Chapter 24 - Flashback (The Decision)

3 0 0
                                    


Nang hindi ko mahanap si Jasper ay lumabas na ako sa classroom at naglakad palabas. Pumunta akong library ngunit wala siya roon. Saan ko ba siya dapat hanapin? Nagmamadali ako, hindi sigurado sa kung saan patungo, hanggang sa may mabunggo ako at naamoy ko ang pamilyar na pabango. 

"Running again?" mahinang tanong niya sa akin. 

Itinaas ko ang tingin ko at tiningnan ang taong nagsalita kahit kilala ko naman na ito. Akmang hahawakan ko sana yung kamay niyang napaso ng sabay kaming natigilan dahil may tumawag sa akin. It was Zedd, together with her. They were running as if they were chasing someone. Napatingin ako kay Jasper, nakikiusap gamit ang aking mga mata at tila naiintindihan naman niya ang nais kong iparating. 

"Pinapatawag ka ni Sir Rodriguez, sama ka sa akin." sabi niya at naglakad na. 

"Sige. Susunod ako kaagad." sagot ko sa kanya at lumingon pansamantala sa dalawang taong nasa likuran ko.

"Bakit magkasama pa rin kayo?" tanong ko sa kanila na ikinagulat nila pareho. 

"I a–" 

"Uhm–"

Nag uunahan nilang sagot kaya pinutol ko sila at sinabi ang dapat sabihin. 

"Well, I'll get going na. Pinapatawag daw ako ni Sir Rodriguez. Late ka na love, you should get going too."nakangiting wika ko at lumapit sa kanya para halikan ito sa labi. Napa atras si Ashley dahil sa ginawa ko. Ramdam ko ang pagkabigla nilang dalawa. 

" You too, Ash. Pasok ka na." sulyap ko at nginitian siya. Naglakad na ako patungo kay Jasper at sabay kaming pumunta kay Sir Rodriguez. 

"Akala ko joke lang yung kay Sir Rodriguez?" tanong ko kay Jasper ng makalabas na kami sa opisina ni Sir. 

"Hindi a. Papasok na ako kanina nung pinatawag niya tayo kaso wala ka pa kaya ako na lang muna ang pumunta." sagot niya sa akin. 

"Pinatingnan mo na ba ang kamay mo?" 

"Oo kanina. Sa Clinic. By the way, congratulations Rosas. Gagraduate na, cumlaude pa. Anong balak mo?" may galak sa boses neto na para bang nagmamalaki. It was new to me. This feeling. Ang saya pala na may isang taong nakikita ang halaga mo kahit hindi mo na kailangan pang manghingi ang atensiyon mula sa kanila. 

Ipinatawag kami ni Sir Rodriguez dahil sa nalalapit na graduation namin at bilang kasama sa mga scholars niya ay masaya niya kaming binati at nagbigay ng offer sa amin. Gagraduate na pala ako. Ano nga bang balak ko? Ilang buwan na ba akong nasa ganetong sitwasyon? 

"Balak kong maglakbay sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Doon sana sa malamig para naman maging kalmado ako kahit papaano. Ikaw ba?" nakangiting tanong ko. 

"Ako? Siguro babalik akong Tagaytay." sagot niya na nagpalingon sa akin sa kanya. 

"Babalik kang tagaytay? B-bakit?" tanong ko ulit. 

"Gusto ko sa mapayapang lugar Rosas. Yung makakahinga ako araw araw at walang iniisip na problema." sagot niya na nanatiling nakatingin sa akin. 

"Gusto kong mahanap mo na ang sarili mo Rosas. Gusto kong makita mo ang halaga ng sarili mo. Hindi yung palagi ka na lamang lumalaban pero sa huli, talo naman. Gusto kong maging malaya ka. Gusto kong makita ang bawat ngiti mo na walang halong luha. Gusto kong makamit mo ang happiness na deserve mo. Learn to let go Rosas lalo na kung sobrang bigat na at hindi mo na kaya. Just because you're strong enough to handle the pain doesn't mean you deserve it." sunod sunod na wika niya ulit at halata sa boses niya ang senseridad. 

Ngumiti ako sa kanya pabalik. Kinontrol ko ang mga luhang nagbabadyang mahulog. 

"Am i ready? Kaya ko kayang gawin yun?" tanong ko sa kanya. 

"Kaya mo. Kayang kaya mo. Natatakot ka lang. Natatakot ka sa pwedeng maging resulta. Huwag mong isipin ang resulta hangga't sarili mo ang involved. Unahin mo ang sarili mo bago iyon. Para saan pa at ikaw si Rosas?" saad niya na unti unting nagpapagaan sa loob ko. 

"Alam ko ang lugar ko. Hindi ko tatawirin ang linyang nakaharang sa ating dalawa. Alam kong ramdam mo rin ang kung anong nararamdamam ko para sa iyo. Okay na ako run. Sa oras na 'to, huwag ako ang isipin mo. Isalba mo muna ang sarili mo Rosas. Masaya na akong makita kang masaya at hindi na umiiyak." sambit niyang muli. 

