Chapter 5 - Flashback (Jasmine Tulips)

6 1 0
                                    

Nagising ako na parang nanghihina ang buong katawan ko. Para akong binugbog. Parang sinipsip lahat ng lakas ko. Ahhhh. Bumangon ako at inilibot ang paningin ko. Nasa hospital ako. Shit! My baby! Ang anak ko.! Naalala ko na lahat. Ang pagtataksil ng lalaking mahal ko. Sh*t! Ang anak ko. Nasaan ang anak ko?

Saktong tatayo na sana ako ng bumukas ang pintuan, papasok ang mag-ina.

"You're awake. Mabuti naman at gumising ka na." Sabi ni mommy.

"May masakit ba sa iyo?" Tanong naman ni Zedd at lumapit sa akin.
"Where is my baby? Nasaan ang anak ko?" Tanong ko sa kanila pabalik.

"My Apo is fine. You should rest. Kapapanganak mo pa lang at nanghihina ka pa."

"No. I want to see my baby. Zedd, nasaan siya? Samahan mo ako papunta sa kanya." Pagpupumilit ko.

"Rosas, love, mommy is right. Magpahinga ka muna. Ipupunta rin siya ng nurse dito mamaya. May naisip ka na bang pangalan niya? Babae ang anak natin love."

Love? Tang inang love yan. Ganun ganun na lang yun? Umaakto siyang parang walang nangyari. Parang hindi ko siya nahuling nambababae. Tang inang love yan Zedd.

I just nodded and say "Jasmine Tulips."

"Jasmine Tulips then." Sabi niya at ngumiti.

Aww. That smile. I miss those smiles.

"I'm going. May importante pa akong meeting" sabi ni mommy at umalis na.

Awkward. Yun ang nararamdaman namin ngayon. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magtanong pero may pumasok. Ang nurse na nakatoka sa akin habang karga karga neto ang anak namin.

"Time to breastfeed her mommy, heto na si baby" sabi neto at maingat na iniabot si baby.

Kinuha ko naman siya at pinadede. Noong una ay hindi ko alam pero tinuruan ako nung nurse. Sobrang namumula pa ako sa hiya noong una pero noong marinig ko yung sinabi nung nurse ay parang nawalan na ako ng hiya.

"Alam mo mommy, marami na akong nakikitang ganyan. Araw-araw kaya huwag ka ng mahiya. Tsaka ano bang gusto mo? Magutom si baby?" Sabi neto at umalis na.

Habang nakatitig ako kay baby ay biglang lumapit sa amin si Zedd. Hinaplos neto si baby at parang natuwa naman ito dahil tumigil ito sa pagdede at tumawa. Hmmm. Daddy's girl siguro to paglaki.

After 2 days ay nadischarge na kami ni baby JT at diretso uwi na kami sa bahay nila Zedd.

Pagkauwi namin ay sinalubong kami ng isang matinis na sigaw.

"Anaaaaaak!" Sigaw ni nanay. Nakalimutan ata niyang may kasama kaming baby.

"Hey. Stop shouting! Baka magising ang apo ko!" Sabi naman ni mommy.

"Hey hey ka diyan. Apo ko rin yan uyy. Anak ko ang nagluwal niyan." Pang iinis na sagot ni nanay.

Hay naku.. Heto na naman sila. Nilagpasan na lang namin sila ni baby at pumanhik na kami sa aming kwarto na nakasunod sa amin si Zedd.

"Do you want to sleep? Ako muna bahala kay baby." Sabi nito pagkalapag ng mga gamit namin.

"Are you sure? Baka may gagawin ka pa."

"Ah. Wala na. Sige na. Magpahinga ka muna. Mukhang pinuyat ka ni JT kagabi aa"

Dahan dahan kong iniabot sa kanya si JT at iniiwasang magising. Ang sarap kasi ng tulog niya. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil nakatulog na ako. Pero bago pa ako hinila ng antok ay narinig ko ang sinabi ni Zedd.

"Come to daddy baby JT. Momma will take a rest first. Dadda muna ang bahala sayo. Okay?"

Pagkagising ko ay 6 P.M na.. Shemayy ganun ba ako kapuyat?

"Gising ka na anak. Alam mo dapat sanayin mo na ang sarili mo sa pagpupuyat. Dahil kahit anong oras pwedeng iiyak si baby para dumede sa gabi."

Hindi ko na kailangang lumingon pa dahil kilalang kilala ko na kung sino ang nagsalita. It's my nanay.

"Nangangayat ka na. Pinapahirapan ka ba nung gurang na yun ha?"

Pagkasabi nya nun ay lumaki ang mga mata ko gulat.

"Nay!" Ang tanging nasambit ko.

Tumawa naman si nanay dahil sa pagmumukha ko.

"Hey! Nanay mo ako. Alam ko kung kailan nasasaktan ang anak ko. Alam ko lahat. Anak kita. Ako ang nagpalaki sayo. Magpakatatag ka lang. Kaya mo yan okay? Ikaw si Rosas, a strong woman. Just look at the brighter side and everything will fall to the right place." Mahabang sabi nito at tumayo na palabas sa silid ko.

Pero bago pa siya makalabas ay napatawa ako sa sinabi na naman niya.

"Kain na tayo anak. Hinihintay na tayo ni gurang. Don't worry, makakakain ka ng marami. Ako kaya ang nagluto. Pina alaga ko si baby JT kay gurang. Umalis si Zedd, may problema ata sila sa cookies nila."

Cookies? Baka thesis. Si nanay talaga.

R O S A STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon