CHAPTER TWENTY

2.2K 113 16
                                    

***
tumunog ang bluetooth earpiece nya. binalibag nya ng malakas ang baseball bat dahilan para tumama ito sa vandalized na pader at nahati. dinukot nya ang cellphone at agad sumilakbo ang galit nya sa pangalang nasa screen.

matagal nyang tinitigan ang phone bago sinagot ang tawag. she didn't even bothered to say hello.

[somebody took my men down. find them.]

utos nito. mapakla syang napangisi.

find them? wala nang hahanapin. dahil ililibing nya ang mga ito ng buhay.

[did you hear what i said, 24? find those mongrels. you failed to kill Demetriova's daughter, you useless piece of sh*t! don't test the last thread of patience that i have. bring Demetriova's daughter to me---dead or alive. or else---i'll have your head in a platter. don't you dare mess this up. last chance, 24. one last, f*cking chance.]

the call ended. tinanggal nya ang earpiece. tinapon nya ito sa lupa at inapakan. durog ang gadget saka sya malalim na napabuntong-hininga. kailangan na nyang kumilos. she needs to see Sakura Aragon.
****************

kinuha nya ang blackberry phone sa backpack nya. she pressed speed dial 4. nag-ring agad ang kabilang linya.

[ano na naman bente-kwatro?]

ang pupungas-pungas na sagot ng kausap.

"dating gawi. pero 'wag sa malapit. tauhan ang mga 'to ni Volkov. ayokong sumabit. gawin nyo na ngayon. punta ka na lang sa pera padala bukas."

hindi na nya hinihintay ang sagot nito at binaba ang tawag. she put her hood up and walked silently along the dirty, dark alley of Calle Encantador, ang red light district ng Metropolis. naglipana sa lugar na ito ang mga bars at nightclubs----at mga kalapating mababa ang lipad. some of them are giving her coveted glances and smiling sweetly.

pero hindi nya binigyang pansin ang mga babaeng maihahalintulad sa lumang barko---maganda sa labas pero kinakalawang ang loob. nakaka-tetano. diretso lang ang tingin nya sa kalsada ng may mahagip na 'di kanais-nais ang kanyang mga mata.

daglian syang nagkubli sa likod ng isang pub house. hindi sya maaaring magkamali----dahil kilala nya ang mga taong yun...
***********************

nakapalibot ang mga MIB---o Men in Black sa isang Bugatti Veyron. nasa unahan ng magarang sasakyan ang isang itim na Hi-Ace van, at dalawang burgundy Mitsubishi Montero naman ang nasa likuran.

umibis mula sa luxury sports car ang isang matangkad na lalaking kahit gabi na, naka-shades pa. dumako ang tingin nya sa likod ng kaliwa nitong kamay---sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki.

tatooed there is a piercing dagger-soaked in blood. her eyes narrowed on the man.

Diosdado Menesis' heir. ang susunod na uupo bilang pinuno ng Menesis Mafioso. pumasok ito sa isang elite na bar kasama ang dalawang babae at mga alipores nito. lumabas sya mula sa pinagkukublihan.

tadhana nga naman. sadyang mapaglaro.

'di nya akalaing dito nya makikita ulit ang anak ng Mafia Deity ng Pilipinas----ang counterpart ng Russian Mafia group ni Volkov. isa ang lalaking yun sa titiktikan nya----lalo pa't may kaugnayan ito sa anak ni Demetriova.

kaya kailangan nyang maunahan ang dalawang organisasyon. kailangan nyang iligtas ang babaeng yun.
*******************

Maan is restless in her home. ilang beses nyang tinatawagan ang cellphone ni Rikki pero hindi pa rin ito sumasagot. she's damned worried kung ano na ang nangyari dito matapos ang ambush na yun. hindi nya maiwasang magalit sa sarili dahil nagpadaig sa kanyang kahinaan, sa naranasan nyang trauma sa nakaraan.

the sound of guns spitting deadly ammos trigerred a long-forgotten painful memory. nanghihinang napaupo sya sa kanyang sofa. hot tears flowed down from her eyes again. tila nanariwa sa alaala nya ang madugo at malagim na pangyayaring iyun na kumitil sa buhay ng kanyang ina at kapatid. pinahid nya ang mga luha at humiga.

binuksan nya ang isang folder sa cellphone nya. her eyes got misty again as she stared at her loving mother's warm smile----and her younger sister's toothless grin. buhay na buhay ang mga ngiti at tawa nila sa litrato, mga ngiting 'di na nya makikita kahit kailan.

"Momma---i'm scared. they're here. they want to kill me too...Momma please...help me.."

ang humahagulhol nyang kausap sa lumang litrato....

inakap nya malapit sa dibdib ang cellphone. her mother, the lovely and kind woman who reads her bedtime stories and tucks her to bed at night. walang araw sa kanyang buhay na hindi nya naaalala ang mainit at puno ng pagmamahal nitong kalinga sa kanilang magkapatid.

they were a happy, simple middle-class family. not until those men rained bullets in their house that turned her life drastically. those demons tainted her joyous childhood. ang mga ulupong na yun ang naging dahilan kung bakit sya naging ulila. she loathed them. so much.

nakaramdam sya ng antok dahil sa pag-iyak at nakatulog. but then later on, she felt someone tapping her cheek. agad naging alerto ang pandama nya at akmang sisigaw ng takpan nito ang bibig nya. binaba nito ang suot na hood at face mask. the stranger smiled, showing a perfect set of pearly-white teeth and dimples.

"R-Rikki?"

she asked breathlessly. tumango ito. daglian nyang niyakap ito ng mahigpit at ganun din ito sa kanya. na-miss nya ito ng sobra.

"i'm sorry kung ngayon lang ako nakapunta sa 'yo. bantay-sarado ng mga guards ang buong bahay namin."

wika nito habang sabay silang kumakain ng mga hinanda nitong pagkain. Cream of Mushroom Soup, Chicken Sotanghon, Tomato Soup with Grilled Cheese Sandwich at Kangkong with Tokwa in Oyster Sauce.

"g-galit ba sa 'kin ang Mama mo?"

'di nya maiwasang mag-isip ng ganung bagay. kamuntik na itong mapahamak dahil sa kanya. inabot nya ang naka-benda nitong kamay at masuyong hinaplos.

"I'm sorry, Rikki. alam kong ako ang pakay ng mga yun at nadamay ka lang. sigurado akong tungkol sa trabaho ko bilang abogada ang motibo kung bakit nila tayo tinambangan. muli, I'm really sorry.."

tumayo ito at umupo katabi nya. kinabig sya nito at muling niyakap.

"huwag mo nang isipin yun. ang mahalaga, ligtas tayong dalawa. ang mga Pulis na ang bahala sa pag-iimbestiga. we'll leave it to them. tahan na, Maan. ayos lang.."

marahan nitong hinaplos ang kanyang buhok. she pulled Rikki closer. for in their embrace----she feels safe...
****************

ang isa marahil sa mahirap gawin ng isang underrated writer ay yung kailangan mong mag-update kahit wala namang nagbabasa. hehehe 😁😉😀

sana may mag-comment. 🤭☺️😂

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon