Ang bilis ng oras. Parang kahapon lang ay kapapanganak ko pa lang. One month old na si Baby JT. At siempre, hindi mawawala ang celebration. Actually parang double celebration na rin siya kasi ipinagdidiwang na rin namin ang pagiging cum laude ng aming Zedd. Next week na ang graduation nila and excited na kaming manuod ni baby JT, siempre mas excited pa rin si mommy. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Ang unico ijo niya ay gagraduate na, cum laude pa! Magpapa party ata sila sa isang kilalang bar, bawal raw dito sa bahay kasi may baby. Bawal sa maingay. Bawal sa usok, siempre di naman siguro mawawala ang mga naninigarilyo. Siempre, more on lalaki ang imbitado kasi barkada nga sila ni Zedd. Perks of being a Mendez ika nga nila.Itong mga nakaraang araw, bumawi si Zedd sa amin. Or should I say sa akin. Laging nakabuntot kahit saan ako magpunta, kahit magdedeliver lang ako ng cookies sa Cafe. Habang nagbebake ako, inaalagaan niya naman si JT. Actually, siya pa nga itong nagpapaligo. Nagpaturo siya kay manang Dolor, ang nagsilbing yaya ni Zedd since baby pa siya. Minsan tinutulungan ako ni manang Dolor sa pagbebake ko and yes! Alam na ni mommy yung about doon. Noong una ay ayaw niya kasi baka mapabayaan ko daw si JT, pero nagpumilit ako. Yun na nga lang ang pinagkaka abalahan ko ipagkakait pa niya sa akin.
Simula nung dumating sa amin si Baby Jasmine Tulips ay naging magaan para sa amin lahat. Ang dating hindi kami nag iimikan ay hindi na ngayon pero nandun pa rin yung ilang. Nandun pa rin yung space. Nandun pa rin yung agwat. Pero who cares? As long as nagkakasama na kami. As long as hindi na kami nagkakalayo. As long as nagpapansinan na kaming lahat. Okay na ako dun. Masaya na ako doon.
Bilang isang nanay naman, nakakapagod pala. It's really hard pero masaya. Hindi man ako handa sa pagiging nanay pero it's worth it. Hindi naman sa lahat ng oras ay may kasama ka. Hindi sa lahat ng oras may nagtuturo kung anong dapat gawin. Being a mom is hard. Noong umpisa, punong puno ako ng takot. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Pero pag nandiyan na pala si baby, kusa ka na lang magiging isang nanay. Hindi biro ang pagiging isang ina, lalo na sa tulad kong 19 years old lang. Wala sa tabi ko ang nanay ko para magturo kong anong dapat kong gawin. Wala siya para magcomfort sa akin. Wala siya para tulungan ako. Ang hirap. Nakaka stres. Nakakalungkot. Pero isa lang ang natutunan ko sa pagiging isang batang ina. Hindi kailangang ituro sa iyo kung anong dapat gawin. Hindi kailangang ituro sa iyo kung ano ba talaga ang dapat gawin ng isang ina. Kasi kung nasa pwesto ka na, kung nasa posisyon ka na bilang ina, kusang magiging ina ka. Yung mga bagay na hindi mo alam gawin, kusang magagawa mo na lang bigla. Ano ba namang alam ng 19 years old na babae sa pagiging ina? Magmake up? Magpaganda? Mag selfie? Manuod ng k-drama? Magtiktok? Isa lang. Isa lang ang sigurado ako. Wala sa numero ang pagiging isang ina. Wala sa edad kundi nasa saiyo na iyon kung paano mo ito yakapin, kung paano mo ito tanggapin, kung paano mo ito isagawa. So don't judge ang mga batang ina kung bakit maaga silang naging isang nanay. Minsan nga mas matured pa silang mag isip para sa akin kaysa sa mga ibang dalaga diyan. Hindi isang kasalanan ang maging isang batang ina. Dapat natin silang hangaan dahil hindi madali ang maging isang ina.
Days passed at dumating ang araw na inaasahan namin. Graduation na ni Zedd! Kampay!
Nakakaiyak. Nakakaiyak na makita ang mommy ni Zedd na makitang umiiyak at masayang masaya habang kasama si Zedd sa entablado. Ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon. Ang mga mata niyang dati ay mapupungay ngayon ay kumikinang dahil sa saya. Isa lang ang sigurado ako. Marunong ring maging masaya ang isang Dorothy Mendez. Marunong rin siyang makiramdam tulad ko.
Ngunit ang kasiyahang nararamdaman ko ay biglang natuldukan. Ang pagdating sa amin ni baby JT ay siya rin kasing bilis ng pangyayari.
--------
Thank you for reading guyths.
So ano sa tingin niyo ang ang mangyayari? Comment na guyths. Malay niyo, doon ako kukuha ng idea para sa next chapter :)Hindi muna ako mag uupdate. Wait ko muna mga comment niyo (demanding) 😂😂

BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...