Ilang weeks na ang lumipas since nag date kami ni Zeddy. After ng pangyayaring iyon ay nagdate pa kami at ibinili niya ako ng mga bagong damit at gamit para sa pagbabalik ko sa eskwela.
At ngayon, first day ko na sa eskwelahan. Kinakabahan ako. Hindi ako naihatid ni Zedd kasi maaga silang umalis ni mommy patungo sa opisina.
Habang naglalakad ako at hinahanap ang tamang room para sa akin ay may bumunggo sa akin dahilan ng pagkahulog ng notebook na hawak ko. Inis kong pinulot ang notebook ko at nilingon ang taong bumunggo sa akin.
"Naku, sorry miss. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako." Diretsong sabi neto at dali daling umalis na para bang walang nangyari.
Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong nainis at hinabol siya. Hinila ko ang bag niya dahilan ng pagkagulat niya at pagkabitaw sa paper bags na hawak niya. Isa-isang nahulog ang mga naka tupperware na cookies na siyang pagkagulat ko rin. Oh no! Wrong move ka rosas!
"Halla, ang mga benta ko", sabi ng estrangherong lalaki at pinupulot ang mga cookies-teka, familiar ang cookies na pinupulot neto.
"N-nako. pasensiya na. Hindi ito ang intensiyon kong mangyari. Gusto ko lang naman sabihin na hindi ko nagustuhan ang ginawa mong pagbunggo sa akin mister." mahinang sabi ko sa kanya at pinulot ang cookies na nasa harapan ko sabay abot sa kanya ng nakayuko.
"Whoah! Ms. Ice cream? Long time no see?" malumanay na sambit ng lalaking nasa harapan ko.
"Hala, ikaw pala yan-"
"Pasensiya na kung nabunggo kita hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako at idedeliver ko pa sana itong mga cookies sa mga instructor dito kaso paano na ito? Hindi na kaaya aya sa paningin ang mga paninda namin." natatawang sabi niya at tiningnan ako.
"That's my cookies-
"Aha. Ikaw yung taga supply ng cookies namin." magsasalita pa sana ito pero tumunog ang kanyang cellphone dahilan ng pagkaputol ng sasabihin pa neto sana. Kaagad siyang nag excuse at gumilid saglit para hindi maka abala sa mga dumadaan sa hallway.
Tiningnan ko ang mga bitbit niyang paper bags at nasa sampong bilang ito. Kung ganoon nagtatrabaho siya sa cafe na iyon? Pero assistant rin siya ni doktora? Whoah ang dami naman niyang trabaho.
"Miss, pasensiya na ulit ha. Aalis na ako at kakausapin ko pa ang mga pagdedeliver'n ko neto. See you around miss ice cream. " nakangiting paalam neto sakin at tumalikod na.
"T-teka! Idedeliver mo pa rin yan? Pero hindi na maganda sa paningin tulad ng sabi mo." nahihiya kong sabi sa kanya.
Lumingon siya sa akin at naglakad pabalik.
"Miss, okay lang daw sa customer na ideliver ko ito kahit hindi na maganda sa paningin. Aayaw na sana ako kasi nakakahiya kaso sila ang nagpumilit. Alam mo ba kung anong sinabi nila sa akin? Na minsan, hindi mahalaga ang itsura ng isang bagay para lamang magustuhan ito. Hindi naman daw ang itsura ng cookies mo ang hinahahol habol nila kundi ang lasa neto. So, huwag ka ng malungkot dahil sa nasira ito. May mga taong handang tanggapin pa rin ito kahit sira na." mahabang paliwanag niya na ikinagulat ko.
"Good job miss ice cream. Keep it up." nakangiting pahabol niya at dali dali ng umalis sa harapan ko.
Whoah. I didn't expect that one. He's good at giving advices. Tho, he's right. Minsan nabubulag na lamang tayo sa magagandang bagay at hindi na natin nabibigyan ng pansin ang ibang dahilan para magpatuloy sa buhay. Maraming kabataan ngayon ang sa magagandang bagay na lamang bumabase at hindi na sa pangit na bagay. Dahil ba sa pangit na ito? Dahil sira na? Dahil may flaws na? O dahil sa ayaw lang nilang madagdagan ang problema nila kaya ganoon na lamang? Bago pa man lumalim ang nasa isip ko ay naglakad na ako patungo sa classroom ko at saktong pagkaupo ko ay ang pagdating ng instructor namin.
"H-hey, i saw you kanina talking to the super poging guy. What's ya name?" pabulong na wika ng aking katabi at may malawak na ngiti sa kanyang labi. Napaka amo ng mukha niya at hindi mo aakalain na ganoon siya magsalita.
"H-ha? Ako ba?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Hala siya, may iba pa ba us na kaupo here?" maarteng sambit neto at tinitigan ako.
"Wala naman. I'm Rose Montemore. Ikaw ba?" kalmadong sagot ko sa kanya.
"Whoah, rose as in flower? I'm Ashley Voldemort. So friends na us ha? Huwag kang hihindi kundi kakalbuhin kita or magmumukmok ako sa gedli. Sige ka. Charing HAHAHA" nakangising sabi niya.
Tumango na lamang ako bilang tugon at ngumiti pabalik sa kanya. Makikita mo sa mukha niya ang saya subalit kung oobserbahan mong mabuti, may emosyong nakatago sa likod ng mga ngiti niyang iyon na siyang ipinagsawalang bahala ko na lamang.
"Yehey, may bestfriend na ako kaagad. Thank you Rossy!" magiliw na sabi pa neto at tumingin na sa harapan para makinig ngunit ako ay nanatiling nakatitig sa kanya. May maamo siyang mukha at makikita mong galing sa mayamang pamilya dahil sa suot netong branded na damit, bag at ang kanyang pabango. Amoy mayaman. Mukhang sophisticated at elegante ngunit kung magsalita ito ay parang nakikipag usap lang sa taong nakatambay sa kanto. Mukhang magkakasundo nga kami.
Dumaan ang maghapon na magkasama kami ni Ashley at hindi na ako tinantanan ng bruha. Kagaya na lamang ngayon na nakayapos sa aking braso at nagdadaldal habang naglalakad kami palabas ng paaralan.
"Rossy, nandito na ang sundo ko. Ikaw ba? Want mo sumabay? Hatid ka na namin." tanong niya habang nakayapos pa rin sa braso ko.
"Ah, hindi na. Magjejeep na lang ako." tanggi ko at inalis ang nakayapos niyang braso.
"Hoy bruha ka, akala ko ba friends na us? Why mo hinihindian ang offer ko sayo ha?" maarteng sabi niya.
Sasagot pa sana ako pero may tumawag sa pangalan ko.
"Love..... Rose!"
"Ay halla ka.... Knows mo ba yan? Ang pogi gurla." nakangiting sambit ni Ashley at tiningnan ang lalaking papalapit sa amin.
"Ah. Oo. Asawa ko." mahinang sagot ko.
"Ah asawa mo naman pala..... akin na- WHAT? ASAWA MOOO?" gulat na sambit niya.
"Hahaha. Kalma ka gurla. Akin yan. Ako lang 'to hoy!" natatawang sambit ko.
"Legit ba? Asawa mo? Akala ko single and ready to mingle ka?" sabi niya na siyang dahilan ng pagtawa ko.
"Sorry Ashy, taken na ako eh. Huwag ka na sad, hanap na lang us ng boylet na puwede sayo." nakangising sagot ko sa kanya.
Magsasalita pa sana siya pero nakalapit na si Zedd sa amin at inakbayan ako.
"Aaaaah, Ashy, this is my husband Zedd. Love, this is Ashy, my friend." pakilala ko.
"Anong friend ka diyan? Bestfriend kaya tayo!" nakangiting sabi ni Ashley at nakatingin sa asawa ko.
"Hi, I'm Zedd Mendez. Rose's husband." sabay lahad ng kamay at nakangiti.
"Ashley Voldemort is the name. Nice to meet you." sabay abot sa kamay ng asawa ko at may malawak na ngiti.
"Sige ha, alis na kami ng sundo ko. See you tomorrow Rossy!" paalam niya at pumasok na sa sasakyan.
"Let's go love? How's your first day?" sabi ni Zedd sabay aya sa akin sa saksakyan niya.
"Okay naman. May kaibigan na ako kaagad. Mukhang magkakasundo kami kaagad." masayang sabi ko sa kanya at pumasok na sa sasakyan.
First day was good. Hoping magtuloy tuloy na ganeto na.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...