Chapter 10 - Flashback (He's Awake)

7 2 0
                                    


Pagkagising ko ay ramdam ko ang pagod. Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa. Ramdam na ramdam ko ang lungkot. Bakit sa dinami rami ng tao sa mundo, ang anak ko pa ang kinuha sa akin, puwede namang ako na lang. Ang bata bata pa niya para kunin mo. Pero bakit? Ni hindi man lang niya nakita ang ganda ng mundo. Ni hindi man lang niya naranasan ang masabihan ng i love you. Pero ang pinaka masakit, ni hindi man lang niya maranasan ang pagmamahal na dapat ay ipaparanas namin sa kanya.

Umagang umaga pa lang pero wala na akong lakas para sa araw na ito. Ahh. Mali. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Tatayo na sana ako ng tumunog ang aking cellphone, kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

"H-hello." Sabi ko ng mahina na halos bulong na lang ito.

"Rosas. Zedd is awake. My son is awake. You need to come here. Asap." Sabi ng kabilang linya at tinapos na nito ang tawag.

Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil sa adrenaline rush ko, pero sa loob ng 20 minutes ay nakarating ako sa hospital ng matiwasay. Hindi ko na namalayan na nakaligo na ako at nakarating na pala ako rito.

Tumatakbo ako sa hallway ng hospital kahit alam kong bawal at kahit masakit pa ang katawan ko. Alam ko kung paano gumamit ng elevator pero nandito ako ngayon sa hagdanan at tumatakbo patungo sa third floor ng hospital. Nang nasa harapan na ako ng kuwarto ni Zedd ay tsaka ko pa lang naramdaman na hingal na hingal na ako at pawis na pawis na. Ni hindi ko man lang naramdaman na masakit yung katawan ko nung tumatakbo ako at para bang gumaling ako kaagad dahil nakaya kong tumakbo ng ganun kabilis na dapat sana ay paika ika pa ako dahil nga sa aksidente. Dali-dali kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan.

Naabutan ko si mommy na kausap si Zedd. Nang makita nila akong pumasok ay hindi nila ako kinibo at pinansin. Lumabas muna ako at hininitay si mommy palabas, may pinag uusapan ata silang importante kaya hindi nila ako pinansin kanina.

Sampung minuto pa ang nakalipas ng lumabas si mommy. Tiningnan niya lang ako gaya ng dati at naglakad na papalayo.

Okay? Anong nangyayari?

Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na ako. Naabutan ko si Zedd na inaabot yung mansanas kaya naglakad ako palapit doon kahit paika ika ako. Bumalik na yung sakit ng katawan ko at parang anumang oras ay bibigay ito pero sadyang matigas ang ulo ko kaya hindi ko ito pinansin pa. Akmang iaabot ko na sana kay Zedd yung mansanas na inaabot niya kanina pero tumalikod siya sa akin. Hindi niya ako kinikibo. Ni hindi niya man lang ako tingnan. Ni hindi man lang niya ako kumustahin. Ni hindi man lang niya ako tanungin kung okay ba ako.

"Zedd, k-kumusta ka na? " namamaos kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hindi niya ako pinapansin kaya lumapit ako sa kanya. Hahawakan ko sana ang kanyang mga kamay pero tinabig niya ang kamay ko papalayo.

"Ano pang ginagawa mo dito? Dapat ay umalis ka na" sabi niya na ikinagulat ko.

"A-anong sabi mo?"

"Hindi mo ba ako narinig? Dapat umalis ka na. Dapat masaya ka kasi wala ng pipigil sa kasiyahan mo. Wala na si JT. Wala na ang anak ko. Puwede mo ng balikan yung lalaki mo. " lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ko namalayang nasampal ko na pala siya.

"Y-yan ba ang tingin mo sa akin ha? Tang ina Zedd. Hindi lang ikaw ang nawalan. Hindi lang ikaw ang namatayan. Namatayan rin ako. Ako ang nanay. Ako ang nagluwal kay JT kaya masakit sa akin yun. Tapos yan ang sasabihin mo sa akin? Anong tingin mo sa akin? Malandi? Ilang beses ko bang ssasabihin sa iyo na wala lang iyon at hindi ko kilala yung lalaking yun!" Hinihingal kong sabi sa kanya, hindi ako alam pero walang lumabas na luha.

"K-kasalanan ko ang lahat Rosas. Ang anak ko. Namatay si JT dahil sa akin." Humahagulgol na sabi niya sa akin.

Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin na lang siya. Alam kong sisisihin niya ang sarili niya sa nangyari. Imbes na isisi niya sa iba ay mas gugustuhin niyang akuhin na lang ito. But for me, aaminin kong sinisisi ko siya. Masakit mawalan ng anak at hindi ako papayag na pati siya ay mawala rin sa akin. Umiyak lang siya ng umiyak habang yakap yakap ko pa rin siya at binubulong ang mga katagang "It will be okay". Na sana ay mangyari nga. Na sana ay hindi tumagal. Na sana ay magiging okay rin ang lahat. Hindi man ngayon, pero sana bukas o makalawa o sa isang araw pa man, ay umayon sa akin ang tadhana.

Ilang minuto o oras pa ang lumipas na ganun pa rin ang posisyon namin, nakatayo ako at yakap yakap ko pa rin siya habang umiiyak. Nakatulugan na niya ang pag iyak, kaya dahan dahan ko siyang pinahiga sa kama. Saktong naiayos ko na yung kumot sa kanya ng bigla akong nahilo. Nandidilim ang paningin ko. Humakbang ako at naghanap ng puwedeng makapitan para hindi ako matumba subalit hindi pa man ako nakakahakbang ng dalawa ay natumba na ako at nawalan ng ulirat tsaka ako binalot ng kadiliman.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon