CHAPTER ONE: MEDUSA IN RED

4.9K 127 7
                                    

WARNING ⚠️🚨:

EXPLICIT, MATURED R18 scenes ahead. Reader's discretion required. read at your own risk. You have been warned.
***********************

humimpil sa tapat ng isang matayog na gusali ang isang midnight-themed Lamborghini Huracan. alerto agad ang valet at pumwesto malapit sa hinintuan ng naturang magara at mamahaling sasakyan.

bumukas ang pinto nito pataas---at unang makitang bumaba ang isang mala-gatas sa puting binti, suot ang isang high-heeled pumps in red. sumunod na umibis mula sa kotse ang kabuuan ng driver. pagkalabas nito sa kotse, bumaba ang pinto nito at tumunog.

nahigit ng mga parking attendants ang kanilang hininga. standing there in an all-red ensemble is a tall, statuesque woman with a waist-length chestnut brown locks. bitbit nito ang isang Ferragamo bag at kumikinang sa araw ang suot nitong D&G shades. nakatayo lang muna ito doon saka pumasok sa loob ng building.

"good morning, Attorney." bati ng mga gwardya.

"morning."

ganting-bati nito sabay tango sa mga empleyado. snappy na nakatayo ang mga sikyu hanggang sa makalagpas sa pwesto nila ang amo. bumukas ang automatic doors at tumuloy ito sa loob.

nakahinga na ng maluwang ang mga ito nang tuloyan ng makapasok sa gusali ang amo nila. daig pa nila ang mga tutang takot sa isang malaking aso.

samantala, isang utility personnel naman ang tila nakakita ng multong paparating. tanaw nito ang paparating na matangkad na pigurang naka-pula. bitbit ang kanyang mop, patakbo nyang pinuntahan ang mga kasamahan.

"andito na si Medusa! ayusin nyo na yan, nakow!"

nagkumahog naman ang mga kasamahan nito. mabilis pa sa alas-kwatrong nagligpit ng mga gamit at nagtrabaho ang mga ito. nanigas sila ng klarong marinig ang tunog ng takong. papalapit ito sa kanila.

humilera sila sa magkabilang panig ng hallway, leaving the center aisle vacant. they stood there in arms, holding mops and vaccum cleaners. daig pa nila ang mga sundalo ng Nazi habang naglalakad si Hitler sa gitna. huminto ito saglit at may kinuha sa designer bag nito. hinulog nito sa tile floors ang isang puting panyo at inapakan.

"get it."

utos nito sa isa nilang kasama na agad tumalima. pinulot nito ang panyo.

"anong nakikita mo?"

tanong nito sa empleyado. tiningnan ng tauhan ang panyo---na may dumi. napalunok at nanlalamig na sumagot ito.

"d-dumi po, Attorney.." ang halos pabulong nitong sabi.

"talaga? dumi ang nakikita mo?"

mas lalong nanginig ang tauhan sa paraan nito ng pagtatanong. kalmado lang ang boses nito pero sa tagal na nilang nagtatrabaho sa Law Firm na ito---alam nilang sa likod ng kalmang iyun, nakakubli ang isang mapang-arok na personahe.

"o-opo, Attorney. dumi po." sagot nito na sumulyap sa mga kasama na nag-iwas ng tingin. pakiramdam nya, maiihi na ata sya sa kanyang salawal.

"so dumi yang nakikita mo?" tanong nito. tumango ulit ang tauhan. "kung ganun, bakit may dumi? ano bang trabaho mo dito?"

'di mapakaling tumingin sya dito at yumuko din agad. nakaka-babang tingnan ang kulay-abo nitong mga mata na sing-lamig ng purong bakal.

"u-utility po." sagot nito.

"at ano namang ginagawa ng utility?"

"naglilinis po."

napapikit na lang ang tauhan at nagdasal na sana'y matapos na ito.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon