*******
Nang magising si Bong ay agad silang tumawag ng Doktor, sakto lang ang pagising ni Bong dahil hindi nya nakita ang katawan ni Win na wala ng buhay..Nagpasya sila Sara na wag na munang sabihin ky Bong ang nangyari lalo na at kagigising palang nito..
Sinuri naman agad si Bong ng kanyang doktor at maayos na ang kanyang kalagayan, kailangan lang na wag muna syang masyadong gumalaw dahil baka bumuka ang kanyang tahi sa tiyan..
Pagka alis ng doktor ay naiwan sila Ramon at Jinggoy na kasama nila Sara sa kwarto..
"mahal.. Can I hug you?" pag lalambing ni Bong ngumiti lang si Sara at nilapitan si Bong para yakapin
Habang magkayakap ang dalawa ay di naman sila nakalusot sa kalukohan ng dalawang kaibigan..
"oy oy! Tama na yan! Baka bumuka ang sugat mo pre!" natatawang suway ni Ramon
"oo nga.. Bawal pa kayong sundan si Yuna ha? " dagdag naman ni Jinggoy
Kumawala si Sara at inirapan ang dalawa na tawang tawa pa rin sa kalukohan nila..
"hoy! Kayo talaga! Ang dumi ng mga utak nyo.." umiiling na bulyaw ni Bong
"ay susss! Kilala ka namin Bong baka pag uwi nyo sa bahay eh.. Di ka makapag pigil at panggigilan mo si Sara.." kantyaw pa ni Ramon bigla namang namula si Sara at tumalikod sa dalawa
"mag tigil nga kayo.." sermon ni Bong
"nagpapa alala lang kami pre, diet ka muna hanggang di pa gumagaling ang sugat mo.." turan naman ni Jinggoy
"alam nyo kayong dalawa talaga ano.. Hindi ko alam kung kaibigan ko pa ba kayo! Puro kayo kalukohan.." ani ni Bong
"suss pre nabuo nyo nga si Yuna ng hindi namin alam eh, ngayon pa kaya! Hahaha at tsaka kaibigan mo kami pre.. Pero madalas hindi.." sagot ni Ramon at sabay naman silang natawa ni Jinggoy
"hoy! Hoy! Tama na kayo! Umalis na nga kayong dalawa nahihiya na si Sara.." pagtatabuyan ni Bong sa dalawa
"opo ito na po aalis na.. Basta ha? Wag muna!" pahabol na biro ni Ramon saka hinila si Jinggoy palabas ng kwarto
Sinundan naman sila ni Sara para magpasalamat..
"Ramon.. Jinggoy.. Salamat kanina ha? Please ako na magsasabi ky Bong.." aniya at niyakap ng isa2x sila Ramon at Jinggoy
"wala yun Sara.. Wag ka ng matakot nag iwan kami ng dalawang bantay dito, kung magka problema kayo tawagan mo lang kami ha?" sambit naman ni Ramon
Pagkatapos magpaalam ni Sara sa dalawa ay bumalik na sya sa loob at sinamahan si Bong..
Nang makaupo sya ay agad na hinawakan ni Bong ang kanyang kamay at nakatingin ito ng deritso sa kanyang mga mata..
" You're so brave Love I'm proud of you.." ani Bong na pinagtaka ni Sara
"huh? What you mean love?" naguguluhan nyang tanong
"Love I saw how you fight with Win, hindi lang ako nagsalita dahil alam kung pareho tayong alanganin sa sitwasyon...
Nag panggap lang ako na tulog kasi ayaw ko na baka mahirapan kang labanan sya kapag nakita mo akong gising..
Sobrang tapang mo love dahil pinagalaban mo ang sarili mo.." nakangiting sabi ni Bong
Hindi nagsalita si Sara bagkos ay niyakap nya lang si Bong at unti unting tumulo ang kanyang mga luha..
![](https://img.wattpad.com/cover/327730931-288-k961975.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fanfiction"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa