S2: 1

447 28 26
                                    

********
  
  
 
The Day of the plane crash..
   
  
  
Bago paman sumabog ang eroplano ay naka alis na sila Bong sa kinauupuan nila, sinubukan nilang makapunta emergency exit para sana makaligtas, pero bago paman mabuksan ang pinto ng emergency exit ay sumabog na ito ng napakalakas..

Sinubukan pa ng kapitan na mag emergency landing pero hindi na sila naka abot pa..

Nasa ere sila ng sumabog ang eroplano at dahil dun ay nakahiwalay hiwalay sila Bong, Sara at ang kanilang anak..

Binawian ng buhay si Yuna dahil sa matinding sugat na tinamo nito, hindi nakayanan ng kanyang katawan ang nangyari..

Habang si Bong naman ay natagpuan na palutang-tulang sa isla ng Palawan, duguan at maraming sugat sa katawan..

Halos isang linggo din syang nagpalutang-lutang sa dagat ng matagpuan ng mga mangingisda, nakakapit si Bong sa isang maleta na nagsilbi nyang sandigan..

Nasa ulirat sya ng matagpuan ng mga mangingisda, pero walang maalala kahit na sino o kahit na ano pa man..

Dinala si Bong sa ospital para mapatingnan sa Doktor, mabuti na lamang at nakikilala si Bong ng isang pasyente sa E. R na business partner ni Imee kaya naka balik sya sa pamilya nya..

Halos hindi makapaniwala sila Imee at ang kanilang Ina na mabubuhay pa si Bong, dahil halos lahat ng pasahero ay namatay sa pagsabog..

Habang ang anak naman nila na si Yuna ay na bigyan ng maayos na libing ng pamilya nila Bong bago pa sya makita, nakilala kasi ang bata dahil siniksik ni Sara sa bulsa ng jacket nito ang passport nya..

Pagkatapos suriin si Bong sa Palawan Hospital ay beniyahe na sya ni Imee patungo ng Ilocos..

Laking pasasalamat nila na nabuhay si Bong sa kabila ng malakas na pagsabog, pero hindi naman sila naalala nito..

Walang maalala si Bong na kahit ano maliban sa kwentas na lagi nyang binabanggit, hindi naman alam nila Imee kung ano ang ibig nyang sabihin dahil wala talaga silang alam..

Nagsagawa ng rescue operations ang mga coast guard ng Palawan kung saan na tagpuan si Bong, nag babakasali sila na nandoon lang din si Sara..

Pero tatlong buwan na ang nakakalipas ay wala pa rin silang makita na katawan ni Sara..

Ayaw naman sabihin ni Imee sa kapatid ang nangyari sa pamilya nito dahil lagi lang itong nakatulala, marahil na rin siguro sa trauma ng nangyari sa kanya..

Hanggang sa isang araw ay nakatanggap si Imee ng tawag mula sa Palawan rescue team..

"hello?"  bati ni Imee ng masagot ang tawag sa telepono

"hello ma'am this is from Palawan Rescue team, gusto po sana namin kayong imbetahan na pumunta dito dahil. May natagpuan kaming katawan ng isang babae..

Baka po ito yung hinahanap nyo.."  sambit nito sa kabilang linya

Bigla namang nakaramdam ng kaba si Imee sa sinabi ng kausap nya sa telepono..

" ahmm okay... P-pupunta ako.. "  maikling sagot ni Imee saka binaba ang tawag

" sino yun ate? "  tanong ni Irene

" galing Palawan.. May nakita daw silang babae sa dagat, b- baka si S-sara yun.." naiiyak na sambit ni Imee

"buhay pa ba?"  tanong ulit ni Irene

"I don't know.. Wala silang sinabi.." ani ni Imee at nagmamadaling umalis

Lumipad agad sya patungong Palawan para makita kung sino ba ang sinasabi nilang babae..

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now