3

530 27 16
                                    

°°°°°°°°°
  
 

Simula ng araw na yun ay lagi ng sumasama sa amin ni karla si Bong, nahihiwalay lang sya kapag iba na ang subject nya...

Kasabay namin sya lagi sa lunch break at minsan naman ay hinahatid nya ako sa boarding house ko...

Kakaiba ang saya ko kapag kasama ko sya kahit kaibigan lang ang turing nya sakin ay masaya nako dun basta kasama ko sya...

Ngayong araw ay nauna na ako umuwi hindi ko na sya hinintay para ihatid ako dahil may part time job pa ako sa isang restaurant, hindi nya alam yun at ayaw ko ring ipa alam..

Pagka galing ko sa school ay deritso na ako sa duty ko, 3 years na rin akong working student naging independent na ako ayaw kong umasa sa mga magulang ko..

Hindi kasi maganda ang relasyon namin ng mga magulang ko gusto nila ay mag abogado ako, pero ayaw ko I choose business management dahil yun ang gusto ko...

Kaya dahil dun ay tinigil na nila ang pag suporta sa pag aaral ko, that's why nag working student ako..

Pagdating ko sa restaurant na pinag tatrabahuan ko ay deritso na agad ako sa locker room namin para maka pag bihis ng uniform ko..

After that nag time in na ako at nag umpisa ng mag trabaho, isa akong dishwasher dito pero kapag maraming tao at kulang ng waiter ay sinasabak din ako sa pagiging waiter...

Masaya naman ang trabaho ko kahit nakakapagod ay ayos lang, atleast sariling kung sikap ang perang ginagastos ko..

Ang duty ko ay nag sisimula ng 6pm hanggang 12am, kapag holiday season kasi tulad ng pasko ay nag eextend kami ng working hours..

Tama lang sweldo ko dito dahil scholar naman ako sa University kaya, itong sweldo ko ay pang pamasahe ko, pagkain, at bayad sa boarding house..

Alam lahat ni karla ang tungkol sa trabaho ko simula pa lang, sa kanya ako laging nangungutang kapag gipit ako..

2years na rin akong hindi umuuwi sa davao dahil sa galit ng tatay ko sakin, gustuhin ko man na umuwi ay nag dadalawang isip ako..

Kaya kapag summer break ay full hours ang duty ko sa restaurant, sa pasko naman dito lang ako sa boarding house mag isa umuuwi kasi ng davao si karla..

Mag isa kung sinasalubong ang pasko at bagong taon, kahit masakit at malungkot ay tinitiis ko dahil gusto kong patunayan sa tatay ko na kaya kung tumayo sa sarili kong mga paa..

Kaya kahit minsan hindi ako humihingi sa kanya ng pera kahit sa mama ko, ayaw kung masumbatan nila ako..

Hindi ko naman kasundo ang kuya ko dahil galit sya sakin sinisisi nya ako sa pagkamatay ng nobya nya dati, dahil sa isang aksidente..

Kaya ito ako mag isa walang karamay sa lungkot at sakit ng buhay, pero buti na lang at nandyan si karla sya ang naging kasangga ko sa mga pinagdadaanan ko..

12am na ng matapos ang duty ko kaya nag bihis agad ako at nagpa alam na sa mga kasama ko, agad akong sumakay ng jeep patungo sa boarding house ko..

Mabuti na lang at hindi traffic kaya wala pang isang oras ay nakarating na agad ko sa boarding house ko, pagka pasok ko ay nag bihis lang ako at humilata na sa kama sa sobrang pagod..
  
 
Kinabukasan
 
 
  Nagising ako sa alarm ng phone ko kaya pag mulat ko ay deritso na agad ako sa banyo para maligo at mag bihis, pagka tapas ay nag sapatos na ako di nako nag almusal dahil naubusan na ako ng bigas mamaya pa kasi ang sahod ko at itong pera ko ngayon ay sakto lang papuntang University  at sa trabaho ko..

Pa pikit2x akong sumakay ng jeep dahil inaantok pako, habang nasa jeep ay naka idlip pa nga ako mabuti na lang at sumigaw si manong driver kaya nagising at ako kung hindi lagpas na naman ako..

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now