28

457 36 26
                                    

Bong's pov
  
   
  
Weeks have passed after the operation medyo nakaka recover na ako..

After kong malaman na anak ko pala si Yuna ay napagkasunduan namin ni Sara na pwede kong dalawin ang anak ko kahit kelan ko gusto...

Kaya naman ngayon pupuntahan ko si Yuna para epasyal sya kung saan nya man gusto..

I already called Sara that I will take Yuna out, pumayag naman sya at sinabing sunduin ko nalang dw ito sa bahay nila..

Balak kong dalhin si Yuna sa Park para makapag enjoy kaming dalawa..

Hindi pa alam nila mommy ang tungkol ky Yuna dahil ayaw muna ni Sara, sa darating na birthday ni Yuna ay saka namin sasabihin sa kanya ang totoo..

Excited akong nag drive papunta sa bahay nila Sara dahil bukod ky Yuna ay gusto ko ring makita ang Ina ng aking anak, si Sara..

Pagdating ko ay kinuha ko sa backseat ang dala kong bulaklak para ky Sara at teddy bear naman ky Yuna..

Nag doorbell muna ako, di naman nagtagal ay pinagbuksan ako ng kasambahay nila kaya agad na akong pumasok at nag lakad papalapit sa pinto nila..

Huminga muna ako ng malalim dahil kinakabahan ako dahil magkikita ulit kami ni Sara ngayon..

Pinihit ko ang doorknob saka ngumiti ng matamis, para salubongin ng ngiti si Sara..

Pero pag pasok ko ay nawala ang matamis kong ngiti ng makitang sinubuan ni Win si Sara ng pagkain, habang abalang nakatingin sa laptop nito..

Bagsak ang balikat ko at parang nawalan ako ng lakas, hindi nila namalayan na nasa loob na ako ng bahay nila dahil pareho silang busy..

Na distract lang sila ng sumigaw si Yuna mula sa taas pababa ng hagdan..

"Titooo Booooong.."  sigaw nito habang nag mamadaling bumaba ng hagdan

Agad ko syang sinalubong dahil baka mahulog ito kagagaling nya pa naman sa operasyon..

"Careful baby.."  sigaw ko kaya napatingin sila Sara at agad na tumayo

Patalon akong niyakap ni Yuna ng magtagpo kami sa baba ng hagdan, niyakap ko rin sya ng mahigpit..

"I miss you Tito Bong.." malambing na sabi nya

Gusto kong maiyak sa oras na'to dahil sa sarap ng pakiramdam ko, na kayakap ang anak ko hindi pa man nya alam pero iba pala talaga ang feeling kapag niyakap ka ng anak mo..

Hindi ko man sya nakasama habang pinag bubuntis sya ni Sara hanggang sa ipanganak sya, ay babawi naman ako ngayon na magkasama na kami..

Lahat ng pagmamahal ay ibibigay ko sa anak ko, kahit kapalit pa ay buhay ko..

Pagkatapos ng ilang minutong pagkakayakap nya ay kumawala ito sabay hawak sa mukha ko...

"Tito why are you crying po?" tanong nya hindi ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko

Umiling lang ako bilang tugon sa kanya sabay sabing..

"nothing.. I'm just so happy seeing you smile.."  sagot ko

Agad pinunasan ng maliliit nya hinlalaki ang mga luha ko sa pisngi..

"don't cry tito I'm here to make you smile.."  malambing na turan nya

Hinawakan ko ang mga kamay nya na nasa pisngi ko at nginitian sya ng malawak..

"you're smile makes my heart melt.."  malumanay kong sagot at hinalikan ang tag isa nyang kamay pati na rin ang kanyang noo, at niyakap ko ulit sya

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now