Kinabukasan ay agad din akong nadischarge. Being with mommy in the hospital makes my feeling not in worst. Inalagaan niya ako ng walang halong kaplastikan and hindi rin siya nagtanong pa. Kung may isang emosyon man akong nakikita sa mata niya? It was pity. Nakakagulat lang na marunong siyang makaramdam ng ganun ngayon samantalang noong buntis pa ako kay baby JT ay tudo pahirap siya sa akin. Namimiss ko na ang baby JT ko.Pagdating namin sa bahay ni mommy ay kaagad na sumalubong si Zedd sa amin na nagtataka.
"San kayo galing? Bakit ngayon lang kayo?" sunod sunod na tanong niya sa amin.
"Akyat ka na sa taas Rose. Make sure that magpahinga ka." bilin sa akin ni mommy.
"L-love…" mahinang sabi niya ngunit halata sa boses niya ang pagkairita at pagod.
"Sige po aakyat na po ako." sagot ko kay mommy at naglakad na papanhik sa taas without even glancing at Zedd.
Masakit. Masakit para sa akin ang nangyayari. Hanggang ngayon ay palaisipan para sa akin kung anong ginagawa niya sa hospital ng gabing yun para makalimutan na Anniversary namin iyon. Tumungo ako sa aming kama para umupo. After dumating sa amin ni JT ay napag usapan namin na matulog na sa iisang kama para mabantayan namin siya ngunit hindi na pupuwedeng mangyari pa. Tumulo ang luhang pilit kong pinipigilan kanina pa. Muling bumalik ang ala ala kung saan dumating si JT sa amin at ang pagbawi sa kanya. Napahagulgol na lamang ako ng hindi ko na mapigilan ang iyak na dapat ay tahimik lang. Ngunit naging palahaw ang iyak na yun ng maramdaman ko ang bisig ng taong mahal ko na nakapalibot sa bewang ko. I am breaking down. I can't handle it anymore.
"I-I'm sorry loveeeee, tahan na please? I forgot about our Anniversary. I didn't know na nahospital ka. I didn't know. I'm really sorry. Patawarin mo ako. Please?" mahinang bulong niya sa akin habang umiiyak na rin.
"Babawi ako love, hmmmmn? Please huwag ka ng umiyak." muling sambit niya.
"U-uwi na tayo love? Hmmmn. Pleaseee" mahinang saad ko.
Napatigil siya sa paghagod sa likod ko na ikinagulat ko.
So tama nga ako. I ain't wrong all along. I am not his home anymore. Muling tumulo ang luha ko ngunit iniwasan ko na makagawa ng kahit anong hikbi, ramdam na ramdam ko ang sakit. Gusto kong magtanong pero natatakot ako. Gusto kong alamin pero nilalamon ako ng takot. Ayoko. Hindi pa ako handa. Ayoko pa."R-rose… .. L-love… ." tanging nasabi niya na lamang habang mas lalong humagulgol.
Tinanggal ko qng nakayakap niyang mga bisig sa akin at unti unting inilayo ang katawan ko sa kanya. Kita ko ang gulat at lito sa mga mata niya.
Ngumiti ako at inilapit ang aking mukha sa mukha niya. I kiss him. Slowly. Na halos ikahagulgol ko ulit pero pinigilan ko. He accepted the kiss pero umiwas na ako bago pa man lumalim iyon. Muli akong nagpakita ng ngiti sa kanya at sinabi ang mga salitang nagpatahan sa kanya.
"I will forget everything. But please, don't leave me Zedd. Please. I'm begging you. Hayaan mong ako ang mapagod. Hayaan mong ako ang umayaw. Alam ko. Ramdam kong may iba na pero hindi ko kilala kung sino. Hanggat maaari, hayaan mong manatili ako at bumawi sa mga pagkukulang ko." mahina ngunit madiin kong wika habang nakatingin sa kanya.
" I-"
"You don't need to apologize Zedd." putol ko sa sasabihin niya at inaya na siyang matulog dahil ramdam ko na naman ang pagod.
Mas nauna akong nagising kaysa kay Zedd at pagtingin ko sa orasan ay alas sais na ng gabi. Napasarap ang tulog namin? Dali dali akong nag ayos ng sarili ko at bumaba para magluto. Naabutan ko si manang Dolor na nag aayos ng lulutuhin niya kaya naman kinausap ko siya.
"Good evening manang. Si mommy?" bati ko sa kanya.
"Ay apo. Sus maria. Ikaw palang bata ka. Wala si madam. May meeting daw ulit siya sa labas kaya hindi na dito magdidinner." wika niya na may bahid na gulat pa rin sa mukha.
