CHAPTER TWENTY-SIX

3.1K 110 4
                                        


****
"ano?! hanggang ngayon, wala pa rin kayong lead kung sino ang gumawa nun sa girlfriend ko? tinutulog nyo lang ba sa pansitan ang dapat ay tinatrabaho ninyo?! bakero!"

'di na nya naiwasang masinghalan ang PNP-Metropolis CIDG sa sobrang galit at frustration nya. pilit naman syang pinapakalma ng kaibigang si Gabriel.

"kunting lamig, Boss. relax." anito. pinukol nya ito ng masamang tingin.

"relax? how could i do so kung inutil ang mga yan?!" she continue to lash out fiercely on them. and they can't blame her. magmula nung pinagtangkaan sila ni Maan sa basement ng DC Towers, ang nangyari sa kanya sa Calle Encantador at ang pananambang kay Maan na kamuntik nitong ikapahamak. sa lahat ng yan, blangko pa ang mga Pulis sa kung sino ang nasa likod ng naturang mga insidente.

"pahinga ka muna, Rikki. umuwi ka muna. tatlong araw ka ng nagbabantay kay Attorney sa ospital. halika na." wika ng kaibigan sa kanya. pero tinanggihan nya ito.

"mamaya na 'ko uuwi. mas kailangan ako ni Maan ngayon." aniya. lumabas na lang sya ng Headquarters at dumiretso sa parking area.

"matatagalan bago ako makapunta ulit sa Leon Sangria. padalhan mo na lang ako ng kopya ng inventory."

sabi nya bago paandarin palayo ang kanyang kotse. thankfully, nakalabas na ng ospital si Maan matapos itong pagtangkaang dukotin ng mga hudas na iyun. nasa ospital na ito ng may misteryusong tao na tumawag sa kanya. kulang na lang, paliparin nya ang motor papunta doon nung nakaraang araw.

maliban sa bukol nito sa ulo, maayos naman ito. nagtagal lang ito ng three days sa ospital dahil sa mga medical tests pero after the third day, na-discharge na ito. labis-labis ang pag-aalala nya lalo na't nagpa-panic attack daw ito. kinailangan itong i-sedate ng mga doktor para kumalma.

humigpit ang hawak nya sa manibela habang binabagtas nya ang kalsada papunta sa bahay ng kasintahan. kita nya sa rearview mirror ang sasakyan ng kanyang mga bodyguards. ngayon pa lang nya na-appreciate ang silbi ng mga ito sa kanya.

dati kasi'y aminado syang naiirita sa presensya ng mga ito. ayaw nyang may nakabuntot sa kanya. she sighed and manuevered the car papasok sa subdivision kung saan nakatira si Maan. pinagbuksan sya ng mga guards na nakabantay sa bahay nito.

"kumusta dito? wala bang kahina-hinalang taong umaaligid?" agad nyang tanong sa mga ito pagkababa nya ng kotse. yumukod ang mga ito bago sumagot.

"maayos naman po ang lahat dito, young master. wala pong unwanted presence sa paligid."

sagot ng isa. tinanguan nya lang ito saka pumasok sa loob. dumiretso sya sa silid nito at nakita ang kasintahan na nakaupo sa kama habang kandong ang laptop. nakasuot ito ng reading glasses at seryusong tinitipa ang keyboard. nilapitan nya ito at inakbayan.

"hey, mahal. ba't ka nagpapagod? dapat nagpapahinga ka lang." aniya dito. sinilip din nya ang screen ng laptop nito.

"mas lalo akong mapapagod kapag wala akong ginagawa. andami ko nang pending cases. na-miss ko nang makipagtalakan sa korte, mahal." sagot nito na sinara ang laptop at yumapos sa kanya. hinalikan nya ang sintido nito.

"you're too workaholic, mahal. how are you feeling?" tanong nya rito. umiling ito.

"i'm totally fine now. kaya ko na ngang magtrabaho, eh. i'm starting to get bored dito sa bahay. hindi pa ba talaga ako pwedeng lumabas?" nakatingalang tanong nito sa kanya.

"i'll call your doctor tungkol dyan, don't worry. teka, gusto mo bang mag milktea today? igagawa kita." alok nya dito. ngumiti ito at agad tumango. kinintalan nya ito ng halik sa labi.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now