15

447 33 34
                                    

Sara's pov
  
 

Halos araw2x kaming magkasama ni bong dahil narin sa thesis namin and araw2x din akong nasa condo nya, he told me than noone knows about his condo even his family..

Even if I want to ask why i just can't, i mean i don't have the guts to ask him..

Kung weekend naman ay nasa bahay nila kami sa makati, kasama namin minsan ang mga kapatid nya dahil laging busy ang mommy nya sa negosyo nila..

I still manage to go on my part time job kahit minsan ay gumagawa ako ng palusot ky bong para lang maka alis..

1 month more to go at graduation na namin, puspusan na ang pag aaral ko para sa thesis defense namin ni bong at sa darating na final exam..

"ano kayang mangyayari pagkatapos kong maka graduate?" tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa kesami

Nandito ako ngayon sa bh ko nag rereview dahil mamaya ay may duty pa ako...

"magkikita pa kaya tayo bong after ng graduation?"  tanong ko ulit

Sa araw2x na magkasama kami ni bong mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya, lagi nya akong pinagluluto kapag nasa condo nya kami..

Hatid sundo nya rin ako lagi tapos kapag pumupunta kami sa bahay nila inaasikaso naman ako ng mga kapatid nya, hindi ko na rin nakikita si liza na pumupunta doon iniiwasan din ni bong na pag usapan namin sya..

Kapag nagtatanong ako tungkol ky liza ay ini iba ni bong ang topic, kaya hindi na rin ako nagtatanong..

Tumayo na ako sa kama ko dahil bigla akong nagutom, pagdating ko ng kusina ay agad kong tiningnan ang cabinet ko kung may supply pa ba ako..

"pag minamalas ka nga naman.." bagsak balikat akong nagmamaktol dahil ubos na pala ang bigas at ibang imbak kung pagkain

Kinuha ko ang wallet ko dahil bibili nalang sana ako ng bigas sa tindahan, kaso pagtingin ko 100 nalang pala ang laman..

"kamalas jud nimu inday! Wa na kay kwarta, wa pa kay uyab!!"  sermon ko sa sarili ko sabay umupo sa bangko na kaharap ng lamesa ko

Narinig ko nalang na kumukulo na ang tiyan ko sa gutom, kaya napayuko na lamang ako sa lamesa..

Ilang minuto ang nakalipas ay naisipan ko nalang na maligo at maagang pumasok sa trabaho, dahil libre naman kami ng pagkain doon..

Papasok na sana ako ng banyo ng biglang may kumatok sa pinto ko, kaya nilapitan ko ito at binuksan..

"hi sara!"  bungad na bati ni win na may kasamang ngiti

"oh anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong

"dinalhan kita ng pagkain nagluto kasi si mama, sabi nya dalhin ko daw sayo.." asik ni win sabay angat ng paper bag na dala nya

"ay wow naman.. Sige halika pasok ka.."  nakangiti kong sabi saka pinapasok sya

Nilapag nya sa lamesa ang dala nyang paper bag at isa-isang nilabas ito, kukuha na sana ako ng plato ng biglang may kumatok ulit..

"sino kaya yun?" nagtataka kong tanong at nagtinginan kami ni win napa angat balikat naman si win dahil wala din syang idea kung sino ba ang kumatok

Kaya lumakad ako patungo sa pinto at binuksan ito, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang taong nakatayo sa harap ko..

"hello Sara.. I cook for you.." masayang bati nya habang pinapakita ang dala nyang paper bag na pagkain dw ang laman

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now