Nakarating kami sa canteen habang naghahabulan. Dirediretso kaming tatlo papunta sa cashier at nagsabi ng tubig. Nang makuha namin ito ay humanap kami ng mauupuan.
"Uyy, ngayon lang tayo nagkasama samang tatlo. Hahaha, hindi ako makalapit sa'yo kasi bantay sarado ka ng bestfriend mo." sabi ni Jess sa akin habang binubuksan ang tubig niya.
"Sinabi mo pa, para siyang aso kung makabantay kay rosas." pabirong sabi ni Jax.
"Tong si Jax parang gago lang e, marinig ka nun, aawayin ka na naman. Para kayong aso't-pusa." natatawang sabi ko.
"Atleast ako marunong lumugar." seryosong sagot niya habang nakatingin sa iba.
"H-hoy bruha, bakit hindi ka sumama sa amin kahapon? Akala ko pa naman sasama ka sa amin nung bigla kang umalis sa tabi ni Ashley kahapon." pagsingit ni Jess.
"A-ah nakalimutan ko e, tsaka umuwi na ako kahapon kasi may hinintay ako." sagot ko kay Jess.
Ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Jax at mukhang inoobserbahan ako neto.
"Ganun ba, nakita namin yung jowa ni Ashley. Mas matanda sa atin gurla. Mukhang successful sa life yung fafa." tuloy tuloy na pag kuwento ni Jess.
Mas matanda? Huh? Yun ba ang mga bet ni Ashley? Parang hindi naman a.
"Tapos kita namin ang pagchuckchakan nila sa sasakyan ni fafa. Tangina sarap na sarap si Ashley e. Di nga namin enexpect na may ganun palang ganap edi sana umalis na kami kaagad. Hanep e, dimo masisisi si guy, ang hot and sexy ni Ashley e." natatawang kuwento pa ni Jess.
"Gago, pinanuod niyo?"
"Hindi namin itinuloy. Ihing ihi na kasi ako kaya umalis na kami. " sagot niya.
"Sayang. Live na yun." nakangising sabi ni Jax sa amin.
"Luh parang gago lang e. HAHAHAHA." tumatawang sambit ko naman.
"Ay t-teka parang nakita kita kahapon Jax e. Nandoon ka ba?"
Napalingon ako kay Jess dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ah oo. Binalikan ko yung hoodie ko. Kaso diko nahanap." sagot nito kay Jess.
Ay halla yung hoodie nga pala. Naiuwi ko pala yun.
"Ah akala namin nanunuod ka din ng live chuckchackan." tukso ni Jess.
"HAHAHA, hindi ko kailangang manuod ng kagaguhan ng iba." medyo madiin na sabi neto.
"Oo nga naman, HAHAH-"
Naputol ang pagtawa namin ng biglang may nagsalitang hindi namin inaasahan.
"Everyone's happy? Baka naman puwedeng sumali." singit ni Ashley na mukhang itinago sa make up ang pagiging maputla neto.
"Ay hala, may pupuntahan pa pala ako." biglang sabi ni Jess at tumayo na.
"Ako rin, hahanapin ko pa yung hoodie ko. Baka napunta sa magaling mang agaw." Madiin na wika ni Jax sabay tingin sa aming tatlo.
Dahil sa sinabi niya ay napaubo ako ngunit laking gulat ko na lamang ng maduwal si Ashley na para bang naghihina.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Y-yeah. Nasobrahan lang yata sa puyat." mahinang saad neto.
"Tara na Jess. Okay naman na raw siya. No need to worry." aya ni Jax kay Jess ngunit halata sa boses neto na parang nayayamot na ewan. Tumalikod na sila at naglakad palayo.
"Bruha ka. Okay ka lang ba talaga?" nag aalalang tanong ko kay Ash.
"Y-yes. Ako pa ba. Napuyat lang ako kagabi." sagot neto.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Novela JuvenilRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...
