⚠️Babala ang chapter na ito ay naglalaman ng sensitibong eksena, paalala ito ay kathang isip lamang at WAG NA WAG GAGAYAHIN ⚠️
******
Kinabukasan nagising si sara na sobrang sakit ng ulo nya dahil sa matinding hangover, ininum nya ba naman ang dalawang bote ng absolut vodka kahit na pinipigilan na sya ni win ay tuloy pa rin sya..
"yawa sakita sa akong ulo oyy.. Mao na diha inday inom pa.. ( sakit ng ulot ko.. Yan kasi inday inom pa).." bulyaw ni sara sa sarili nya habang nakahawak na sintido
Dahan2x syang naglakad patungo sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush, pagkatapos ay niligpit nya ang kanyang higaan at lumabas na ng kwarto..
Sakto namang paglabas nya ay sya ring pag akyat ni win para sana tawagin sya..
"good morning palahubog (lasenggera).." natatawang bati sa kanya ni win
"anong sinabi mo?" itritado nyang tanong dito
"sabi ko palahubog ka!" kantyaw ulit ni win sa kanya
"at sino naman nagturo sayo nyan?" inis na tanong nya kay win habang nakapamewang
"aba sino pa ba? Syempre si inday sara lang naman.." win said with a smirk
"hoy! Hoy! Wala akong tinuro sayong ganyan ah..." palusot nya
"ahh talaga ba? Kasi pati si mama narinig ka ehh.. Tinanong kita kagabi kung anong tawag sa bisaya ng lasenggera sagot mo palahubog.." pagdidiin ni win na may halong tawa
"luh.. Di kaya.." asik ni sara at bumaba na ng hagdan nakasunod naman si win sa kanya at patuloy pa rin ang pangangantyaw nya dito
Nag aasara silang dalawa habang pababa ng hagdan at dumiretso sa kusina kung saan nag hihintay ang pamilya ni win sa kanila..
" good morning sara anak.." bungad na bati ng mama ni win ng makita sila sara na papalapit sa kusina
"ayy good morning po tita..." nakangiting bati naman ni sara
"kamusta ang hangover anak? Di ba masakit yang ulo mo?" nag aalalang tanong naman ng ama ni win
"di naman po masyado tito tolerable naman po.." sagot naman ni sara na may halong hiya
"oh sya sige na maupo na kayo at kakain na tayo.." pag aaya ng mama ni win kaya naman umupo na sila sara at win
Habang kumakain sila ay nagkukulitan pa rin sila ni win at nakikisali naman ang mga magulang nito pati mga kapatid, ramdam talaga ni sara na parte sya ng pamilya ni win..
Kasi hindi naman sila ganito kasaya at kulit ng pamilya nya, masyado kasing seryuso ang mga magulang ni sara...
Isang Court Lawyer ang ama ni Sara sa Davao habang ang kanyang ina naman ang Mayor doon, kaya naman lumaki si Sara na wala lagi ang kanyang mga magulang sa bahay..
At kung nandoon man ay seryuso pa rin ito, kunting mali lang ni sara ay agad syang napaparusahan ng ama na umaabot pa sa pagkukulong sa kanya sa bodega nila..
Tatlo silang magkakapatid sara being the middle child at only girl kaya gusto ng ama nya na maging abogado din sya, pero yun ang ayaw ni sara kaya simula ng nag college si sara ay sya na ang nagpapa aral sa sarili nya..
Tinakwil sya ng mga magulang pagkat di nya sinunod ang gusto nila na mag law sya, both her parents are strict..
Since before never nag open up si sara sa pamilya nya ng problema nya sa school, sara is being bullied in her school..
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fanfic"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa