*******
"Manang Loreng." sambit nya sa kanilang mayordoma. nakangiting humarap ito sa kanya at inilapag ang binuburda nitong tela."o,Miyuki. ikaw pala anak. ano yun? may kailangan ka?" tanong nito. naupo sya sa isa pang upuan katapat dito.
"Manang---matagal na kayo dito sa bahay, 'di po ba?" aniya rito. inayos nito ang suot na salamin.
"oo. tatlong dekada na, mula pa sa mga lolo't-lola ni Senyor Getulio. bakit mo natanong, anak?"
napangiti sya sa lambing ng pagtawag nito sa kanya. kapag abala sa kompanya ang mga magulang nya, ito ang tumatayong kanyang ina.
"wala naman po. ano kasi-nagugulohan lang ako kay Mama. sa tuwing tinatanong ko ang tungkol sa bawal na silid at sa madalas na pagsakit ng ulo ko---hindi nya 'ko sinasagot ng maayos. umiiwas sya lagi. Manang, ano ba talaga ang meron sa silid na yun na kahit ako, hindi pwedeng pumasok?"
nakatingin lang sa kanya ang matanda. kapagkuwa'y bumuntong-hininga ito saka nagsalita.
"wala ako sa posisyong magsalita, anak. tanging si Mama mo lang."
the old woman smiled apologetically. dismayado sya sa naging sagot nito. ang buong akala nya'y may makukuha na syang kasagutan dito
"hindi ko maintindihan kung bakit andami nyang tinatago sa 'kin. anak nya ako, 'di ba? may karapatan akong malaman ang kalagayan ko. kailan nya ipapaalam sa akin ang kundisyon ko? kapag may taning na ang buhay ko at isang uod na lang ang hindi nakakapirma sa 'kin? at ang kwartong yun---bakit ba mula pa noon, bawal na akong pumasok dun? hindi na 'ko bata na mapapatahimik nya lang basta. pakiramdam ko tuloy, walang tiwala sa 'kin ang sarili kong Ina."
hinawakan nito ang kamay nya at marahang pinisil.
"magtiwala ka na lang sa Mama mo, Rikki. walang Ina ang gugustohing mapahamak ang kanyang anak." hindi na sya sumagot pa. sa totoo lang, matagal na syang nakakaramdam ng kakulangan sa sarili---na para bang may parte ng pagkatao nya ang nawawala. na para bang may lagi syang hinahanap.
"huwag kayong magluto ng marami. hindi ako uuwi dito ngayong gabi." tumayo na sya at umalis.
****************binuhos nya ang oras sa trabaho. ramdam ng mga katrabaho nya ang kaseryusohan sa trabaho. even Amara didn't dared to get near her kapag ganitong tahimik lang sya. korean at chinese ang nasa menu at kasalukuyan syang nagluluto ng pasta bulgogi at dumpling soup in pork broth. flat pasta ang ginamit nya para mas mainam sa naturang korean pasta dish.
sinalang nya ang non-stick pan at hinalo ang brown sugar, saffron, pepper at dinurog na dahon ng laurel. hinalo nya ito hanggang mag-caramelize saka binuhosan ng all purpose- cream. nang maging golden na ang kulay, gumawa na sya ng plating at binudboran ito ng spring onions at nilagyan nya ng mga hiniwang karne ng baka.
matapos nito, sinunod nya ang dumpling soup na sinahugan nya ng masarap na pinakuluang buto ng baboy. nang mailabas na ang mga ito, ang korean dessert na bingsu naman ang ginawa nya. buong araw, nasa kusina lang ang kanyang atensyon. nakalimutan nya na ngang kumain. pagkatapos magluto, diretso sya sa kanyang opisina.
dun sya nanatili sa buong araw. gumawa lang sya nang mga bago nyang recipe. naging abala sya sa ginagawa nang may kumatok sa pinto.
"sino yan?"
"si Aria po ito, Chef. can i come in?" anito. patuloy lang sya sa ginagawa.
"pumasok ka na." bumukas ang pinto at tumuloy ang Operations Manager ng restaurant nya.
"what is it?" tanong nya dito.
"kinuha po tayong buffet caterer ng Mondragon and Claveria Law Firm para sa founding anniversary nila. filipino, japanese at italian ang menu na gusto ng client." paliwanag nito.
"okay. kailan ang event? at nasabi mo ba na hindi tayo nagpo-provide ng outdoor venues?" nakita nyang ngumiti ng alanganin ang empleyada.
"actually, yan po ang problema. gusto po nilang sa kanilang firm gawin ang event." anito. isa na namang sakit sa ulo nya ang mga brat clients na ganito.
"tell those people na dito ang event. kapag nagmatigas, then turn down the reservation. you can go."
umalis na ito. hinanap nya sa internet ang naturang law firm na ngayon lang nya narinig.
kilala pala ang naturang law firm-lalo na ang isa sa may-ari nito.
"Atty. Maria Anja Mondragon..." basa nya sa pangalan nito. napako ang mga mata nya sa isang napakagandang dilag. the woman has a heart-shaped face with a widow's peak, and a wide forehead. acquiline nose, deep set ocean-eyes, angular brows and a cupid's bow lips. the photo was a candid shot but the woman's resting bitch face stands-out. she looked icy and ruthless in a three piece corporate suit and a briefcase. beautiful and powerful-yet cold and distant.
Rikki can't take her eyes off the woman's face and physique. she felt a sense of familiarity, na parang nakita nya na ito dati. isa ito sa may-ari ng naturang sikat na law firm. marami pang mga links patungkol dito---isa na dun ang link na may lamang article tungkol sa personal life nito. may boyfriend na pala ang naturang abogada. sinarado nya ang mga binuksang tabs.
"weird." aniya sa sarili. bigla na lang kasi syang nanghinayang ngayong may nobyo pala ang babae. tinuloy lang nya ang ginagawa.
****************maya-maya, bumalik si Aria na problemado ang hitsura.
"ano na?" tanong nya rito. napakamot ito sa ulo.
"eh Chef---ayaw pumayag ni Attorney Mondragon. yung business partner at kapwa nya abogadang si Attorney Trixie Claveria, ayos lang daw na dito na lang sa function hall ng resto. pa'no po yan? kilala pa namang mataray at prangkang babae yung si Atty. Mondragon. nakakatakot po sya, Chef."
sabi pa ng manager sa kanya. isinara nya ang laptop at sumandal sa kanyang upuan.
"nagmamatigas kamo? then turn the reservation down. ibalik nyo ang pera kung nakapag-downpayment na. you knew my rules with regards to people like that. gawin nyo na agad."
utos nya dito. wala itong nagawa at lumabas na ng kanyang opisina. pero 'di pa man sya napakurap, agarang bumalik ang operations manager nya na naiiyak.
"oh? anyare sa 'yo?" 'di nya maiwasang maawa dito, lalo pa't isa ito sa magagaling nyang empleyado.
"Chef, magre-resign na lang po ako. hindi pa ako napahiya ng ganun,eh. ansakit lang. nagtatrabaho lang naman po ako.."
tuloyan na itong naluha. yumuko lang ito at humikbi. kumuyom ang kanyang kamao. mahalaga sa kanya ang mga empleyadong nagtatrabaho ng maayos. bumukas ang pinto at pumasok ang galit na si Amara.
"Chef, impakta at demonya ang babaeng yun! ininsulto at minaliit nya si Aria dahil hindi nasunod ang gusto nya! yan ba ang asal ng isang abogada? kaasar!"
maktol pa nito na inalo ang kawawang si Aria. her jaws clenched. ang ganung ugali pa naman ang isa sa mga pinaka-ayaw nya sa lahat. never nyang sinigawan o pinahiya ang mga empleyado nya. kung may nagkakamali sa mga ito, pinagsasabihan nya ng maayos at pinapatawag sa kanyang opisina---hindi sa telepono o sa harap ng maraming tao.
"umuwi ka muna, Ria. Mara, pakitulongan mo sya. may tatawagan lang ako."
tumalima si Amara sa inutos nya. agad nyang dinial ang numero ng kanyang ina.
"Konnichiwa, Okassan. can you set me an appointment with Attorney Minerva Marzan? Arigatou Guzaimaste. love you po. bye." binaba nya ang cellphone. "makikita ng impaktang yun ang hinahanap nya. tingnan natin."
*****************may magkakabangaan yata sa next chapter. riot ditey 😁😉😎🤣
please leave a comment po sana 😊😁
BINABASA MO ANG
Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGON
RomanceMaan Mondragon is ruthless and indifferent behind her seraphim-like face. ang mukhang hindi makabasag plato---pero nangwawasak pala ng mga pagkatao at puso. she's a nightmare... dressed like a daydream. a harmless butterfly that stings worst than a...