"Ganun ba manang, ako na po ang magluluto. Magpahinga na po kayo." nakangiting sambit ko.
"Nako ka. Eh hindi ka pa nga magaling." nag aalalang sagot niya sa akin.
"Okay na ako manang. Sige na po. Gusto kong bumawi kay Zeddy. Sige na manang?" ngingiti ngiting sambit ko ulit.
"Ay hala sige. Ako'y pupunta na muna sa kuwarto." sabi niya ng may pagkatalo sa boses.
"Salamat manang. Goodnight po." napangiti na lamang si manang at tumalikod na.
Saktong patapos na akong magluto ng may maramdaman akong yakap mula sa aking likod.
"Ang bango naman ng niluluto mo love." antok na boses ni Zedd. Amoy na amoy ko ang shampoo niya na mukhang kagagaling niya sa pagligo.
"Nako, nakaligo ka na nga, inaantok ka pa rin?" tuso ko.
"Masarap matulog sa tabi mo, rosas." malambing na saad neto at hinigpitan ang yakap. Napatigil ako dahil sa sinabi niya ngunit hindi nagpahalata.
"Hey, patapos na ako. Upo ka na roon at ihahain ko na ito." halos pabulong na sabi ko.
Bumitaw siya sa yakap at tumungo sa isang upuan. Doon ko lang napansin na naka T-shirt siya at simpleng shorts lang ngunit bakas ang bruskong katawan neto.
Natapos ang dinner namin ng may halong harutan at mukhang nakalimutan namin pansamatala ang nangyari kanina lang.
Umaga na naman– naaamoy ko ang nilulutong sinangag mula sa baba. Pagmulat ko ng aking mata ay wala na si Zedd. Tumayo na ako at tumungo sa banyo, tinitigan ang sarili kong may mugtong mata at mukhang maputla. Habang naliligo ay muling nanumbalik ang nangyari kagabi. Pagkatapos naming kumain ay tumungo kami sa labas, malapit sa swimming pool at magkahawak ang kamay.
Tumingin ako sa kanya dahil ramdam ko ang mga tinging kanina pa niya ginagawa.
"Kailan mo pa alam?" tanong mo sa akin at hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Inaya mo akong umupo papunta sa gilid ng pool at itinampisaw natin pareho ang ating mga paa.
"I don't know? Siguro matagal na rin pero hindi ako sigurado. Instinct lang naman noong una. Ayaw kong magtamang hinala pero ayoko rin namang maging bulag." sagot ko sa kanya habang naglalaro ng tubig sa pool gamit ang isang kamay ko.
"I'm really sorry. For real Rosas. Please huwag ka namang magmakaawa na mag stay sa tabi ko kahit na ginagago na kita."
"Ang dami na nating pinagdaanan Zedd. Ngayon pa ba ako susuko? For sure, iiwan mo rin naman siya kapag nahanap mo na ang daan pauwi sa akin." muli kong sambit pero this time, nanginginig na ang kamay ko pero hindi ko ipinahalata.
"R-rosas…"
"Zedd, I don't want to leave you. Being with you means home. Well… . That's what i thought, na hanggang ngayon pinanghahawakan ko. Ayokong maiwan mag isa Zedd. Kung paulit ulit man akong masasaktan, tatanggapin ko haggat mahanap mo ang daan pauwi sa akin. Sa atin. I'll wait for it. Hmmmmn?" nanginginig ang boses kong saad sa kanya.
"B-but… "
"Do you love her?" matapang na tanong ko.
Bumitaw siya sa kamay ko at inalis ang tingin sa akin.
Napangiti ako. Ninamnam ko ang hangin na kanina ay kanina ko pa kinakapa dahil parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang hangin at para bang nakikisabay ito sa damdamin ko. Malamig. Masalimoot.
Dahan dahan akong tumayo. Sabay bitaw ng mga salitang nagpahagulgol sa kanya.
"I wasn't your home anymore. It wasn't me.. whom you love… But that doesn't mean that I'm letting you go Zedd. I'm staying. I want to beg for your love to be back. But that's the least thing that I would do. Gusto kitang sampalin ngayon. Gusto kong umiyak at magmakaawa. Gustong gusto ko. Pero mahal kita. Ayokong ibaba ang sarili ko para lamang manatili ka sa akin. Ang hinihingi ko lang sa'yo ay manatili ka sa tabi ko hanggang mapagod ako." diretsong sabi ko at umalis na. Traydor na mga luha. Hindi pa ba kayo nagsasawa?
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...