Sara's pov
Isang linggo na ang nakalipas mula nung insedinte na nangyari samin ni Sir Bong sa elevator, bigla kasing nasira ang elevator at umalog ito dahilan para matumba kaming pareho at napaibabaw ako sa kanya..
Sakto naman ang pag bukas ng pinto nito at nakita kami ng mga technician sa ganong pwesto, mabilis kaming tumayo ni Sir at sobrang akong nahiya sa nangyari..
Pagka tapos nun ay di na rin namin yun napag usapan pinilit ko nalang na kalimutan ang araw na yun..
Pero ang di ko maintindihan ay bakit lumalakas ang tibok ng puso ko kapag makalapit kami sa isa't isa, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito..
Pinagsawalang bahala ko na lamang yun baka kasi kinakabahan lang ako ng araw na yun..
Naging maayos naman ang trabaho ko dito tinuturuan ako ni Ma'am Elaine ng mga dapat kung gawin at kung ano ang hindi, minsan na lamang syang pumasok sa trabaho dahil malapit na syang manganak..
Dalawang beses na lamang sya kung pumasok sa isang linggo kaya ako ang laging nagkakasama sa meeting ni Sir Bongbong, ako na rin ang gumagawa ng mga schedule nya araw2x pati ang pakikipag usap sa mga business partner nya para makapag pa appointment ay ako din..
Minsan inuutusan nya akong bumili ng pagkain o kape nya, gaya ngayon nandito ako sa Starbucks para bumili ng sandwich nya at kape..
Nang makuha ko na ang order ko ay lumabas na ako agad, pero pagka labas ko ay may nag aabang na batang babae sobrang dungis nya at nanlilimos ng pagkain..
"ate palimos po gutom na kasi ako.." malungkot na sabi nya nakaramdam naman ako ng awa sa kanya kaya yung sandwich sana na para sa akin ay binigay ko na sa kanya
"ito oh.. Sayo na.." sambit ko at inabot ang sandwich at juice ko nakita ko ang pag ngiti nya ng binigyan ko sya ng pagkain
"talaga po ate? Thank you po.." masayang sabi nya at dali2x na binuksan ang supot ng sandwich at kumain
Halos lamutakin nya ang binigay ko na para bang ilang araw syang walang kain..
"oy Dahan2x naman mabibilaukan ka nyan.." subway ko ng makita syang sunod2x na kumakagat ng pagkain
"ghuromm pwo krashi akho.." halos di ko maintindihan ang sinasabi nya sa sobrang puno ng bibig nya
"hinay2x lang at wag kang magsasalita kapag puno ang bibig mo.." payo ko sa kanya kaya uminom sya ng juice at nginitian ako
"Sorry po.. Pero gutom lang talaga ako.." aniya
"hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko
"nung isang araw pa po akong hindi kumakain eh... Mabuti na lang po at mabait kayo.. Salamat po ha" masayang sabi nya
"kawawa ka naman.. Nasaan ba ang mga magulang mo?" nagtataka kong tanong
"hindi ko po alam.. Sabi nila patay na dw.." malungkot na sagot nya at kumagat ulit ng sandwich
"ahh ganon ba? Saan ka nakatira?" tanong ko ulit
"kahit saan po.." maikling sagot nya
"ahmm.." ani ko
"ito oh itago mo yan pambili ko ng pagkain.." binigyan ko sya ng 500 para may pambili sya ng makakain nya sa susunod na mga araw
"ay ateee.. Salamat po.. Di ko po talaga toh tatanggihan.." masayang sambit nya at yumakap sakin napayakap din ako sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/327730931-288-k961975.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fanfiction"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa