Chapter 9 - Flashback (Jasmine Tulips)

8 2 5
                                    


Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa Hospital ako.

"A-anak. Gising ka na! T-teka lang at tatawag ako ng doktor." Gulat na sabi ng aking ina.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay inilibot ko ang aking paningin. Pilit kong ibinabangon ang aking sarili pero hindi ko kaya. Masakit masakit ang buong katawan ko. Para akong nabugbog. Para akong --- wait! Ang anak ko. Nasaan si JT? Pinilit kong bumangon kahit nanghihina ako at masakit ang buong katawan ko, saktong nakaupo na ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si nanay at yung babaeng doktor.

"Ano ka bang bata ka! Bakit ka bumangon?" Sabi sa akin ni nanay habang lumalapit.

Pagkatapos akong i-eksamine ng doktor ay lumapit na ito kay nanay.

"Mrs. Montemore ayos naman na po siya. Kailangan lang po niyang magpahinga ng ilang araw. At ikaw naman iha wag na wag mong kakalimutang inumin ang mga gamot mo para gumaling ka na kaagad" sabi nito at lumabas na.

"M-ma. Nasaan ang anak ko?" Tanong ko kay nanay.

"N-naku anak. M-Magpahinga ka na lang muna h-ha?" Nauutal na sagot sa akin ni nanay.

"Ma. Please. Nasaan ang anak ko? Please naman oh. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya at pupuntahan ko siya" sabi ko sa kanya at nagpupumilit na tumayo.

"E-eh anak. Huwag ka ngang makulit. Ano ba! Huwag kang tumayo."

"Ma please. Sabihin mo sa akin kung nasaan si JT." Nagmamakaawa kong sambit sa kanya.

"Anak. W-wala na si JT. Wala na siya. I-iniwan na niya tayo." Mahinang sabi ni mama pero para sa akin, ang lakas ng pagkakasabi niya. Para akong tinatakasan ng bait ng marinig ko iyon sa kanya.

"M-ma. Alam kong April Fools Days ngayon pero huwag mo naman akong biruin ng ganyan. Please hindi nakakatuwa. " nanghihina kong sabi sa kanya. Hoping na sana joke lang iyon. Hoping na sana nakikisabay lang sa uso si nanay.

"A-anong April Fools Day ang sinasabi mo diyan?" Humagulgol si mama at niyakap ako. "Tatlong araw ka ng tulog. Kaya paano ako makikisabay sa April Fools Day na sinasabi mo?. Anak alam kong masakit, pero iniwan na tayo ni JT.".

Hindi ko alam kong anong gagawin ko pero niyakap ko si nanay at humagulgol. Ang anak ko. Buong magdamag, umiyak lang ata ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Kinabukasan ay puwede na akong lumabas. Wala kang makikitang bakas na umiyak ako magdamag. Nakangiti ako pero sa loob ko, ang sakit sakit na.

Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa kuwarto kung saang naconfine si Zedd. Gaya ko ay may benda rin siya sa mga kamay at may galos sa ibat ibang parte ng mukha at katawan. Naabutan ko ang mommy ni Zedd na naka upo. Umuwi na pala si nanay. May importante pa daw siyang aasikasuhin. Noong tulog pa daw ako ay sila na ni mommy ang umasikaso kay baby JT. Pinacremate nila pala ito at nasa bahay ng mga Mendez ang urn ni Baby JT. Kasing bilis ng pagdating niya sa aming buhay ang siyang bilis kung paano siya kinuha sa amin.

"What are you doing here?" Cold na sabi sa akin ni mommy.

Hindi ako umimik.

"Dapat ay sumama ka na sa nanay mong bumalik sa probinsiya. Wala ka ng ibang dinala sa pamilyang ito kundi puro kamalasan at sakit sa ulo. You should leave." Dahil sa sinabi neto ay napalingon ako sa kanya.

"W-what? Pinapaalis mo na po ba ako? At ako ang sinisisi mo sa nangyari kay JT? Wala kang alam .kaya huwag kong isumbat sa akin iyan " Sagot ko sa kanya ng may inis na tinig.

Not now. Huwag ngayon kung kailan nawalan ako ng anak. Huwag ngayon na nasasaktan ako.

"Why? Totoo naman di ba? It's your fault." Pagalit netong sagot sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Ang tagal ko ng nagtitiis po sayo. Mawalang galang na po Mrs. Mendez pero ngayon ko lang gagawin to at makinig kang mabuti. I know you hate me so much to the point na pinapaalis mo na ako sa pamilyang ito. Noong buntis ako, wala kang narinig ni kahit katiting mula sa akin. Kung paano mo ako pinahirapan at sinaktan emotionally. Tinapak tapakan mo ako noon na parang isang lantang bulaklak. At ngayon ito ang gagawin mo? Paalisin sabhuhay ni Zedd ? Ngayon makinig ka. Ngayon ko lang gagawin ito. Ngayon lang." Sabi ko sa kanya ng may pagalit na boses.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni mommy habang nagsasalita ako. Hindi niya inaasahang lalaban ako.

"Kawawala lang ng aking anak at ngayon pati asawa ko ipagkakait mo? Isa ka ring ina. Dapat alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon. Dapat sa oras na ito, ikaw ang higit na nakakaalam kung anong pinagdadaanan ko ngayon. Kasi isa kang ina. Alam mo yung sakit na mawalan ng isang anak. Paano pa kaya kung asawa na? Hindi ba at alam mo yung sakit na iyon dahil iniwan ka rin ng asawa mo? Huwag mo namang ipagkait si Zedd sa akin. Mahal na mahal ko siya. Nawala na sa akin si JT. Huwag naman pati siya. Ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito Mrs. Mendez pero hindi mo ako mapapaalis. Hinding hindi ko iiwan si Zedd lalo na't ngayon na kailangan niya ako. Ngayon na may nawala sa amin. Ngayon na kailangan namin ang isa't-isa." Mahaba kong sabi sa kanya at lumabas na.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng mga Mendez pero babalik na lang siguro ako sa hospital bukas. Sa ngayon, kailangan ko munang magluksa kasi bukas kailangan ko ng maging malakas sa paningin nila. May asawa pa akong umaasa. Hindi dapat ako maging mahina. Kailangan ako ni Zedd. Kailangan ako ng taong mahal ko. Nawalan na ako ng anak, huwag namab pati siya dahil hinding hindi ko kakayanin.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon