Nagpatuloy ang buhay para sa amin ni Zedd. Habang nagpapatuloy ito ay siyang ikinakalaki rin ng tiyan ko.Pumapasok siya sa school samantalang ako naiiwan sa bahay nila, na siyang ikinapasok ko ata sa impyerno. Alam ko namang bago pa naging kami ni Zedd ay hindi na ako gusto ng mommy niya. She hates me so much. Siguro dahil mahirap lang kami at hindi kami yung tipong kalevel nila. Alam ko kung gaano siya naiinis at nagagalit sa akin pero hindi niya ito pinapakita sa harap ng anak niya. She's a two faced b*tch too kagaya ng mga taong nakapaligid rin sa kanya. Sorry for the term for her, pero yun talaga siya, may pagkakahalintulad sa mga ugali ng mga college girl students, may pagka b*tch.Pag nakita mo siya for the first time ay aakalain mong hindi siya makakabasag ng pinggan. May itinatago rin palang kab*tchnessan. Habang tumatagal na nandito ako sa pamamahay niya ay lalo ata akong napaparusahan at nasasabihan ng kong ano ano. Ipinapamukha niya sa akin kong anong agwat namin sa buhay. Kapag pumapasok sa school si Zedd o wala siya ay siyang pag uutos niya sa akin ng kung ano ano. Pinapa alis niya ang mga kasambahay nila at ako ang gumagawa ng dapat ay ginagawa nila. Kapag hindi ako sumusunod ay hindi niya ako pinapakain. Kaya ko namang tumagal ng ilang araw na hindi kumakain kaso may baby na ako na dapat kong alagaan.
For seven months na nag i-stay ako dito ay ganun palagi ang ginagawa ko. Walang sinumang nagsumbong kay Zedd kung ano ang pinapagawa sa akin ng mom niya. Lahat tinitiis ko kahit na minsan ay sobrang pagod na ako. I tried to tell him kung anong nangyayari sa akin dito pero nakita ko kong gaano siya kabusy sa school. Lagi na siyang gabi kung umuuwi at pag umaga naman ay maagang umaalis. Parang may pumipigil sa akin na sabihin sa kanya ito. Alam ko kung gaano kamahal ni Zedd ang mom niya, ayaw kong mabahiran ang nakikita niyang imahe ng nanay niya. She idolized her mom so much to the point na lahat ng sinasabi ng nanay niya ay sinusunod niya except me ofcourse. Ako lang ang nagawa niyang ipaglaban sa harap ng nanay niya which is pinanghahawakan ko. Alam kong mahal na mahal niya ako at hindi gagawa ng kung anong kagaguhan. Kaso akala ko lang pala. Naputol ang aking pagmumuni muni ng may narining akong tumikhim na parang sinasadya.
Alas diyes na ng gabi at nandito ako sa sala ng bahay nila, nakaupo, hinihintay si Zedd.
Paglingon ko para alamin kung sino ang tumikhim ay nakita ko ang mom niya na nakatayo sa gilid ng sofa, nakatitig sa akin na parang galit."What are you doing here?" Tanong niya sa maotoridad na boses.
"A-ahmm. Hinihintay ko po si Zedd m-ma."
"Do you know kung anong oras na ha?"
"Alas diyes na po"
"So ano pang ginagawa mo dito? Dapat ay tulog kana sa ganitong oras. Alam mong buntis ka pero nandirito ka pa rin at nagpupuyat?"
"Hinihintay ko po kasi si Zedd. May sasabihin po sana ako sa kanya."
"Kung anumang sasabihin mo, hindi mo ba puwedeng ipagpabukas na lang? Gabi na. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak ng apo ko. Tsaka baka hindi na siya makakauwi ngayon. Nakasabay ko sila ni Marga na nagdinner kanina at inihatid niya ito. Nauna nq akong umuwi at baka doon na siya matutulog ."
"A-ah ganon po ba?"
"Yes. So you should rest. Mauna na akong umakyat"
"S-sige po. May aayusin lang po ako sa kusina at aakyat na rin po ako."
Akala ko tuloy tuloy na siyang umakyat pero tumigil ito at lumingon sa akin.
"And one more thing, pagkatapos mong manganak. Baka puwedeng umalis ka na. Alam mong ang apo ko lang ang habol ko sa iyo. Leave Zedd and my apo after it. Wala akong balak na pakasalan ka ng anak ko. Kung kaya kong pigilan ito ,pipigilan ko ito hangga't kaya ko." sabi nito at ipinagpatuloy ang paglalakad paakyat.
![](https://img.wattpad.com/cover/226580673-288-k829708.jpg)
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...