Chapter 3 - Flashback (The Patience)

11 3 0
                                        


Months passed at kabuwanan ko na. Nagpatuloy ang buhay pagkatapos kong sabihin kay Zedd ang mga katagang yun noong Anniv. namin. Hindi na namin ito pinag usapan pa. For the first time, sinaktan ako ni Zedd. At ngayon, ramdam ko nang nagkakalayo na kami ng sobra. Alam mo yung tipong nasa iisang bahay lang kayo pero hindi pa kayo magka usap. I tried to talk to him kaso napapadalas na ang hindi niya pag uwi sa bahay. Their kasambahay said na busy raw siya sa thesis nila kasi nga graduating na siya. I'm so proud of him kasi magbubunga na ang mga sleepless night niya at mga gabing gigisingin ako para magpatulong sa mga projects niya. After kong gagawa ng projects, tulog na siya. Maybe sa pagod? Minsan na rin akong naging estudyante at alam ko ang pagod at stress na dulot neto.

Sa bawat paglaki ng tiyan ko ay siyang pagpapahirap sa akin ng mommy niya. Lagi niyang sinasabi ang mga katagang binitiwan niya last time. Siguro kong weak lang akong tao, hanggang ngayon iiyak at ngangawa pa rin ako. Buntis ako, so anong eexpect niya? Ngangawa ako sa harap niya at magmamakaawa sa harapan niya? Hindi ako ganoong klaseng tao. Pinalaki ako ng mga magulang ko na alam kong paano rumespeto sa harap ng matatanda at mayroong dignidad.

This may sounds absurd, pero ngayong kabuwanan ko na, ngayon lang ata ako magcracrave sa mga pagkain. Okay? This is super weird. Haha. Ang weird maging buntis. I don't know na ganito pala yung feeling. Yung dapat pilihin mo kung anong pagkain ang dapat mong kainin para healthy si baby. Yung tipong matulog ka ng may gap na isang oras bawat pagtulog mo. Yung iihi ka ng after ng 30 minutes ata? Paulit ulit na ganon. Yung gigising ako ng madaling araw para umihi pero you know what is weird? Yung makikita ko yung mom ni Zedd na nasa sala umiiyak habang hawak hawak ang isang picture frame. Yep! I saw her crying not only once but maraming beses na. Tapos kinabukasan, balik sa pagiging b*tch ulit si mommy. Ooops!

Hindi kami nagpa ultrasound para may thrill. Yung naiipon kong pera, yun yung pinambibili ko ng mga gamit namin ni baby. Nagtataka kayo siguro kong saan ko nakukuha yung ipon ko,nagbebake kasi ako ng cookies, na siyang galing sa binigay ni nanay sa akin na allowance ko dapat noong nag aaral pa ako. Nagbebake ako pag wala yung mommy ni Zedd at tinatago pansamantala sa room ko. Pag mamalengke na ako, doon ko siya binebenta. Hindi ko alam kong suwerte ba talaga ako kasi may nahanap akong cafe na siyang namamakyaw sa mga tinitinda ko. Dahil doon nakakaipon ako. Wala akong ibang aasahan kundi sarili ko. Ayaw kong humingi ng pera kay Zedd kasi mukhang busy na siya sa mga requirements niya sa school. Ayaw ko ng dagdagan pa ito. Ayaw ko siyang mamroblema dahil lang sa akin. This past three months, nakakalimutan na ata ni Zedd ba dapat ay sinasamahan niya ako sa monthly check up namin ni baby. Baka super busy na siya kaya't nakakalimutan na niya ito. Kaya mag isa akong pumupunta. Gaya na lang ngayon na kabuwanan ko na. Nandito ako ngayon sa clinic ni Dra. Sandra Martin. She's my Ob-Gynecologist. Nirefer siya sa amin ni mommy.

Habang hinihintay ko si Dra. ay naka upo ako ngayon at nilalamutak ang isang gallon na icecream. Napapatingin sa akin yung ibang soon to be mommies pati na rin yung assistant ni Dra. na lalaki. Wala akong paki alam. Ngayon lang ba sila nakakita ng buntis na kumakain ng ice cream? Isusubo ko na sana ang panghuli kong subo pero may kumalabit sa akin.

"Ahmm, heto panyo oh, medyo makalat ka kumain Ms. Montemore ." sabi sa akin nung assistant ni Dra. habang nakalahad ang kanyang kamay sa harap ko.

R O S A SMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon