Chapter 1 - Flashback (The Revelation)

16 2 0
                                    

"What? Buntis ka?" Pasigaw na tanong ng aking ina.

Kasama ko ngayon ang aking boyfriend, si Zedd Mendez.

"Rosas, malapit ka ng grumaduate tapos ngayon sasabihin mong buntis ka? Is this a prank or what?" Tanong ni mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

"Ma, this isn't a prank. Im pregnant at si Zeddy ang ama." Sagot ko sa kanya ng malumanay habang nilalaro ni Zed ang mga daliri ko sa kamay.

Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni mama. Tila ba hindi pa rin nagsisink in sa kanya na buntis talaga ako. Napakurap pa ang kanyang mga mapupungay na mata at sandaling humugot ng malalim na hininga.

"P-pero ang babata niyo pa. Hay nako. Sinabi ko na sa inyo na huwag kayong magpadalus dalos hindi ba? Pero ano pang magagawa natin e nandiyan na iyan. Eh paano ka na niyan anak? " tanong niya ulit sa akin.

"Ma, napag usapan na po namin ni Rosas na titigil na muna siya sa pag aaral habang buntis pa po siya para iwas stress po lalo na't medyo maselan po siya. At titira po muna kami sa bahay. Okay naman po kina mommy" sagot ni Zedd.

"E-eh paano ang kasal?" Dama ko ang pagdadalawang isip ni inay sa tanong niya.

"E-eh 'ma, kung puwede po sana ay after ko na lang po mag aral at makahanap ng trabaho. Para naman po sana, mapaghandaan ko ang kasal na gusto ni Rosas. At tsaka sina mommy po ang nagsabi kasi. Para i-iwas eskandalo po sana ma" alanganing tugon ng aking nobyo.

"Ma, okay lang naman po sa akin yun eh. Ang importante po sa ngayon ay si baby. Para naman po maalagaan ko siya. At tsaka alam niyo naman pong sikat sa larangan ng negosyo sina momny, baka po magka gulo pa po kung nabalitaang ang kanilang nag iisang unico ijo ay may anak na" mahabang paliwanag ko kay inay.

Kita ko ang alanganing ngiti ni mama. Kita ko yung sakit na nararamdaman niya. Alam ko inay. Alam kong nasasaktan kayo hindi dahil sa buntis ako kundi sa kadahilanang, nagpapatapak ako ngayon. Kung sana lang ay hindi tayo mahirap. Kung sana lang ay puwede kong baguhin ang nararamdaman ko. Kung sana lang ay hindi ko ko siya mahal, pero mahal na mahal ko si Zedd inay. At handa akong gawin lahat para sa kanya at para sa anghel naming paparating.

Matapos naming kausapin si nanay ay nagpahatid na siya sa amin sa terminal. Uuwi na si nanay sa probinsiya. Samantalang ako maiiwan rito. Maiiwan sa impyernong pinasok ko. Maiiwan na namang lalaban mag isa.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon