CHAPTER TWELVE

3.7K 123 10
                                        


***
Maan turn the blender off when her doorbell buzzed. agad syang naging alerto at tiningnan sa monitor kung sino ang pumipindot dito. nagsalubong ang kilay nya sa pagtataka.

anong ginagawa nito dito? binuksan nya ang pinto papunta sa kanyang front porch. she jabbed the button and the small gate opened. sumandal sya sa hamba nito at tumikhim. and like a movie slow motion---her heart thumped loudly when the unexpected visitor shifted and face her. namula sya ng husto ng mapako ang mga mata nito sa suot nyang pambahay: maong short shorts and an oversize tee. bumakat sa suot nya ang kanyang malulusog na dibdib.

"u-uhm..ano..para sa 'yo. sana tanggapin mo." anito, sabay abot sa kanya ng isang pumpon ng bulaklak. kiming tinanggap nya ang mga ito.

"thank you." sagot nya.

"sige. mauna na 'ko." bahagya itong yumukod at akmang sasakay na sa motor nito nang tawagin nya ito.

"sandali." tumigil ito.

"Rikki Aragon, right?" tanong nya dito. tumango ito. "tuloy ka muna. mag-usap tayo." aniya dito.

"ha? naku, wag na. may importanteng meeting din kasi ako. pumunta ako kasi, ano-i just want to check if you're really okay. bilang may-ari, i felt responsible for what happened. i'm sorry."

hinging-paumanhin nito. she, on the other hand----hindi rin mapigilang tingnan ito mula ulo hanggang paa. gray hoodie, slim-fit jeans, high-cut sneakers at rider gloves ang datingan nito. nakatayo ito katabi ang isang itim na motorsiklo—a Harley Davidson, base sa engraved na tatak nito.

"may problema ba, Attorney?" tanong nito na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"uh..oo. okay lang." sagot nya. tumango ito-at ngumiti. and it's gotdamn sexy. pakiramdam nya tuloy, parang drumroll ang tibok ng puso nya.

"salamat naman at okay ka na. i'll go ahead then." kinuha nito ang helmet at akmang isusuot nang tawagin nya ito ulit.

"wait!"

ibinaba nito ang helmet.

"yes?"

"pwede bang magkita tayo bukas? or, rather---maaari ba 'kong pumunta sa restaurant mo?" ang dire-diretsong sabi nya dito. ewan nya ba pero parang matatameme yata sya dito.  

"pwede naman. wala namang nagbabawal sa 'yo dun." anito. nagkatitigan silang dalawa at ito ang unang nagbawi ng tingin. hindi sya mahilig sa korean drama at kpop, pero kamukha nito ang isang sikat na korean actor na napanuod nya dati---na hindi na nya maalala ang pangalan.

"gusto ko rin sanang personal na humingi ng tawad dun sa empleyado mo kaya ako pupunta dun sa restaurant."

"sige. pa'no, mauna na 'ko. see you again, Attorney."

sabi nito na isinuot ulit ang helmet. sumampa ito sa motor at pinaandar iyun palayo. pumasok sya ng bahay at ni-lock ang gate. 'di na nya pinigilan ang kilig habang hawak ang boquet ng mamahaling bulaklak---pinagsamang hokkaido rose at holland tulips. inilagay nya ang mga ito sa flower vase sa kanyang kwarto, katabi ang picture frame ng kanyang pamilya.

muling bumalik ang kahungkagan at pangulila sa puso nya. tumigil ang kanyang tingin sa nakangiting mukha ng kanyang ama. mapait syang napangiti. wala naman itong pakialam sa kanya bilang anak. wala kahit kailan.

may sarili na itong pamilya---habang sya, nag-iisa. walang kasama.

kumuyom ang kamao nya at dinampot ang frame. binuksan nya ang likod at kinuha ang larawan doon---at pinunit. pinilas nya ang parte kung nasaan ang ama at nilukamos iyun. she didn't even know why she keep that piece for long.

lumapit sya sa kanyang kama at nahiga doon. niyakap nya ang unan at napabuntong-hininga. sa totoo lang, hindi madali ang mamuhay mag-isa. sabihin man nyang sanay na sya, pero may mga pagkakataon pa ring nangarap sya nang may makakasama. yung may katabi sya sa pagtulog, may kayakap. yung may rason syang umuwi araw-araw.

hindi naman sya tinuring na iba ng pamilya ni Trixie. sila ang naging sandalan nya sa mga panahong lugmok ang kanyang pagkatao. pero hindi habang buhay syang aasa sa mga ito dahil may sarili din silang buhay. bumangon na lang sya at nagtungo sa kanyang jacuzzi at nag-relax. tutungo sya sa restaurant kaya dapat alam na nya ang mga sasabihin.
***************

"anong ginagawa ng impaktang yan dito?"

tanong ni Amara sa kanya habang niluluto nya ang Picadillo. sinalang nya ang kawali at ginisa doon ang mga spices at kamatis. sinahog na nya ang karne ng baka na nilagyan nya ng asin at tomato paste. tinakpan nya ang kawali at hinayaang maluto saka ito hinarap.

"she's still one of the patrons here, Mara. at isa pa, i did not impose any ban on her. and she came here in good faith. nag-apologize na sya kay Aria and that's enough." sagot nya na pinatay ang apoy sa kalan at hinango ang kawali.

"hindi mo na sya dapat tinanggap pa dito. that bitch caused trauma to Aria. baka manggulo ulit yan dito." ibinaba nya ang sandok at tiningnan ito ng diretso.

"sa pagkakaalam ko, ako ang may-ari ng restaurant na ito, Amara. kaya desisyon ko ang masusunod. oo at nagkamali sya. pero may hatol na ang kaso, nagbayad na sya ng danyos at humingi ng tawad. tama na yun,okay na. lahat ng tao nagkakamali. wala namang perpekto. mabuti pa siguro, bumalik ka na sa trabaho mo. sige na."


halatang na-offend ito sa pag-prangka nya at walang kibong umalis. napailing na lang sya at bumalik sa kanyang ginagawa. isa rin sa magagaling nyang empleyado si Amara at pinahahalagahan nya ito dahil dun. pero minsan kasi, nakakalimutan nito ang boundary ng pagiging mag-amo nila.

"Roi, i-serve na 'to." utos nya sa kitchen assistant at waiter nila dito.

"yes, Chef." kinuha nito ang mga niluto nya. sya naman, nagpahid ng pawis nya at pumasok sa kanyang kwarto para magbihis. pagkalabas nya ng kusina, pinuntahan nya si Aria sa pwesto nito.

"andun pa rin ba sya sa loob?" tanong nya, sabay sulyap sa pinto ng VIP room.

"opo, Chef. may ipapasabi po kayo?" umiling sya.

"wala naman. kumusta naman ang pag-uusap nyo kanina?" ngumiti ito.

"maayos naman po. napatawad ko na po sya, Chef. ayoko ko kasing magtanim ng galit." anito.

"that's great. okay, ikaw na muna dito,ha? sa opisina lang ako."

"okay po, Chef." tumango sya at pumasok sa kanyang opisina. minasahe nya ang kalamnan sa pagod kanina sa pagluluto.


a knock on the door made her stop massaging her tired muscles.

"come in." aniya. bumukas ang pintuan at sumungaw ng kunti ang kumakatok.

"hi. pwedeng tumuloy?" it was the lawyer, Maan Mondragon.

"ikaw pala. tuloy ka." pumasok ito at sinara ang pinto.

"have a seat. i assume na tapos ka nang kumain. how was it?" tanong nya rito.

"great, as always. salamat nga pala at pinayagan mo akong bumalik dito."

'di nya maiwasang humanga sa ganda ng kaharap. marami na syang nakilalang magaganda----pero iba ang dating ng abogadang ito.

"hatid na kita?"

"huwag na. may trial ako ngayon. kaya ko na." sagot nito. tumango sya.

"ingat na lang." tumayo na ito at lumapit sa pinto. napalunok sya ng matingnan ang pang-upo nitong humuhulma sa suot na pencil-cut skirt. nag-iwas sya agad ng tingin. baka makasuhan pa sya ng sexual assault nito.

"bye, Chef." ang nakangiting paalam nito.

"ah...s-sige. ingat ulit." nakalabas na ito. napabuga sya ng malalim na hininga pagkatapos. anlakas ng tibok ng puso nya. "damn. ano 'to?"
*******************

magkasundo yata ang puso ng dalawang 'to. parehong mabilis ang tibok,eh. 😊🙂

please 🙏 leave a comment po sana 🙂😊

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now