Sara's pov
Maaga akong nagising dahil may pasok si Elle at aalis naman papuntang laot si Mans..
Nag hilamos at nag sipilyo muna ako saka nag tungo sa kusina para mag luto, ganito na ang buhay ko simula ng magsama kami ni Mans..
Nakilala ko sya ng minsan syang mag bakasyon dito sa isla, noong panahong yun ay kami na lamang ng anak ko ang magkasama sa bahay..
Dahil isang taon matapos kung ipanganak si Elle ay pumanaw naman sila Nanay Myrna at Tatay Isko dahil sa aksidente, ng minsan silang mag punta sa syudad..
Kaya ng mawala sila ay nahirapan ako dahil kami na lamang ni Elle ang magkasama..
Elle ang tawag namin sa aking anak pero ang totoo nyang pangalan ay Ywedelle na ang ibig sabihin ay Wealthy, nabasa ko kasi iyon sa isang libro na nakita ko noon..
Tatlong buwan matapos akong matagpuan ni Tatay Isko sa dagat ay nalaman ko na buntis pala ako, masaya akong malaman na magkakaroon na ako ng anak pero malungkot din dahil hindi ko man lang matandaan kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko..
Ganon pa man ay tinulungan ako ng mga kumupkop sa akin para maisilang ng malusog at maayos ang aking anak..
Mabuti na lamang at mababait sila Nanay Myrna at Tatay Isko dahil kung napunta ako sa mga msasamang tao, baka kung ano ng nangyari sa amin ng aking anak..
Mahirap ang naging pagbubuntis ko dahil meron akong hinahanap na hindi ko matagpuan, at kung ano2x na lamang ang gusto kong pagkain na wala naman sa isla..
Kapag hinahanap ko ang gusto ko at hindi naman ito maibigay nila Nanay Myrna ay hinahawakan ko nalang ang kwentas na suot ko, at epektibo namn minsan dahil kumakalma ang paglilihi ko..
Hindi ko alam kung anong meron sa kwentas na ito pero kapag masama ang pakiramdam ko o kaya ay malungkot ako, tinitingnan ko lang ito ay parang napapawi nito ang lungkot ko..
Siguro nga ay ganon ka importante sa buhay ko ang taong nag bigay sa akin nito, baka ang Ama ni Elle ang nag regalo nito sa akin sayang lang at hindi nya pinalagay nag pangalan nya rito..
Nang sa gayon ay may alam naman ako sa kanya kahit sa pangalan man lang..
Dito lang ako sa bahay nanganak ky Elle dahil hindi ko na kaya pa ang bumeyahi patungo ng syudad..
Mabuti na lamang at maayos ang panganganak ko at malusog naman si Elle, doon ko lang din nalaman na pangalawang anak ko na pala si Elle..
Dahil sabi ng kumadrona ay nakapanganak na raw ako noon, basi sa tahi ko..
Lagi kong iniisip ang panganay kong anak at hinihiling na sana ay magkita pa kami ulit, para mayakap ko sya at makilala nya ang kanyang kapatid..
Kung kasama ko man sya nung araw ng trahedya sana lang ay buhay pa sya at magkasama sila ng kanyang ama..
Minsan ay meron akong napapanaginipan na lalaki pero hindi ko makita ang kanyang mukha, tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi ko alam kung bakit..
Nang makilala ko si Mans ay isang taong gulang na si Elle, nung una ay hindi ko gusto ang pnaliligaw nya sa akin pero mas lalo syang naging pursegido at tanggap nya ang anak ko..
Kinalaunan ay natutunan ko rin syang mahalin dahil napakabuti nya sa amin ni Elle, sya ang tumayong tatay nito at inalagaan ni kaming dalawa ng anak ko..
(a/n: Elle pronounce as El.. From the name Ywedelle)
Tatlong taon na kaming nagsasama ni Mans at sa loob ng tatlong taon ay masaya ang aming pamilya, at nabibigay nya naman ang mga pangangailangan namin..

YOU ARE READING
Maybe This Time
Fiksyen Peminat"As much as they were right for each other, time wasn't right for them." Paul Wadhwa