11

316 24 15
                                    

*******
  
 
Nagsimula na kaming sumakay ni bong sa mga rides dito sa EK, una namin sinakyan ay ang jungle log jam..

Pag akyat namin sa taas kung saan magsisimula ang rides, ay parang kinakabahan na ako di naman ako takot sa matataas pero parang nakakakaba lang sya..

Agad na kaming pinaupo ng staff at magpapasakay pa sana ng dalawa dahil pwede naman ang apat, kaso pinigilan ni bong kaya solo naming dalawa ang isang jungle log...

"ready ka na ba sara?"  tanong ni bong na nasa unahan ko naka upo

"ahm r-ready na.."  na uutal kong sabi

Sinimulan na ni kuya na patakbohin ang jungle log, kahit kinakabahan ay masaya naman ako dahil kasama ko si bong..

"aaaahhhhh"   sabay naming sigaw ng pababa na kami

It was fun kahit medyo nabasa kami ni bong, basta masaya.. Inalalayan nya ako makababa at sumakay na naman kami sa ibang rides..

Sumakay kami sa space shuttle, EKstreme tower, twin spin at iba pang nakakalulang rides...

Salitan lang kami ng pagsusuka ni bong at pagkatapos masuka ng isa ay mag tatawanan nalang kaming bigla, sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon..

I was never this happy even before, kapag si bong talaga ang kasama ko nakakalimutan ko lahat2x ng problema ko, all my anxiety and depressions are faded away..

I feel safe when I'm with him, although i know that this is just for the meantime but i don't want to think about it right now..

All i want is to spend this day with bong and enjoy the moment that I'm with him..

After ng mga nakakalulang rides ay nag decide kami ni bong na kumain muna ng lunch, then after naming kumain ay nag pahinga lang kami saglit..

"did you enjoy ba sara?" biglang tanong ni bong sa gitna ng katahimikan namin

"huh? Ah.. Uh uh.."  nauutal kong sagot

"me too i enjoyed it so much.. Mamaya punta tayo sa horror house ha?"  sambit nya bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya

Yun ang pinaka ayaw kung pasukin sa perya eh, kasi talagang matatakutin ako sa haunted houses..

Sabi nila hauntophobia daw ang tawag dun pero wala talagang official term para dun..

Napansin ata ni bong na parang natahimik ako kaya nilapit nya ang mukha nya sakin at parang sinusuri ako..

"are you okay sara? Parang namumutla ka?" nagtatakang tanong ni bong kaya sa taranta ko tinakpan ko tuloy mukha ko sa hiya

"di ah.." maikli kung sagot at tumalikod sa kanya

"are you afraid ba sa horror house?"  malumanay nyang tanong at dahan2x naman akong tumango pero nakatalikod pa rin

Lumipat sya ng pwesto saka dahan2x na tinanggal ang kamay ko sa mukha ko, at tinitigan nya ako ng mabuti..

"don't be afraid sara as long as im here with you, you're safe.. Okay?" asik nya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko

"o-okay.." mahina kung sabi then he hug me

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba at kasiyahan, di ako halos makagalaw sa nangyari para akong na estatwa sa kinauupuan ko ngagon..

Di ko alam kung naririnig ba ni bong ang malakas na pagtibok ng puso ko, he's still hugging me for i don't know how long kaya dahan2x ko rin syang niyakap sa bewang nya..

We are hugging each other dito sa gitna ng EK habang nakaupo sa bench, I saw some passer by na tinitingnan kami but me and bong didn't care..

Then after a long time of hugging ay kumawala kami pareho ni bong sa pagkakayakap, bigla ko namang napansin ang mga luha nya na pinagtaka ko..

"hey! Are you crying?" i curiously asked

"ha? No.. No.. Napuwing lang.."  mabilis nyang sagot habang kinukusot ang mga mata nya

Kahit may doubt ako ay pinagsawalang bahala ko na lamang yun..

"tara na sa horror house.."  pag aaya nya at hinawakan ulit ang mga kamay ko

Sa buong pamamasyal namin dito laging hinahawakan ni bong ang mga kamay ko na parang boyfriend ko, pilit ko namang iniiwas yung mga kamay ko pero kinukuha nya talaga..

Pagkapasok namin sa horror house ay tinakot na agad kami ng kunwaring pugot ang ulo, may mga kung ano2x pang elemento ang nanakot doon kaya minsan napapasigaw ako..

Minsan sa gulat ko ay bigla kong nayayakap si bong, tapos mabilis ko din syan binibitawan kasi nung narealize ko na nakayakap na ako sa kanya inaatake na ako ng hiya..

Nagpatuloy pa kami sa pinaka gitna ng horror house ng biglang hindi ko na naramdaman ang kamay ni bong, paglingon ko ay wala na sya sa likuran ko kaya agad ko syang hinanap..

"b-bong where are you?"  naiiyak kong tawag sa kanya pero di ko sya makita

Nalakad lakad pa ako ng bigla akong ginulat ng isang white lady kaya napasigaw ako ng malakas at umiyak, bigla akong napasalampak sa sahig sa sobrang takot ko..

I'm so afraid of the dark because my father used to locked me in our storage room, it was so dark in there then I always hear some strange noises..

That was the beginning of my fear in the dark kapag nasa madilim ako lagi kong naalala yung panahon na kinukulong ako ng papa ko sa madilim na kwarto, minsan doon na ako nakakatulog sa sobrang iyak at takot..

Kaya ayaw ko talaga ang pumasok sa horror house kasi yun ang bumabalik sakin na alala..

Patuloy lang ako sa pag iyak ng biglang may humawak sa mga braso ko dahilan para mapatingin ako, pagka kita ko ky bong ay agad ko syang niyakap ng mahigpit kasabay ng pag patak ng mga luha ko..

"s-saan ka ba g-galing?  Sobra a-akong natakot b-bong.."  i was sobbing while telling him what happened

"I'm sorry sara para kasing may tumawag sakin tapos pag lingon ko wala kana, i search for you everywhere buti na lang at narinig ko ang sigaw mo kaya nagmadali akong hinanap ka.."  he explained habang nakayakap pa rin sakin but i didn't say a word to him instead i cried like a baby

"sorry na sara don't worry di na ako aalis sa tabi mo.."   pag aalo nya habang pinapatahan ako

After 5mins ay medyo kumalma na rin ako kaya naman lumabas na lang kami ng horror house, but when we got out we both get shocked sa nakita namin..

Di ko inaasahan ang taong makikita namin ngayon, pareho kaming na tuod ni bong sa kinatatayuan naming dalawa mabuti na lang at hindi kami magka hawak ng kamay..

"hi babe.. Why are you shocked? " sambit ni liza at mabilis na pinulupot ang mga braso nya sa leeg ni bong at hinalikan ito sa labi dahilan para mapaiwas ako ng tingin

The moment that she kissed him my heart shattered into pieces like a broken glasses, at ewan ko ba dito sa EK parang sinabayan pa yata nag feeling ko ng biglang magpatugtug ng...
  
   
🎶
Pano naman ako
Nahulog na sayo
Binitawan mo lang ba talaga ako

Pano naman ako
Naghintay ng matagal sayo
Wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
Ano na bang gagawin ko
🎶
  
 

Paano na nga ba ako?

Ito na lang talaga ang role ko dito ang maging option ni bong kapag wala ang girlfriend nya..

I was never his first choice I'm always his option..














Maybe This TimeWhere stories live. Discover now