kung alam mong masakit. Breath Rosas, you're holding your breath within 5 minutes already. " sambit ng katabi ko kaya napaubo ako habang hinahabol ang paghinga ako. 

"I should have known Jax. Bakit hindi ko man lang nahulaan na siya yung babae?" tanging nasabi ko at parang mahuhulog na kahit nakayuko ako. Hinila ako ni Jax at pinaharap sa kanya sabay yakap. Kasabay ng pagdampa ng aking katawan sa katawan niya ay ang pagdaan ng kotse ng asawa ko. Napahagulgol na lamang ako sa katawan ni Jax at ramdam ko ang iba ibang emosyon sa puso ko. Galit? Sakit? Poot? Pagod? Betrayed? Broken? Devastated? Or Disappointment? 

Hinayaan akong umiyak ni Jax hanggang sa mapagod ako. Hindi ko alam kung uuwi ba ako o hindi pa. Masiyado ng maraming nangyayari. Paano ako magpapahinga ngayon kung ang taong pahinga ko ay may iba na? Iniyak ko lahat ng galit ko. Ilang oras pa kaming nanatili ni Jax sa parking lot ng paaralan hanggang sa abutin kami ng gabi. Pinili kong pakalmahin ang sarili ko kahit mahirap. Pinili kong kontrolin ang nararamdaman kong lungkot at galit. Sa ilang oras na yakap ako ni Jax ay ngayon ko lang napansin na basang basa na ang hoodie namin pareho. Lumayo ako at kinapa ang mga buhok kong kumalat sa mukha ko. May kinuha si Jax sa compartment ng sasakyan niya at inaabot sa akin, isang wipes. 

"Ayusin mo na ang sarili mo, kakain na muna tayo. Alam kong wala kang gana pero sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo." sunod sunod na sabi niya at nag ayos ng sarili niya. Kinuha niya ang mga sapatos namin at isinuot ang sa kanya. Nang makita niyang hindi ako gumagalaw ay siya na mismo ang bumaba ng sasakyan at nagsuot sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin at ng makita niyang naka ayos na ako ay inalis niya ang sumbrero niya at ipinatong sa ulo ko. 

"Mahamog sa labas mamaya, mas okay ng may panangga." sambit niyang muli. 

Pinaandar niya nag sasakyan at huminto kami sa isang sikat na  fast food chain. 

"Alam kong hindi ka na bata pero sana mapagaan ng Jollibee ang nararamdaman mo ngayon." hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o sarcasm iyon. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. 

"Much better rosas. Masaya akong makita kang ngumiti. Tara na?" aya niya sa akin at sabay kaming naglakad patungo sa establishmentong iyon. 

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon