"Ako yung nauna pero hindi ako ang pinili mo. Ako yung nandito pero binalewala mo ako. What do you expect? Magpapaganda at magpapaka sexy ako para sa iyo? I'm sorry but marunong rin akong mapagod. Hindi ako kagaya ng ibang asawa na magpapakamiserable dahil lang doon. Tandaan mo, ako si ROSAS Montemore. Babae ako. At hindi basta Babae lang! Hindi isang asawa lang! Tao ako! Marunong mapagod at sumuko hindi dahil lang sa hindi pinili at binalewala, kundi para akong isang rosas. Tinatanim,inaalagaan , namumulaklak, at maganda sa paningin. Pero tandaan mo ang rosas pag nalalanta, may posibilidad na mamatay at mabubuhay ulit. Hindi ako yung basta basta namamatay..Babangon at babangon ako kahit gaano pa ako nasasalanta."
Paulit ulit na nagrereplay sa akin ang mga salitang iyan. Mukhang nagalit ko na nga siya ng tuluyan. Mukhang nasagad ko na ang lahat ng pasensiya meron siya. Siya si Rose Montemore. Asawa ko pero hindi pa kami kasal. Hindi kami pinagkaitan ng sinasabi nilang "and they lived happily ever after" na iyan. Gago kasi ako.
Ako si Zedd Mendez,25, taken pero umaaktong single pa rin.
Okay naman kami eh. Nag umpisa kami bilang highschool sweethearts noong sophomore na kami. Masaya kami. Lahat ng pwedeng pag usapan, napag usapan namin. Hanggang sa grumaduate kami ng highschool at nag college. Kagaya ng ibang couples, naging strong kami, pero dumating yung isang pagsubok.
3rd year college na kami ng malaman naming nagdadalang tao siya. Tumigil siya sa pag aaral samantalang ako, ipinagpatuloy ko. Naiiwan siya sa bahay samantalang ako, laging nasa school, pag uuwi ako gabi na at tulog na siya. Ni hindi man lang niya ako mahintay. Ni walang sasalubong sa akin ng yakap at halik.Months passed, nanganak na siya. Jasmine Tulips came to our life, she became our angel. Pero unexpected thing happened. Kasingbilis ng pagdating niya kung paano siya binawi sa amin.
Sinisi ko ang sarili ko . Kasalanan ko kung bakit. Hindi ako inimik ni Rose about sa bagay na yun. Ipinagpatuloy ko ang buhay pero naging gago ako.Years passed, Rose said na balik eskwela na raw siya. Grumaduate na rin ako ng college at ako na ang humahandle sa business ng family namin. Gustong gusto ko na maka ipon kasi gusto kong isurpresa si Rose.
Habang busy ako sa trabaho, nagiging busy na rin si Rose sa school. Ni hindi na kami magkatagpo sa bahay. Pag umuuwi ako tulog na siya. Pagka gising ko nasa school na siya.
Hanggang sa nagkaproblema. Away dito, away doon. Ni walang araw kaming hindi nag aaway. Lahat nagulo. Lahat ng pinag usapan namin, lumalabo. Nakagawa ako ng kagaguhan. At hindi ko inakala na yun ang magiging dahilan kung bakit nawala sa ayos lahat. Lahat napunta sa ere. Lumilipad. Di alam kung saan patungo. Nawawala sa tamang direksyon. Ngunit ang sinabi niya, ang nagpalabo sa lahat.
"Habang nasa ere ako, habang hindi ko alam kong saan ang direksyon na dapat kong tahakin, habang nasasalanta ako, someone catched me. He saved me. Someone took care of me. Someone help me to rise and to bloom again. Someone loves me. Na hindi mo nagawa o ginawa. I'm sorry. But for now,maybe, let's take some rest for awhile. I need to breath some fresh air. I need some natural fertilizer. I'm going home Zedd. Please take care. If I'm able to survive as a rose, maybe we will meet again. Hanggang sa muli Zedd."
She went to their province na hanggang ngayon ay hindi ko alam kong saan. She never told me. O baka dahil sa hindi ko ito itinatong. Dammmn!
It's been a year since I saw her. Hanggang ngayon , hindi pa kami nagkikita. I really miss her. Walang oras, minuto at araw na hindi ko siya naiisip. Damn! Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon, sana hindi na ako nagpakagago.
Hahanapin kita. Hahanapin kita Rosas ko. Kahit ilang bulaklak pa ang dapat kong daanan para mahanap kita, gagawin ko.
Hanggang sa Muli Rosas.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...