Bong's pov
After ng birthday ni mommy sa Ilocos ay hindi na ako kinausap ni Sara, kahit magkatabi kami ay parang di kami magkakilala..I had to make a move para magkasama ulit kami..
Kaya naman pinuntahan ko ulit si Sir Padilla para maki usap na kami ni Sara ang dapat na magkasama sa thesis..
Mahabang pakiusapan ang nangyari pero sa bandang huli ay pumayag din sya, laking pasasalamat ko at nag 'oo' si Sir..
This is my last chance na makasama si Sara dahil after ng graduation ay aalis ako..
My Tito promise me to work with him in a cruise ship, kaya gagawin kong lahat para makasama man lang si Sara bago ang aming graduation..
Nang sabihin na ni Sir ang magiging partner namin sa thesis ay gusto kung ngumiti ng malaki, pero itong si Sara ay balak pang makipag palit..
Buti nalang at hindi pumayag si Sir kaya wala syang nagawa kung hindi pumayag nalang..
Pagkatapos ng klase namin ay agad akong umalis para ihanda ang sasakyan ko balak kong dalhin si Sara sa EK, I want to spend time with her..
Nang matanaw ko na sya na nakaabang sa labas ng gate ay agad akong nag maneho papalapit sa kanya, tumigil ako mismo sa tapat nya aalis pa sana sya pero ng lumabas ako ay halatang nagulat sya..
"get in.. We need to talk.." seryusong kong sabi at pinag buksan sya ng pinto
"ayuko nga... Kung tungkol sa thesis yan bukas na tayo mag usap bong pagod ako.." katwiran nya halata ko sa mga mata nya na pagod nga sya pero kylangan ko syang isama
"hindi tungkol dun.. Pasok na sabi sasama ka sakin.." madiing kung utos sa kanya at seryuso syang tiningnan
"luh! Bahala ka dyan.. Aalis nako.." pagmamatigas nya at aalis na sana pero hinawakan ko sya kaya napatigil sya
"sasakay ka ng kusa o pipiltin kita.." pamimilit ko pa
Lumipas muna ang ilang minuto bago nakapag desisyon si sara..
"ano na! Sakay na nga.." buryong na tanong ko tagal kasi mag isip
"oo na eto na!" padabog na sagot nya at parang may binubulong pa nga
Pinagsawalang bahala ko nalang ang mga sinabi nya saka pumunta sa driver's seat..
Pagkaupo ko ay nakita kong hindi nya kinabit ang seat belt nya..
"put your seat belt!" sambit ko
"no! Saan mo ba kasi ako dadalhin?" she's being stubborn now at parang ganon din ako but i need to keep calm
"malalaman mo rin mamaya kaya isuot mo na yang seat belt mo.." mahinahong pakiusap ko
Pero imbis na kumilos at mag suot ng seat belt ay hindi sya gumalaw sa kinauupuan nya habang naka crossed arms at naka nguso sa inis..
Kahit nauubos na ang pasensya ko sa kanya ay cute pa rin sya sa paningin ko..
" kalma bong mahal mo yan.." bulong ko sa sarili ko
"ano ba sara! Di tayo makaka alis nyan kapag di ka nag seat belt.." medyo tumaas na ang boses ko sa inis
"e di lalabas na la----"
Di nya natapos ang sasabihin nya ng nilapitan ko sya at kinabit ang seat belt nya, ramdam ko na para syang na estatwa..
Hindi sya nakapag salita habang kinakabit ko ang seat belt nya, mas lalo tuloy akong na aattract sa kanya..
![](https://img.wattpad.com/cover/327730931-288-k961975.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fiksi Penggemar"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa