Yuna's 6th birthday
Sara's pov
Today is Yuna's birthday at ngayon din namin sasabihin ni Bong sa kanya ang totoo, since the last time na nag punta si Bong dito sa bahay ay hindi na kami ulit nakapag usap..
Tinext ko lang sya kagabi kung anong oras ang party at nag reply lang sya ng 'okay', hindi na rin ako nag text ulit..
Yuna's party is 6pm at isang oras nalang mula ngayon ay mag uumpisa na ang party, pinaligo ko na si Yuna habang naligo na rin ako..
Habang nag aayos ako ay biglang may kumatok sa pinto ko..
"sino yan?" pasigaw na tanong ko
"babe its me!" sagot nito nakilala ko naman agad ang boses sa likod ng pinto
Kaya agad akong tumayo at pinag buksan ang kumatok sa pinto ko..
"hi babe!" bungad ko ng makita si Win na nakatayo sa bukana ng pinto
"your so pretty babe.." aniya
"bolero ka talaga.." nakangiting suway ko sa kanya
"totoo naman ah.." katwiran nya umiling na lamang ako saka lumabas na rin ng kwarto
Sakto namang pababa na ako ng hagdan ng lumabas na rin si Yuna sa kwarto nya..
"hi mama!" bati nito at yumakap sa bewang ko
"happy birthday my Princess.." sambit ko
"Thank you mama!" nakangiti nyang sagot
"Happy birthday Baby!" bati naman ni Win kaya agad na bumitaw si Yuna sa akin at lumapit ky Win sabay yakap
" thank you po Tito Win.." tugon ni Yuna pagkatapos ay sabay na kaming tatlo na bumaba ng hagdan
Nagpadala ako ng imbetasyon sa mga magulang ko, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila..
Halos taon2x kapag birthday ni Yuna ay iniimbetahan ko sila, pero hindi sila dumadating at hindi na rin ako umaasa pa na pupunta sila..
Pagbaba namin ay nandoon na at naghihintay ang pamilya ni Win pati na rin sila Karla at ang pamilya nya..
Kahit gaano ka busy ang mga magulang ni Karla ay gumagawa sila ng paraan para lang makapunta sa taonang birthday ni Yuna, ganon din ang mga kapatid at magulang ni Win..
Pagkatapos naming magbatian ay nagtungo na kami sa garden kung saan ang party, isa2x na ring nagsidatingan ang mga bisita ni Yuna..
Yung iba ay mga kaklase nya at yung iba naman ay anak ng mga staff's ko..
Hindi pa nagsisimula ang party pero pansin ko ang pag lingon2x ni Yuna sa paligid na para bang may hinahanap, kaya nilapitan ko sya kung saan sya nakaupo..
"anak kanina ka pa lingon ng lingon may hinahanap ka ba?" tanong ko
"mama is Tito Bong coming? I'm waiting for him.." malungkot na sagot nito
"he said okay to my text message but I don't know what time he will come.." sagot ko sa kanya bigla naman syang nalungkot sa sinabi ko kaya kinuha ko ang telepono ko para tawagan sana si Bong
"Happy birthday my beautiful Princess" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likod namin kaya agad kaming napalingon ni Yuna, it was Bong
"Tito Bong!" masiglang bati ni Yuna at tumayo para yakapin si Bong
Pagkayakap ni Yuna ky Bong ay agad nya itong kinarga at hinalikan sa pisngi..
"Akala ko hindi ka pupunta Tito Bong.." asik ni Yuna
![](https://img.wattpad.com/cover/327730931-288-k961975.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fanfic"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa