CHAPTER TWENTY-SEVEN

2K 97 6
                                    

to mhae1003
maraming salamat sa pagbabasa 👍

*****************

matagal nyang tinitigan ang pinto. magkasiklop ang kamay nila ni Maan at ramdam nya ang marahang pagpisil nito sa kamay nya.

"young master, pumasok na po kayo. hinintay na kayo ni Madam sa loob."

wika pa ng loyal na tauhan ng kanyang ina. napabuntong-hininga sya. hindi sya makapaniwalang makakapasok na sya sa silid na noong bata pa lang sya'y 'di nya na maaaring pasukin.

"s-sigurado ka ba talagang... inutos nyang pumasok ako sa kwartong 'to?"

paniniyak nyang tanong rito. yumukod ito at muling tumingin sa kanya pagkatapos.

"opo. utos nya po na dalhin ka at si Miss Mondragon dito. kaya pasok na po kayo."

wala na syang nagawa kundi ang tumalima sa winika nito. binuksan ng dalawang MIB's ang malaking pinto na yari sa mahogany. lumangitngit iyun sa sobrang bigat habang unti-unti itong bumubukas. biglang dinaga ang dibdib nya ng humakbang na sila papasok.

the room is almost empty-except for a life-size painting and a steel vault. sarado ang kurtina at may buhay na apoy sa hearth...

pero napatigil sya sa paghakbang ng makita ang dalawang tao na nakaupo sa dalawang high-back chair. isa sa mga ito ang kanyang ina. ang isa naman ngayon lang nya nakita---pero hindi nya mawari ngunit nararamdaman nyang pamilyar ito sa kanya.

"maupo kayong dalawa. ayokong patagalin pa ito. sige na, anak."

naupo na silang dalawa sa two-seater couch. pumapagitna sa kanila ang isang malaking glass centerpiece table na may mga kakanin at tea set sa ibabaw.

"what is this all about, Okassan? at sino ang taong 'to?"

ang agad nyang sunod-sunod na tanong. nakita nyang nagkatinginan ang dalawa. tinanguan ng stranghero ang kanyang ina saka ito bumaling sa kanya.

"tukoy na namin kung sino ang paulit-ulit na umaatake sa inyong dalawa." sabi pa ng kanyang ina. nabuhayan sya ng loob sa narinig.

"talaga? mabuti naman kung ganun. sino, Ma? at bakit nila yun ginawa?"

ang sabik sa kasagutang tanong nya dito. sa wakas, malalaman na rin nya kung sino ang nasa likod ng lahat.

"hindi sila ordinaryong tao, Rikki." anito sa malamig na tono. "kabilang sila sa underground association, sa black market. organized criminal group. isang Mafia clan."

it was the stranger who said those words. mariin nya itong tiningnan. kakaiba ang kulay ng mga mata nito na gaya ng sa ube. mas lalong tumindi ang sense of familiarity nya sa taong ito.

"at sino ka naman? ba't ka nakikisali sa usapan ng iba?"

tanong nya dito na bibinibigyan ito ng naghihinalang tingin. nakipagtitigan ito sa kanya.

"24."

ang napaka-ikling sagot nito. nanigas sya sa kinauupuan. a sudden flashes of memories appeared in her sub-conscious thoughts...
***********

"24. yan muna ang identity ko na malalaman mo sa ngayon..."

***********

she may be helpless at that moment, pero hindi sya maaaring magkamali. talagang hindi.

"i-ikaw...ikaw yun. sa Calle Encantador..."

"tama. ako nga yun. sa basement ng DC Towers. sa Calle Encantador---pati na ang nagligtas kay Attorney Mondragon mula sa ambush kamakailan. ako lahat yun, Kaori Miyuki Nishida."

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon