CHAPTER TWENTY-FOUR

1.9K 95 5
                                    


***
Sakura Aragon paced back and forth on the carpeted floor of her mansion's library. hindi mawala sa isip nya ang sinabi ng anak kanina. ang pangalang yun--- hindi basta identity lang. isa iyung codename. at iisang tao lang ang alam nyang gumagamit ng naturang alias---at matagal na itong pumanaw.

she's currently waist deep in thought when the alarm ring. pinindot nya ang intercom.

"come in." aniya. bumukas ang pinto at tumuloy sa loob ang isang matangkad na lalaki. yumukod ito sa kanya.

"greetings, Madam. ano pong maipaglilingkod ko?" tanong nito.

"have a seat. this won't take long. i just have to ask few important questions." sagot nya. magkatapat silang naupo ng panauhin.

"didiretsahin na kita. isa ka sa mga forensic pathologist dati na kinuha ng CIA para suriin ang katawan ni Agent Demetriova, hindi ba?"

mariin nyang tinitigan ang kaharap. kilala nyang matinong tao ito kaya malabo itong magsinungaling.

"regarding that, Madam---opo, verified po na patay na sya. sigurado po ako doon." paniniguro pa nito.

"sigurado ka? wala bang lapses na nangyari, or ninakaw ang katawan nya at pinalitan?" paniniyak nyang tanong dito. kailangan nyang makasiguro dahil talagang nagdududa sya.

"Madam, the theory of stealing a dead person's cadaver is impossible inside the Pentagon under CIA and FBI's watch. authenticated at verified din ng State Forensic Department ang identity ng taong yun. kaya 100% legit po na yung inembalsamo at pina-cremate ay si Agent 24. kung talagang may duda kayo Madam, pwede nyong ipasuri kung may human residue ang abo." paliwanag nito.

napabuntong-hiningang napailing si Sakura sa narinig.

"I think hindi na. as if naman papayag ang Pentagon 'ukol dyan. they'd just say that redundant excuse of it being classified. wala rin akong mapapala." aniya.

"if you don't mind Madam----may i know why you're bringing this up now?" usisa pa nito. matagal nyang pinag-isipan ang isasagot dito. kailangan nyang maging maingat.

"wala naman. nothing serious, really." she replied. "well, that'd be all for today."

tumango ito. tumayo ang lalaki at yumukod bago nagpaalam at umalis. tumayo na rin sya lumipat ng upo sa likod ng desk nya. she press the intercom.

"Hikaru. in my office."

napatingin sya sa labas. hindi pa rin mawala ang pangamba nya. there's still this very thing that bothers her a lot. hindi mapag-imbento ng kwento ang anak nya. ramdam nyang totoo ang sinasabi nito. the door opened and came in her executive assistant.

"wala bang nakunan ang CCTV dun sa lugar ng Calle Encantador kung saan na-ambush si Rikki?"

"unfortunately Madam, wala po. ayon pa sa PNP-Metropolis burado lahat ng CCTV footages. wasak din ang mga cameras."

ulat nito. hindi makapaniwalang nahampas nya ang mesa.

"bakero! that's impossible! pa'nong nasira eh nasa mga matataas na poste ang mga yun nakalagay?" ang napipika nyang reaksyon sa ulat nito. yumukod ang tauhan nya.

"yun po ang nakuha kong impormasyon, Madam. patawad po."

anito. nahilamos nya ang mga kamay sa kanyang mukha. binaba nya ang mga ito at hinilot ang kanyang sintido. nagsisimula na syang mabwiset sa nangyayari.

"gumawa ka ng follow-up report. huwag kang titigil. kung makukuha mo ang mga wasak na cameras,gawin mo. you can go." 

pagkalabas ng tauhan nya, pinuntahan nya ang secret passage ng library. hinawakan nya ang isang matayog na shelf at lumikha ng vertical- horizontal zigzag line gamit ang hintuturo nya. she then took a step back as the huge and tall shelf move aside. lumikha iyun ng dumadagundong na tunog na parang lumilindol.

nang mahawi ang shelf, tumambad ang isang kulay kahel na pader. lumapit sya rito at idimampi ang kanyang palad. the wall hissed and like the shelf---it also move aside, revealing a short passage. pumasok sya at automatic na nagsara ang pader.

nilakad nya ang makitid na daanan. ang tanging ilaw na tumatanglaw sa nilalakaran nya ay mga electric torch lights na nakapaskin sa pader. huminto sya sa tapat ng isang painting ng Mount Fuji. muli nyang dinampi ang palad at tumabi ang painting. nakatayo na sya sa loob ng isang silid---ang silid na pinagbabawal nyang pasukin, lalo na  kay Rikki...
*****************

laman ng kwartong ito ang mga pinakakatago nyang lihim ng nakaraan. nasa dulo ng kwarto ang isang life-size painting ng dalawang taong may espesyal na lugar sa kanyang puso. nasa paanan naman nito ang isang bakal na safety vault.

hindi nya napigilan ang pagpatak ng mga luha habang nakatingin sa painting. dalawang dekada at mahigit man ang lumipas, nananatiling buhay ang kanilang mga ngiti. na parang hindi sila nawala. she reached out a hand and touch the canvass.

"nagsisimula na silang magparamdam at manggulo. hindi ko alam kung hanggang kailan ko sya kayang protektahan at hanggang kailan ko maitatago ang totoo."

dito na sya napahagulhol. matigas man ang kanyang paninindigan---pero tao pa rin syang nakakadama ng takot at pangamba. at isa marahil sa pinakamalaki nyang kinakatakutan ay dumating ang araw na hindi na nya maikukubli kay Rikki ang totoo nitong pagkatao---at ang koneksyon ng angkan nila sa mga Romanov.

si Agent 24. kay Maan Mondragon.

naghila sya ng upuan at nahahapong naupo dito. ang gulo na.
*****************

matapos ma-cleared lahat ng medical tests nya, pinayagan na syang ma-discharge ng doktor. halos tatlong araw din syang nanatili sa ospital.

"uuwi ka ba sa inyo?"

tanong ni Maan sa kanya habang lulan sila ng isa sa mga bullet-proof cars ng kanyang ina. nakangiting hinawakan nya ang kamay nito.

"dumiretso tayo sa bahay namin. i want you to meet my mother in person. total, ramdam ko namang hindi sya tutol sa 'tin. okay ka ba dun?"

tanong nya rito. tumango ito pero mababanaag sa mukha nito ang pag-aalangan.

"relax. strikta at malamig makitungo si Mama pero mabuti syang tao. magtiwala ka lang sa 'kin." assurance nya dito.

"thank you. 'di ko lang talaga maiwasang kabahan. tanyag na businesswoman ang Mama mo at napakayaman ng pamilya nyo.." anito. she pulled Maan close to her.

"no one else comes close to you---not even the wealth my family has. you're one in a million, Maan. lagi mong tandaan yan."

yumakap ito ng mahigpit sa kanya. pinangako nya sa sariling silang dalawa pa rin sa huli. kahit ano pa ang hadlang.
*****************

ang gulo ng buhay mo, Chef. 😁😊

kindly leave a comment po sana 🙂😊 please 🙏. Salamat 👍

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon