CHAPTER TWO

4.8K 150 6
                                        


she stormed out of Andrew's unit. tinawag pa sya nito pero hindi sya nakinig. she pressed the elevator button the ground floor. that's it. she's done with him. paniguradong pagtatawanan sya ni Trixie sa nangyari. matalim ang tingin nya sa pagpapalit-palit ng numero sa button panel ng elevator. the lift arrive at the ground floor and she immediately get out of it. she opened her bag and took out her smartphone.

"tell one of your men to take Aiko here at DC Towers. asap." she tap the end call icon and get straight of the tower. lahat ng makakakita sa kanya, napapalingon. from her resting bitch face down to her red corporate attire.

and because of one thing----she's Maria Anja Romanov Mondragon. the ruthless and brilliant lady lawyer. plastado ang mukha at boses nya mapa- telebisyon, radyo, internet at social media. some even took pictures of her. she snapped and took a step towards the group of teenage boys.

"delete that." ang walang emosyon nyang utos sa mga ito. pero nginisihan lang nila sya.

"delete what?" maang-maangan pa ng isa. kita nya ang mga ngisi ng mga ito na nagsisikuhan pa. she tried to keep her cool, like the professional lawyer that she is. kahit pa gusto na nyang tuhorin ang bird's nest ng mga bastos na 'to na halos maglaway na sa kakatingin sa cleavage nya.

nakababa ang unang tatlong butones ng kanyang blazer kaya makikita ang hugpong ng mga dibdib nya.

"don't wait for me to file a lawsuit against you. delete.that. right now." her voice is icy and dangerous making her gray orbs turn to silver.

"w-what case? were minors, fyi. you can't have us jailed. wag kami, ue. alam namin ang batas!"

pag-aangas pa nito na sinegundahan pa ng mga kasama nito. all of the sh*ts she had this day sum up. she stood tall, towering with her 5'10" height. walang anu-anong tinabig nya ang kamay nito, dahilan para mabitawan nito ang cellphone na agad nyang nasalo.

nanlaki ang mga mata ng mga ito sa nagawa nya. her lips twitched for a triumphant smirk.

"ue! akin na yan!" anito na pilit kinukuha ang cellphone. iniwas nya ang gadget dito.

"violation against right to privacy, anti voyeurism act, acts of lasviciousness and RA 9262. and you claimed that you're a minor? don't attempt to go wise on me, svolach'. alam ko ang mga patakaran dito. DC Towers strictly prohibits the entry of minors not unless they have a parent/ guardian who owns any unit in here. and they must have an ID. dahil kung wala---hindi sila makakapasok. so dahil sinabi mong minor ka---" aniya na sinulyapan ang mga lumilibot na gwardya. "I think dapat yung malaman ng security. mananagot sila kapag nalamang andito kayo na walang identification. guar---"

"oo na! dito kami nakatira at hindi na kami minor!" pasinghal pang sagot nito na halatang nasindak nya. she smirked triumphantly.

"so inamin mo rin. and since you said that you knew the law---which case shall i file against you, knowing the fact na 'di ka pala minor. ano na?"

binura nito ang mga litrato nya at nagsipulasan palayo. napailing na lang sya. tuloyan na syang lumabas ng gusali at hinintay ang tauhan nya.

'di katagalan, dumating na si Aiko sa parking area. dala ito ng isa sa mga tauhan nya.

"heto na po sya, Ma'am." sabi nito.

"good. take this." aniya at binigay dito ang isanlibong piso.

"go now. i'll take her." umalis na ito. nilapitan nya si Aiko at tinapik ang harapan nito. "let's go, baby. i have to go back at the firm."

bumukas ang entrada ni Aiko at pumasok sya sa loob. pagkasara nito---pinindot nya ang start button, kinabig ang kambyo, inapakan ang gasolinador at inikot ang manibela at sumibad paalis.

Aiko is the name of her black lambo huracan. ang paborito nyang kotse. she manuevered the car swiftly back to her law firm. pagkaparada nya, umibis sya mula dito.

"Maan, dear!" napahinto sya sa paglalakad at lumingon. isang matangkad ding babae na nakasuot ng navy blue corporate attire ang papalapit sa kanya. maganda rin ito at may strawberry blonde na mahabang buhok. Trixie Zendaya Claveria---ang partner, bestfriend at kapwa nya abogada.

"andito ka yata. wala kang trial ngayon?" tanong nya dito.

"katatapos lang. and duh. it really pissed me off. yung kliyente ko, anlaking shunga. nakipag-settle sa kalaban na hindi ako kinonsulta. kaasar lang."

anito na umbrisete sa kanyang braso papasok sa law firm. binati ito ng mga empleyado na masaya naman nitong binalik. daig pa nito ang kakandidatang beauconera kung kumaway sa mga empleyado.

"will you stop that? para kang nangangampanya." aniya na pinindot ang elevator button.

"what's with you ba? you're on grumpy mode again." anito na tiningnan ang repleksyon sa pader ng lift at nagpa-cute. she scoffed.

"a lot happened. one, useless employees who can't even clean an effin' floor. second---Andrew 'idiot' Menesis."

humagalpak nang tawa ang kaibigan na hinampas pa ang braso nya.

"ouch! that hurts, you bitch!" angil nya pa, massaging her arm. pero mas inasar lang sya nito.

"get over it, slut. i told you many times to break up with that douche bag but you won't heed me, duh. he just loves you because he wants to get laid." anito na nakatingin sa manicured nitong kuko."and our employees are doing their best. hindi na nila kasalanan kung may alikabok ang sahig. and it's not their fault also if you're so maarte."

humalukipkip lang sya.

"you knew that i hated dirt." aniya at umismid.

"yeah. you hated dirt. quote and quote." anito, making quotation marks in the air. "but you let that jerk  explode his dirt in you. yada,yada."

the lift's door opened and both of them got out.

"Maan, ditch that guy. i have lots of hombres for you to date. c'mon." sabi pa nito na sumunod sa kanya hanggang sa opisina nya. umupo ito katapat ng kanyang table.

"ayokong pumatol kung kani-kanino, Xie. baka mamaya may STD pa yan. Andrew may be a douche pero kilala ko sya. we both had urges so yeah. i'll keep him." katwiran nya pa.

"ewan ko sa 'yo. ay, syanga pala. may bridal shower si Olay next week. invited tayong sa lahat and i want you to be there. sasama ka. clear?"

sabi nito bago umalis ng opisina nya. she just shrugged. bumalik na lang sya sa pagtatrabaho at 'di na inisip ang sinabi nito.
**********************

she got home exhausted. she dropped on her plush sofa and raise her feet on the coffee table. nakatingala lang sya sa kisame. kapagkuwa'y tumayo sya at pumunta sa kusina. binuksan nya ang two-door refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.

naghila sya ng isang high-stool at umupo doon. inilapag nya ang pitsel at baso sa countertop. pinagmasdan nya ang kanyang naging tirahan for ten years. the three-storey abode that she has built with her own hard-earned money. mapait syang napaisip.

marahil, totoo ang matandang kasabihan---"na mabuti pa ang bahay na kubo dahil ang nakatira ay tao. keysa sa bahay na bato pero ang nakatira ay kuwago."

'di nya namalayang pumapatak na pala ang kanyang mga luha. agad nyang pinahid ang mga ito. kumuyom ang mga kamao nya nang maalala kung bakit mas pinili nyang manirahan mag-isa. kung bakit naging ganito katigas ang puso nya.

she loathed those people. sila na sumira sa buhay at kabataan nya.

ang mga herodes na yun ang dahilan kung bakit kinailangan nyang bumalik ng pilipinas...
*************************

hmm. ano kayang nangyari kay Maan noon? anlaki ng bahay, sya lang ang nakatira. sana all. hehe 😁

sana may nagbabasa nito. comment po sana kayo for chapter two. salamat. :)



Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now