CHAPTER FOUR

4.5K 165 26
                                        

WARNING ⚠️🚨
Explicit scenes ahead. Reader's discretion required. read at your own risk. You have been warned.

NOTE: THIS IS NOT A. LAW SERIES SO DON'T TAKE EVERYTHING YOU READ HERE SERIOUSLY. IF EVER, I POSTED SOMETHING INAPPROPRIATE, KINDLY CORRECT ME WITHOUT THE SNIDE REMARKS AND INSULTS.

THANK YOU.
****************0o0****************

taas-noong pumasok si Maan sa lobby ng Palace of Justice. nagkislapan kaagad ang mga cameras sa pagdaan nya.

"Atty. Mondragon, what convinced you to take the case? aware ba kayo sa haka-hakang may koneksyon ang naturang kompanya sa mga makakaliwang grupo?"

tanong pa ng isang reporter. the aloof lady lawyer didn't even replied and just go on walking amidst the swarm of press people. gaya ng dati, walang nahitang sagot mula sa kanya ang mga ito. dumiretso sya sa waiting area ng mga kliyente nya at agad sinara ang pinto. ramdam nya agad ang pagka-balisa ng mga kamag-anak na syang complainant. naupo sya sa katapat na upuan at seryuso silang tiningnan.

"you listen to me very carefully. I know that this is your first-time to attend a court hearing. kaya gusto kong ipaalala sa inyo na kumalma lang kayo at 'wag kayong gagawa ng hakbang na hindi ako kinokunsolta. hayaan nyong gawin ang aking trabaho bilang abogada nyo. maliwanag ba?"

tanong nya sa mga ito. tumango naman sila agad.

"opo, Attorney."

"relax lang kayo at makinig. wag kayong padadala sa mga pshywar tactics ng kabila. leave it all to me. now---" aniya, sabay tingin sa relong pambisig. "pumunta na tayo sa courtroom. tandaan nyo lahat ng sinabi ko."

tumayo na sya at naunang lumabas ng waiting area. andun pa rin ang mga bubuyog na taga media.

"don't mind them and don't say anything. maglakad lang kayo." paalala nya sa mga kliyente. tahimik lang silang naglalakad, hanggang sa nakasalubong nya ang isa pang ungas sa buhay nya.

"oohh. what a coincidence. nagkita na naman tayo for a court battle. so how's your boring life, Attorney Mondragon?" tanong nito sa kanya na mapang-asar na ngumisi. Maan just gave her a deadpan look.

"well, it's still a life---Attorney McKnight. but not as boring as yours. at least i don't have to take the bar exams thrice."

she answered boringly with underlying sarcasm. the other lady lawyer's nose flared. halatang nagpipigil itong singhalan sya. wala syang planong patulan ang isang abogadang laos kagaya nito.

pumasok na sya sa korte at 'di na ito binigyang pansin. surot lang ito sa paanan nya. pumwesto sila sa kanang bahagi ng korte. sumunod ang depensa sa kaliwa. ramdam ni Maan ang matalim na mga tingin ni Attorney McKnight mula sa kabilang panig. mula pa sa law school, talagang ampalaya na ang palyadong abogada sa kanya. lagi itong nakikipag-bangaan sa kanya, mapa-academics man o ibang bagay. and as always, ito ang laging talo.

kaya 'di nya pinapatulan ang mga isip-batang patama nito sa kanya. she won't stoop low on that pathetic wanker's level. nakita nyang pumwesto na ang court clerk.

"please rise for Judge Roni Sotello." anunsyo ng secretary of jury. agad silang tumayo. pumasok sa korte at naupo sa kanyang pulpito ang premyadong huwes. pinukpok nito ang martilyo.

"you may take a seat." pagkaupo nila, nagsimula nang magbasa ang sekretarya.

"today is the first trial against the DVB Mining Incorporated, filed by the plaintiffs—the relatives of the bereaved miners." hudyat na ito na magsisimula na ang hearing.

*****

"both parties may present their respective lawyers. first to introduce is the Defense lawyer." anang court clerk. tumayo ang abogada ng depensa at tinaas ang kanang kamay.

Paramour(METROPOLIS HEIRS II:) RIKKI ARAGONStories to obsess over. Discover now