"Salamat. Salamat Jasper." tanging nasabi ko na lamang dahil anumang sandali ay mahuhulog na ang mga luha ko. 

"Tara kape?" aya niya ngunit umiling ako.

"Masarap magkape lalo na kung ikaw ang kasama. Pero baka sa susunod na lang ulit?" wika ko na nagpatanggo sa kanya at nagpangiti. 

Tumanggo din ako bilang tugon at naglakad na palayo sa kanya. Jasper may be my comfort zone but at the end of the day he will still choosed to let go of me. He may be my rainbow after the rain but at the end mawawala rin pagkatapos ng ilang oras. That was him. Ang taong bigla biglang sumulpot sa buhay ko pero mas pipiling makita ang kasiyahan ko.

Hindi na ako pumasok sa klase at umuwi na. Alas onse na pala. Umupo ako sa aking kama. Nag isip. Sinariwa ang mga ala ala kung paano kami nagkakilala ni Zedd at kung paano kami nag umpisa. Nakakatawang isipin na umabot kami ng ilang taon bago umabot sa ganetong sitwasyon. Dapat ba akong magpasalamat na hindi kami kasal o dapat akong madismaya dahil wala akong papel na maisasampal sa mukha ng babaeng yun na pag aari ko si Zedd. I was so much in pain. My anxieties and insecurities were attacking me. Sinubukan kong kontrolin ang nararamdaman ko kaso ay hindi ko kaya. Nilalamon ako ng mga ito na para bang unti unti na akong pinapatay sa sakit. Rosas, you need to take a break or else you might snapped, bulong ko sa sarili ko. Hinayaan kong mapagod ako. Hinayaan kong lamunin ako ng kalungkutan hanggang sa makatulog ako. 

Alas onse. Alas onse ng gabi ng muli akong magising. Lumabas ako para tingnan kung umuwi na ba si Zedd. Wala. Walang Zedd na umuwi. Napatawa na lamang ako at naglakad papuntang sala kung saan nandoon ang picture frame na palaging iniiyakan ni mommy. Paupo na ako ng mahagip ito ng paningin ko. Curiosity strikes. Nilapitan ko ito at tiningnan. May isang batang lalaki na yakap yakap ng isang lalaki at isang babae na nakatingin sa kanila habang nakangiti. It was mom and Zedd but the guy in the picture was not Zedd's father.

"What are you doing?" isang tanong na nagpagulat sa akin at muntikan ko ng mabitawan ang hawak na picture frame. It was mom.

"P-pasensiya na po, napadaan lang–

"Bakit hindi ka pa tulog? Anong oras na a." putol niya sa sasabihin ko dapat.

"Kakagising ko lang po 'my." sagot ko na lamang sa kanya.

Tinitigan niya ako at naglakad patungong sofa para umupo. Tinapik niya ang tabi niya kaya naglakad ako at umupo din. 

"Rose, bakit mo mahal ang anak ko?" tanong niya na ikinagulat ko. 

"Dapat po ba may rason para masabing mahal mo ang isang tao?" tanong ko pabalik sa kanya. 

"Hindi. Wala naman." sabi niya at may kinuha sa bag niya. Mga litrato. "Tingnan mo ang mga litratong yan at kapag nakita mo na, sabihin mo na mahal mo pa rin ang anak ko." wika niya. 

Nanginginig man ang mga kamay ko ay inabot ko ito. Inisa isa ko ang mga litratong iyon. May sing sing at bahay. 

"That was supposed the day na magppropose siya sa iyo." sabi niya sa akin at nabigla ako sa sinabi niya. 

Sunod na littrato ay ang araw na nasa hospital siya. I knew this one. Ito yung araw na sinundan ko siya. 

"Kaso, nang araw na yun, nalaman niyang nakabuntis siya. You were there too. Ang araw na nahospital ka dahil sa overfatigue." sunod na sabi niya ulit at ramdam ko ang hilo at kirot na hindi ko maintindihan sa ulo ko. Ang kamay kong nanginginig ay nabitawan ang mga litrato. 

"The day na nag Batangas kayo, that was the day na dinugo si Ms. Voldemort kaya mas pinili niyang iwanan ka doon pansamantala. Pagbalik niya ay wala ka na. Buti at malakas ang kapit ng bata." kuwento niya. 

Ramdam ko na ang pagsikip ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko na ang sakit. Bakit niyo ako ginaganeto? Sobrang sama ko bang tao para saktan ako ng ganeto? 

"Ms.Voldemort is 5 months pregnant. Rosas, ngayon mo sabihin na mahal mo ang anak ko." madiin na wika niya pero hindi ko na nagawang sumagot pa dahil nawalan na ako ng malay. 

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon