2

558 26 28
                                    

5 years ago
  

Sara's pov
 

Ilang buwan na lang ay graduation na namin naging busy kami ni karla sa mga  projects at homework sa school lately, kaya naisipan naming gumala ngayon para patanggal ng stress..

Nag usap kami na magkikita sa isang mall 7pm ang usapan pero dahil na traffic ako, 7:45pm na ako nakarating sa mall..

Nandito na ako sa loob ng mall hinahanap ang bestie ko, na kanina pa naghihintay alam kong magagalit sya dahil sobrang late na ako..

Agad ko syang nakita sa may music shop na tagpuan namin, malaki pa ang ngiti ko ng lumapit ako sa kanya..

"mabuti naman at naisipan mo pang siputin ako.." mataray na sabi nya at magkasa lubong ang mga kilay

"sorry na sobrang traffic kasi, nag text naman ako sayo di ba.."  pag lalambing ko saka umangkla sa braso nya

"tsee.. Bakit kasi di kana lang tumira sa condo ko, ang layo2x mo naman kasi.."  naiiritang litaniya nya

"alam mo naman kung bakit di ba?  Sorry naaa.."  lambing ko ulit saka sinandal ang ulo ko sa balikat nya

Narinig ko pa ang buntong hininga nya bago nagsalita..

"hay nako inday sara matitiis ba kita.."  sambit nya at ngumiti ng malawak

After naming mamasyal sa mall at kumain ay nag tungo na kami sa parking area dahil ihahatid nya raw ako, habang papalapit kami sa kotse nya ay nakarinig kami ng nagtatalo..

"don't leave me please.."  umiiyak na paki usap ng babae

"you've cheated on me Liza, and you expect me to stay with you.."  sigaw ng lalaki

Nagtataka naman kami ni karla kung sino at saan galing ang mga boses na yun, at dahil marites itong si karla ay hinila nya ako kung saan nanggagaling ang ingay..

"hoy! Ano ba.. Ano ginagawa mo?"  pabulong na suway ko sa kanya

"ssshhh titingnan lang natin kung sino yung nag aaway.."  mahinang sagot nya at dahan2x kaming nag lakad patungo sa pinang gagalingan ng ingay

Nang makita namin kung sino ang nag aaway ay nagtago kami sa isang sasakyan at pasilip-silip sa kung sino man ang magkasintahang iyon..

Si karla lang ang sumisilip habang ako naman ay nakaupo lang at magkasalubong ang kilay na hinihintay sya makipag marites..

"OMG!" gulat na wika nya

"what?"  i coldly asked

"tingnan mo bilis." pag aaya nya sakin pero umuling lang ako

"bilis na tingnan mo kung sino yung nagtatalo.."  pag kukumbinsi nya ulit sakin kaya napilitan akong silipin kung bakit nya ako pinipilit

Pag tingin ko ay nagulat ako sa nakita ko kung sino ang kausap ng babae..

"di ba crush mo yun si Marcos Jr.? "  mahinang tanong nya

"ssshhhh marinig ka.. Girlfriend nya ba yun?"   pabulong kong tanong

"oo ata ehh.." maikling sagot nya magsasalita na sana ako ng makarining kami ulit ng pagtatalo

"lets end this... We're over.."  sambit ni Marcos

"no please don't do this.."  umiiyak na paki usap ng babae

"we need to liza.. I saw you kissing another man you've cheated on me.. So lets end this relationship.."  galit na sabi ni Marcos

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now