S2: 14

465 34 7
                                        

*****
   
 

Kasalukuyang nasa DSWD si Bong para mag patulong sa adoption papers ni Yna, napag usapan na nila Sara ang tungkol dito.. Since hindi pa sila kasal ni Sara sya muna ang mag aadopt ky Yna and then after nilang makasal ni Sara, ito naman ang mag pro-process ng adoption for Yna..

Habang naka upo si Bong at nag hihintay na tawagin sya ng social worker biglang nag ring ang telepono nya, agad nya itong kinuha sa bulsa at ng makita ang caller ID ay mabilis nyang sinagot ang tawag..

"hello mahal" masayang bati ni Bong

"B-bong" Sara's voice was shaking and it bothers him

Napatayo sya sa kinauupuan at lumabas ng opisina.. "what's wrong Mahal?" nag aalala nyang tanong

"Yna.. Si Yna." that was all Sara says, at ng marinig nya ang sinabi ni Saraabilis pa sa alas kwarto ay nagtungo sya sa kotse at pinaandar ito..

Hindi na kylangan tanongin ni Bong si Sara kung ano ang nangyari dahil sa tono pa lang ng boses ni Sara alam na nya na may masamang nangyari..

Halos paliparin ni Bong ang sasakyan para lang mabilis na nakarating sa condo nya, ay pa takbo syang nagtungo sa elevator at pinindot ang palapag kung nasaan ang unit nya...

Pagbukas ng elevator tinakbo ni Bong ang unit nya at mabilis na binuksan ang pinto, halos matulos sya sa kinatatayuan ng makitang sumusuka ng dugo si Yna.. Habang si Sara ay panay ang iyak at hindi alam ang gagawin si Elle naman ay pilit na ginigising si Yna na walang malay..

"Ynaaaaaa!" malakas na sigaw ni Sara na pumukaw sa diwa ni Bong, mabilis nyang nilapitan si Sara at binuhat si Yna..

Tumayo naman agad sila Sara at Elle na naka sunod lang sa kanya, narinig nyang ng sira ang pinto ng condo nya at lakad takbo silang nagtungo sa elevator..

Habang nasa loob ng elevator panay pa rin ang iyak ni Sara at Elle nabalot ng dugo ang damit ni Sara, parang isang dekada sila sa loob ng elevator sa bagal nito..

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay mabilis ang habang ni Bong patungo sa sasakyan nya, buhat nya si Yna at naka sunod naman si Sara at Elle..

Nauna ng pumasok si Bong sa emergency room at sinalubong naman sya ng mga nurse at doktor, inihiga nya sa hospital bed si Yna habang mabilis itong inasikaso ng mga doktor..

Nilapitan nya si Sara at kinulong ito sa kaliwang braso nya na panay pa rin ang iyak habang ang anak na si Elle ay niyakap nya gamit ang kanang kamay, ramdam ni Bong ang mga hikbi ni Elle habang nakayakap ito sa mga binti nya..

Nakatingin lang si Bong ky Yna na masusing tiningnan ng mga doktor, muntik ng matumba si Bong ng makitang sumuka ulit ng dugo ang anak mabuti nalang ay nakayakap si Sara sa kanya kaya hindi sya natumba..

"B-bong.. Si Yna.." Sara said while sobbing on his shoulder, "bakit sya nagka ganon? Ang sakit Bong, ang sakit sakit.." hagulgol ni Sara

Hinaplos nya ang buhok nito saka hinalikan ang gilid ng noo ni Sara.. "she'll be fine.. Gagawin natin ang lahat maging maayos lang sya.." sagot nya

Pero sa totoo lang natatakot si Bong sa nangyayari sa anak nila, hindi lubos maisip ni Bong kung bakit parang ayaw ng tadhana na maging masaya sya—sila ni Sara..

Hinalukay nya sa isip nya kung may nagawa ba syang masama sa buong buhay nya at pinaparushan sya ng ganito..

They're happy family now but it seems that the world was making it complicated, hard and tough..

Yna doesn't deserve this kind of pain, nawalan na nga ito ng magulang at ganito pa ang mangyayari..

Habang pinagmamasdan nya si Yna na nilalagyan ng kung anong makina sa katawan di namalayan ni Bong na tumulo na pala ang mga luha nya, gusto nyang akuin ang sakit ng anak para hindi na ito mahirapan napakabata pa nito para dumaan sa ganitong paghihirap..

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now