Chapter 25 - Flashback (Is it Goodbye?)

4 1 1
                                    


Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Nasa hospital ako. Ramdam ko ang panghihina. Ramdam ko ang pagod. Ayoko na yatang mabuhay. Parang gusto ko na lamang humimlay. 

"R-rosas,.... you're awake?" tinig ni Zedd na siyang pagbalik ko sa huwisyo. 

Tinitigan ko lamang siya at iniiwas ang aking paningin. 

Muling nanumbalik sa aking isipan ang mga sinabi sa akin ni Mommy kagabi. Ang iba't ibang emosyon ay muling umusbong sa aking puso. 

"Why her?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. 

"R-rosas… . "

"Did you expect na babawiin kita sa kanya? Did you expect na lalaban ako?" tanong ko pero umiiyak na. 

"Rose… ."

"Ako yung nauna pero hindi ako ang pinili mo. Ako yung nandito pero binalewala mo ako. What do you expect? Magpapaganda at magpapaka sexy ako para sa iyo?" umiiyak na palahaw ko sa kanya. 

"Please, rose, wag namang ganyan o. Kakagising mo pa lang." subok niyang pampakalma sa akin. 

"Ang daya mo naman e. Napaka daya mo. I begged, right? I begged for you to stay with me. Alam mo yun. Mahal na mahal kita pero ang sakit mo namang mahalin Zedd. Napakasakit mong mahalim to the point na pagod na pagod na ako. Inubos mo ako Zedd. Pasensiya na pero marunong rin akong mapagod. Hindi ako kagaya ng ibang babae na magpapakamiserable dahil lang doon. Tandaan mo, ako si ROSAS Montemore. Babae ako. At hindi basta babae lang! Hindi isang asawa lang! Tao ako! Marunong mapagod at sumuko hindi dahil lang sa hindi pinili at binalewala, kundi para akong isang rosas. Tinatanim, inaalagaan, namumulaklak, at maganda sa paningin. Pero tandaan mo ang rosas pag nalalanta, may posibilidad na mamatay at mabubuhay ulit. Hindi ako yung basta basta namamatay. Babangon at babangon ako kahit gaano pa ako nasasalanta. Kagaya na lamang ng pag ibig ko sa'yo, kaya kong ipaglaban ito hanggat kaya ko. Kaya kong manatili kahit ang daming rason para bumitaw. Pero ngayon? Inubos mo ako Zeddy, lahat ng pagmamahal ko napunta sayo at wala ng natira sa akin. Wala ng natira para sa sarili ko. " alam kong sobrang sakit na ng mga binibitawan kong salita pero hinayaan kong ilabas lahat ng 'to. Pinagsusuntok ko na ang dibdib niya habang sinasabi ang mga salitang yun. I can't handle it anymore. Sasabog na yata ako. 

"I'm sorry… please… . I'm sorry… ." paulit ulit na mga katagang sinasabi niya habang inaalo ako. Sorry? Mga salitang hinihintay ko noong panahong handa akong kalimutan ang lahat para sa kanya. 

"Pagod na ako Zedd. Pagod na pagod na." usal ko na nagpatigil sa kanya. 

"N-no love… . Please…" nagsusumanong wika niya. 

"Tama na Zedd. Please? Ito naman ang gusto mo hindi ba?" mahina at paos kong pakiusap. 

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at umiling iling. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Inalis ko ang suwerong nakalagay sa kamay ko at dumugo ito. Inayos ko ang suot kong hospital gown at tumapak sa semento ng nakayapak. Tiningnan ko si Zedd na sinusubukang yakapin ako at tinatakpan ang dugo sa kamay ko. Lumakad ako paatras at umiling sa kanya na nagsasabing tama na. 

"Habang nasa ere ako, habang hindi ko alam kong saan ang direksyon na dapat kong tahakin, habang nasasalanta ako, someone catched me. He saved me. Someone took care of me. Someone help me to rise and to bloom again. Someone loves me. Na hindi mo nagawa o ginawa. I'm sorry. But for now,maybe, let's take some rest for awhile. I need to breath some fresh air. I need some natural fertilizer." humihikbing wika ko. 

Sinubukan ni Zedd na lumapit sa akin ngunit isinenyas ko sa kanyang huwag na. 

"Hindi ko na kaya Zedd. Itigil na natin ito. Pagod na pagod na pagod na ako.I'm going home. Please take care. If I'm able to survive as a rose, maybe we will meet again. Hanggang sa muli Zedd. Please be a good father and a good husband to them." mahinang saad ko at tumalikod na para lumabas. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon