Chapter 4 - Flashback (The Scenario)

10 3 4
                                    


A-ano raw? Ako makalat, kumain?
Hindi ko pinansin ang nakalahad na kamay niya.
Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang aking cellphone.

S-shit! Kaya pala pinagtitinginan ako. Daig ko pa ang bata kung kumain ng ice cream. Kitang kita ko ang ice cream na naka kalat sa pagmumukha ko, pati pala sa tuktok ng ilong ko meron din.
Habang kinakalkal ko ang aking bag para kumuha sana ng tissue ay wala akong mahanap. Asan na ba iyon? Kainis naman. Hindi ko ba nailagay?

"Miss nangangawit na ako oh. Kukunin mo ba o baka mas gusto mong ako na ang magpunas ng mukha mo?" Nang iinis na sabi sa akin ng lalaki.

Hindi ko alam kong namumula ako dahil sa inis o dahil sa sinabi ng lalaki. Rinig na rinig ko pa ang pagpipigil niya ng tawa. Dali-dali kong kinuha yung panyo tsaka ako tumayo patungo sa CR para linisin ang ice cream na kumalat sa pagmumukha ko. Saktong pagkalabas ko ay sakto namang papasok na si Dra.

Bumalik ako sa puwesto ko kanina at hinintay kong tawagin ang pangalan ko.

"Ms. Montemore, ikaw na.." Sabi nong lalaki at agad ding pumasok.
Pagpasok ko ay ang nakangiting mukha ni Dra. Martin ang bumungad sa akin.

"You're alone again Rosas. Ganun na lang ba kabusy si Zedd at hindi ka niya masamahan?"

"Eh. Ganon po talaga siguro pag graduating na Tita. Yung thesis na lang ang iniisip at kung paano makapasa lalo na't nag iisang anak lang siya"

Yes. Tita daw ang itawag ko sa kanya kasi tita raw siya ni Zedd.

"Siguro nga iha. Anyway, wala ka pa bang nararamdamang sumasakit sa iyo?"

"Wala pa naman po tita. Kayang kaya ko pa po maglaba ng marami"

Pagkasabi ko nun ay nawala ang kanyang mga ngiti.

"I told you to rest and relax. Malapit ka ng manganak. Iwas iwas muna sa mabibigat na trabaho. O sige na, humiga ka na"

Pagkatapos akong i-eksamine ni Dra. ay pumunta muna ako sa Cafe na pinagdedeliver'n ko ng cookies ko.

Pagtapak ko pa lang sa bungad ng Cafe ay rinig na rinig ko na ang nakakaindak na kanta. Kung hindi lang siguro ako buntis ay nakikisabay na rin ako sa kanta. Ahhh. Namimiss ko na ito. Namimiss ko ng sumayaw.

"ROSAS! Nandito ka na pala, kanina ka pa inaantay ng date mo."

Ha? Date?

"Anong date ang sinasabi mo dyan Nina? Nandito ako para kausapin si ----"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may marinig kaming sumigaw.

"BAaaabe! Sorry. Katatapos lang ng klase ko."

Malakas na sabi ng babaeng tumatakbo papunta sa taas. Habang sinusundan ko nang tingin ang babaeng tumatakbo ay parang tumigil ang mundo ko sa nakita ko.

Yung babaeng tumatakbo, yung babaeng sumisigaw, yung babaeng sinusundan ko ng tingin ay may kahalikang lalaki. I mean may kiniss na lalaki. Hindi sa pisngi. Hindi sa noo. Hindi sa ilong. Kundi sa labi. Hinalikan niya sa labi yung lalaki. At ang nakakagulat, hindi man lang nagulat yung lalaki bagkus ay humalik ito pabalik.

Ahhh. Kaya pala. Kaya pala sinabi ni Nina kanina na may date ako. Na kanina pa naghihintay yung date ko. Ang akala niya siguro ako yung kadate. Ako yung dapat kasama niya. Ako kasi yung asawa, kaya dapat ako iyon. Kaso hindi. Hindi ako iyon.

Oo. Yung lalaking hinalikan ng babae ay ang asawa ko. Ang Zedd ko. Ang lalaking mahal ko.

Tang ina. Nakatitig lang ako sa kanila habang yakap yakap pa rin nila ang isa't-isa. Ang sweet nila tang ina. Tang ina talaga.

"Hindi ko alam kong tanga ka ba o masokista ka. Alam mo na ngang masakit, nanunuod ka pa rin. Alam mo na ngang masakit, nakatitig ka pa rin. Uso umiwas ng titig at lumayo."

Nilingon ko ang nagsabi ng katagang iyon. Ang lalaki kanina. Ang assisstant ni Dra.

Ibubuka ko sana ang labi ko para magsalita pero dumidilim ang paningin ko. Hindi dahil sa luha pero dahil sa hindi ko alam. Naduduwal ako. Ang baby ko. Ang anak ko. Diyos ko.

Kasabay ng pagkalapat ng katawan ko sa isang bagay ay ang rinig kong pagsigaw ni Nina at ng lalaki kanina.

"Rosas! Rosas! Dinudugo ka! Shit.! " rinig kong sabi ni Nina.

"Sh*t. Call an ambulance! Now!! " rinig kong sabi ng lalaki kanina.

Pero bago pa ako mawalan ng ulirat ay narinig ko ang boses ni Zedd na nagsasabing "Shit! Rosas! Noooo! Rosas! Be strong love, Please. I'm sorry! We're going to hospital. Please be safe."

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon