°°°°°°°
1 week na kaming hindi nag uusap ni bong since our last conversation kahit magkatabi kami ng upuan ay parang hindi kami magkakilala..
We both ignored each others presence noone dared to talk first nor make a move..
3months na lang ay graduation na namin at ngayong araw ay nag bibigay na ng topic si Mr. Padilla para sa thesis namin..
Seryuso kaming nakikinig ky sir habang nag bibigay sya ng mga pointers at topic sa thesis defense namin, kapag hindi namin toh naipasa siguradong babalik kami next year at yun ang ayaw kung mangyari..
"so I'll divide you by pair ha? At pagbutihin nyo dahil kung hindi..
See you next year nalang.." seryusong wika ni sir
"yes sir"
"okay sir"
"opo sir"
Sabay2x naming tugon ky Mr. Padilla
"okay let's start.." panimula ni sir at nag tawag na ng mga pangalan ng magka partners para sa thesis
Halos masaya ang lahat dahil kasundo nila ang magiging partner nila, pero ako ay kinakabahan dahil hindi pa nababanggit ang pangalan namin nila karla, win at bong..
At anim na lang kaming di pa natatawag kung sino ang magkaka pair sa thesis, mas lalo tuloy akong kinakabahan..
Kahit sino sa apat na mga blockmates ko ay okay lang sakin na maging partner sa thesis basta wag lang si bong, hindi pa ako handang makausap at makasama sya okay lang na magkasama kami as classmates ganon lang..
"okay last 3 pair.." asik ni sir at napatigil para tingnan ulit ang listahan nya at patingin-tingin sa amin
"ahm Delos Santos at Allano, then Estrada and.." he paused at tumingin ulit sa gawi namin
"Duterte sir pleaseeeeee... Lord please.." dasal ko sa isip ko habang naka pikit at naka crossed fingers
"Estrada and Gatchalian.." pagka bigas ni sir sa pangalan nila karla at win ay nawalan na ako ng pag asa alam ko na agad kung sino ang magiging kapares ko sa thesis haist!
"last pair Marcos and Duterte.." at ayun na nga kami nga ni bong ang magiging partners napasulyap ako ng kunti ky bong mukhang relax lang sya at walang emosyon
"so that's all I n---
" sir excuse me? " taas kamay akong nagsalita at pinutol ang kanyang sasabihin
" yes Duterte? " tanong nya at tumingin sa gawi ko
" ahmm sir can I exchange partner sir? " lakas loob kung tanong sa kanya
" ow.. I'm sorry Ms. Duterte but its all final.. I will remind all of you na di kayo pwedeng mag palit ng partners, kung sino ang makakasama nyo ay yun na yun..
Nagkakaintindihan ba tayo? " tanong nya sa buong klase
"Yes Sir!" malakas na tugon naman nila para tuloy akong nagisa sa sarili kung mantika sa kahihiyan
"so Ms. Duterte malinaw na ba sayo?" balik tanong nya sakin kaya napilitan na lamang akong tumango at bumalik sa pagkaka upo
"o-okay sir.." nahihiya kung sagot habang nakayuko
"okay! I need to go.. Bye!" pagpapa alam ni sir sabay labas ng room namin
Bagsak ang balikat ko at malalim na bumuntong hininga dahil wala akong choice kung hindi kausapin talaga si bong
YOU ARE READING
Maybe This Time
Fanfic"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa