Palabas na ako ng banyo ng makita ko si Zedd na nakangiting nakatayo sa tabi ng kama."Breakfast is ready, tara kain?" malambing na aya niya.
Tumanggo na lamang ako bilang tugon at itunuro ang damit na nakalapag sa kama.
"Magbibihis lang ako tapos susunod na ako sayo." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"L-love..." tawag niya sa akin.
"H-hmmmn?" mahinang bulong ko habang pinupulot ang damit na dapat ay susuotin ko.
I was hesitant at first kung magbibihis ba ako sa harapan niya o hindi pero mas pinili ko ang una. Ano pa bang dapat kong ikahiya? Nagka anak na kami lahat lahat, ngayon pa ba ako mahihiya? Unti unti kong inalis ang pagkakabuhol ng tali ng aking roba at lumingon sa kanya kasabay ng pagkahulog ng roba sa lapag. Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa aircon dahil tanging underwear na lang ang suot ko ngunit isinantabi ko ito.
"I-i.. W-what are you d-doing?" utal utal na wika niya.
Naglakad ako palapit sa kanya at ngumiti. Kitang kita ko ang paglunok niya at ang paggalaw ng kanyang adams apple.
"Want to have a breakfast with me?" malawak ang ngiting tanong ko sa kanya.
"W-well..."
"Now go downstairs and wait me there Zedd. Magbibihis na ako." putol ko sa sasabihin niya. Ayokong makarinig ng rejections ngayon.
Napaubo siya dahil sa sinabi ko at dali daling umalis sa aming kuwarto.
Ganeto din ba siya inakit ng babaeng gusto niya? Well... maybe I am wrong. Kasi kung ganeto man, madali niya sanang nahanap ang daan pauwi sa akin pero hindi e. Kumawala ang tawang kanina ko pa gustong pakawalan kasabay ng pag agos ng luha sa aking pisngi. Ang pag iwas ng kamay niya at tingin sa akin kagabi.. Ang hindi niya pagsagot sa katanungan ko kung mahal niya ba ang babaeng yun.
What do you think you're doing Rosas? This is not you. Sabi ko sa sarili ko at nagbihis na."Tara? Labas tayo?" sabi niya habang kumakain kami. He's smiling pero ramdam ko ang pamemeke niya rito. Pilit kong nilunok ang kanina ko pang nginunguyang pagkain.
"Inaaya mo ba ako ng date Zeddy?" tanong ko rito ng nakangiti at walang halong kaplastikan.
"W-well yes. Kung papayag ka total wala ka namang klase today. Malapit na rin pala ang graduation mo." mas mahinahon na ang pagkakasabi niya at mukhang gumagaan na ang atmospera ang sitwasyon.
"Kung ganon, tara. Saan tayo?" tanong ko na may bakas na excitement.
"Batangas tayo?" sagot niya sa akin.
"Sigurado ka ba? Ang layo ng batangas Zeddy."
"Oo naman. Dalian mo at aalis na rin tayo pagkatapos natin kumain." wika niya.
Pagkatapos namin kumain ay gumayak na kami papuntang Batangas. Habang nasa byahe ay nakahawak lamang siya sa aking kamay habang nagmamaneho. Buong byahe ay ganoon ang ginawa niya, aalisin lamang niya ang kamay niya kung may gagawin siya tapos ay ibabalik niya ulit ito.
Pilit kong isinantabi ang mga negatibong pumapasok sa aking isipan at iwinaksi ito. Pagdating namin sa Batangas ay dumiretso kami sa isang pribadong bahay na pagmamay ari nila kung saan matatanaw mo ang Bulkang Taal. Pinauna na niya akong pumasok dahil ilalabas daw muna niya ang mga gamit namin para dalhin sa loob ng bahay. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng marinig kong tumunog ang kanyang cellphone.
"I am busy today with my wife. Please don't call me." rinig kong sinabi niya.
Ngunit ng muling hahakbang sana ako ay narinig ko ang mga salitang gusto kong panghawakan.
"I want to stay with her. Please don't disturb me." iritang sambit nito sa kausap.
Stay? Ano nga ba ang tamang mararamdaman para sa salitang stay? Yun ba ay yung masaya kang nag stay siya dahil nagmakaawa ka o magiging malungkot ka dahil may taong nagstay kahit alam mong pilit lang ito o wala siyang choice?
I was in the balcony looking at the Taal when i heard his footsteps behind me. Nagmamadali ito at mukhang natataranta.
Pinakalma ko ang sarili ko at unti unting naramdaman ko ang kapayapaan dahil na rin sa ganda ng tanawin na nakikita ko. Ahh. Kapayapaan na siyang nagbibigay ng pag asa.
"R-rose... I-"
"Go. Just go Zedd." tanging nasambit ko na lamang at ngumiti. Pag asa na kahit saan tingnan, nandoon at karamay mo.
"I'm sorr-"
"Leave. I know I ask you to stay, but for now I want you to leave. Please leave and go to her." madiin kong sabi. Ramdam sa binitawan kong salita ang pait at sakit.
Dali dali itong umalis at rinig ko pa ang sasakyang pinaharurot niya.
Napangiti ako kahit ang sakit sakit na. Tumawa ako ng tumawa kasunod ang palahaw na gusto kong pakawalan. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa mamaos ako ng tuluyan. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko kaya napaluhod ako sa sementadong lapag habang nakatitig pa rin sa taal. Ang ganda niya. Ang ganda niya pero kagaya ko, nag iisa siya. Ang ganda niya pero kagaya ko, unti unti na rin siyang napapagod dahil sa pinagdadaanan rin niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko ang sarili ko sa bulkang taal sa oras na iyon. Alone. Pero nakakayang bumangon pa rin at lumaban.
Ilang minuto pa at ganun pa rin ang posisyon ko ng magvibrate ang cellphone ko.
Unregistered Number Calling... ..
"H-hello?" pabulong kong sabi.
"Rosas! Tara kape." rinig kong sabi ng pamilyar na boses.
"Si Jax parang timang. Inaaya mo ang may asawang babae na magkape kasama ka?" masungit na tanong ko.
"Inaaya lang naman kita magkape, masama ba iyon?" tanong nito na tumatawa.
"Oo." tanging nasagot ko na lamang.
"Arat na, malapit na graduation natin at mukhang dina tayo magkikita after nun."
"Wala ako sa bahay. Nasa Batangas ako ngayon." namamaos na sabi ko at pilit itinatago ang hikbi.
"Batangas? Ang layo mo naman. Pero sige, babyahe ako. Send me your location. Dedeliver'n kita ng pagmamahal." tatawa tawa nitong sambit.
"Namo parang gago. Huwag na. Gusto kong mag isa ngayon."
"Dali na, gusto kong magkape kasama ka." pilit pa niya.
"Jax... .. kape lang ba talaga?" tanong ko.
"Oo naman, alam ko naman kung saan ako lulugar." mahinang sagot niya.
"Sige.. Just for today. I'll wait you here." tanging naisagot ko na lamang at pinatay ang tawag para isend sa kanya ang location ko bago ko pinatay ang cellphone ko.
Pumasok na ako sa bahay at umupo sa sofa. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Nagising na lamang ako dahil sa lakas ng sigaw ng pamilyar na boses sa labas at mukhang kumakatok sa gate. Pupungas pungas pa akong naglakad patungo doon at binuksan ito.
"Kaya naman pala. Kanina pa ako sumisigaw dito. Akala ko maling bahay ang napuntahan ko. Yun pala ay tulog ka? Ang galeng. Pinatay mo pa ang cellphone mo. Dalian mo na, maghilamos ka na roon at aalis na tayo. " diretsong sabi niya.
Napakunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi niya. Akala ko ba magkakape kami?
"Hoy Jax, akala ko ba magkakape tayo?" nalilitong tanong ko.
"Oo nga. Dali na. Sa Tagaytay tayo."
"Tagaytay?" gulat na sabi ko.
"Oo, masarap ang kape doon. Kaya bilisan mo na." nakangiting sabi nya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
R O S A S
Teen FictionRose Montemore is just an ordinary girl who falls inlove with Zedd Mendez. She thought that being with him means home but what will happen if being with him means suffering and experiencing a lot of pain? Could she handle it? What if there will be...